{64} Ready

1779 Words
Alex’s Point of View “What did she just say?” tanong sa akin ni Juna at pareho kaming naguguluhan sa nangyayari ngayon. Matapos mabanggit sa buong bansa ang aming mga pangalan bilang mga kriminal na tinraydor ang kanilang tiwala ay tumawag naman sa akin si Emma. Hindi ko alam kung sino ang mga taong nasa likod ng pangyayaring ito. Ngunit isa lang ang aking natitiyak, ang hindi magtiwala sa ibang tao at magtago. Sa sitwasyon namin ngayon ay wala kaming laban sa isang patas na husgado dahil magkakaroon at magkakaroon pa rin iyan ng dayaan. Kaya ang tumakbo na lang ang tangi naming magiging paraan. “Sabi niya ay pumunta raw tayo sa kaniya,” sagot ko sa kaniyang tanong. Pero saan? Nasaan siya ngayon? I’am at lost here. Not just me but we. “Hello,” muling saad ko sa kabilang linya at hindi pa naman niya binababa ang tawag. Nakarinig ako ng mabibigat na paghinga niya sa kabilang linya at hindi ko alam kung ano ang sitawasyon niya ngayon doon. “Emma?” muli kong tawag sa kaniya at hindi pa rin niya ako sinasagot. *toot* *toot* *toot* What?! Bigla niyang pinutol ang linya ng aming tawag. Sobrang naguguluhan na nga kami sa mga pangyayari at labis na akong nag aalala para sa kanilang dalawa. Bakit ba kasi ganito ang nangyayari sa aking buhay? Alam kong may kasalanan din ako sa mga nangyayari ngayon sa amin, pero hindi namin ito ginusto ni hindi ko nga naisip na mangyayari ito sa amin. Just why? “Hoy,” tawag sa akin ni Juna at kaagad ko naman siyang nilingon. “Let’s go?” aya niya sa akin. “What do you mean?” naguguluhang tanong ko sa kaniya. “Let’s find them,” suhestyon niya. Wait, right at this time. Diba napakadelikado dahil kakarelease pa lang ng aming mga larawan at pangalan sa telebisyon at ibig sabihin nun na fresh pa sa mga utak ng tao ang aming mga mukha lalong lalo na ang aking pagkakakilanlan dahil sigurado ay kalat na ngayon sa sosyal media ang aking pangalan at ang kanilang mga paratang sa akin na hindi ko naman talaga ginawa. “Ngayon din?” paninigurado ko at tumango naman siya sa akin at tinalikuran niya na ako saka naglakad papunta sa may hagdanan at nang marating niya na ito ay kaagad naman siyang umakyat dito. Pinanood ko siya hanggang sa hindi ko na siya makita at nang makalabas na siya sa silid na ito ay kaagad akong napahilamos sa aking mukha. This is so much to take in and I do not know how I will take care of these problems that appeared out of nowhere and caught us totally off guard. Kaagad akong pumunta sa aking mga lamesa para basahin ang mga dokumento tungkol sa aking gamot. Nang masigurado ko na rin kung ano na nga ba talaga ang aking progreso rito dahil sa may pagiging makakalimutin din ako kapag binubulabog ng kung ano anong isipin ang aking utak o kaya ay hindi ko alam ang aking gagawin. Sa sitwasyon naman ngayon ay malala dahil pareho kung nararanasan. Napangiti naman ako ng makita ko ang completed na tatak ko sa ibaba ng dokumento at ibig sabihin nito ay handa ko na itong ibigay sa mga pasyente. Ang MMED ay walang tatak na ganito dahil nga nasa beta phase pa lamang iyon. Handa na ako ng linisin ang aking pangalan at alamin kung sino ang mga tao na nasa likod nito. Umaasa pa rin ako na walang kinalaman ang pamilya ni Emma rito. Kaagad akong umakyat sa aking hagdan na siya namang maglalabas sa akin sa kwarto na pinanunuluyan ko para ayusin ko ang mga gamit na aking dadalhin. Kaagad akong dumeretso sa may drawer para kunin ang isang malaking bag na aking ginagamit sa biyahe at isang bag naman para paglagyan ko ng aking mga dokumento at samples ng countermeasure ko sa MMED. Nang makuha ko na ito ay kaagad naman akong pumunta pababa ulit sa bunker kung saan ako nagsasagawa ng mga test at aking experiments. I wonder if those people that begs for my help calls me a mad scientist now. Natawa ako nang maisip ito dahil sila ang unang lumapit sa akin at halos ituring na nga nila akong diyos mapasakamay lang nila ang gamot na hindi pa tapos. Mga tao nga naman. Kaagad kong inilapag ang bag na paglalagyan ko ng mga samples at aking dokumento sa lamesa saka ko ito binuksan. Inuna ko munang ilagay ang mga dokumento sa baba at nang matapos ko na ito ay tinakpan ko na ito ng waterproof na telang takip para maproktektahan ito, at saka ko inilagay ang paglalagyan ko ng aking mga samples upang hindi ito maula o kaya ay malaglag sa aming gagawing paglalakbay. Pumunta ako sa freezer kung saan ko inilagay ang mga sample at isa isa ko itong kinuha at inilagay sa dapat nitong paglagyan at nang mailagay ko na ang lahat ng dapat ko ilagay ay isinara ko ang bag at binitbit ito pataas sa kwarto na aking pinanunuluyan. Para naman sa mga kakailanganin ko sa biyahe ay kaagad ko namang inilagay ang mga bagay na aking kakailanganin talaga at kasama na rito ang baril, mga damit, at ang aking mga ginagamit na gadgets para sa komunikasyon. Hindi ko na masiyadong dinamihan ang mga damit as this will just slow us down in the way. Kaagad kong isinara ang zipper ng bag at umupo sa malambot na kama upang makapagpahinga. Siguro ay kaunting idlip ay mababawasan ang mga iniisip ko. .               .               . “Hey Alex,” mahinang tawag sa akin ni Juna at unti-unti ko namang iminulat ang aking mga mata at nakita ko siya na nakaupo sa tabi ko habang niyuyugyog ang aking katawan para magising ako. “We need to move as soon as possible at hindi magtatagal ay mararating din nila ang lugar na ito,”wika niya sa akin at kaagad naman akong napabangon at tumingin sa suot kong orasan. Hala halos dalawang oras din akong nakatulog. “I am very sorry,” paumanhin ko sa kaniya at kaagad naman akong tumakbo papunta sa banyo para makaligo at mapreskuhan ko naman ang aking katawan. Narinig ko naman ang mga yabag niya palabas at ang ingay ng pinto kaya sigurado akong nakalabas na siya. Nagmamadali akong hinubad ang aking t-shirt at binato ito sa laundry basket dahil hindi ko naman isasama ang mga damit na ito sa aking pag alis, isinunod ko naman ang aking pantalon at kagaya ng t-shirt ay kaagad ko itong ibinato sa laundy basket ganun din ang ginawa ko sa suot kong underwear. Dahan dahan akong naglakad papunta sa ilalim ng shower at binuksan ko ito. Mahina muna para hindi magulat ang aking katawan sa lamig na gagapang dahil sa mga tubig na ibubuga nito. Itinapat ko ang aking mukha sa shower para ako ay mahimasmasan dahil ang ibang parte ng aking katawan ay tulog pa. Halos manginig ang aking katawan dahil sa lamig ng tubig na ibinuga nito. Para bang may halong yelo ang source ng water system dito. Kinuha ko naman ang sabot at sinabon ko ang aking maskuladong katawan lalong lalo na ang aking abs na pinaghirapan ko sa aking pag wowork out sa bahay noong ako ay kolehiyo pa. Wala naman akong pera pang gym noon at ngayon naman ay oras ang nagkulang sa akin. Isinunod kong sabunin ang aking mukha para malinisan ito at nang matapos na ako magsabon ay muli kong binuksan ang gripo at sa pagkakataon namang ito ay malakas na ang buhos ng tubig dahil nakapag adjust na ang aking katawan sa lamig nito, para mabilis na ring matangal ang sabo sa aking katawan. Matapos ko magbanlaw ay inabot ko ang towel na nakasampay sa labas ng shower at tinuyo ko ang aking katawan. Itinapis ko ito sa ibabang parte ng aking katawan at naiwan namang naka expose ang upper part at kung sinuman ang makakakita sa akin ay makikita ang mga muscles ko. Mabuti ako lang ang tao sa kwartong ito ngayon at hindi ko na kailangan pang mag worry sa ibang tao dahil si Juna naman ay inihahanda na ang kaniyang mga kagamitan na dadalhin. Dumeretso ako sa wardrobe at pumili ako sa mga underwear na aking susuotin at kasunod nun ang pantalon. Matapos ko isuot ang pang ibaba ko ay kumuha naman ako basta ng t-shirt, wala na akong paki sa disenyo nito basta may maisuot lamang. Isinuot ko naman ang aking medyas at sapatos. Ayos, handa na ako. Muli ko namang isinampay ang towel kung saan ko ito kinuha at sinigurado ko naman na malinis ang kwarto para hindi naman nakakahiya kay Juna. Lumabas ako sa kwarto dala dala ang dalawang bag na aking dadalhin sa paglalakbay. Dahan dahan ko namang binibitbit ang bag na naglalaman ng aking mga samples patungo sa kwarto ni Juna. Nang marating ko ito ay kumatok ako rito ng tatlong beses at naghintay naman ako ng tugon nito. “Saglit nagbibihis pa ako!” sigaw niya. “Sa baba na lang tayo magkita!” sigaw ko sa kaniya pabalik at at nagtungo naman ako sa mga stairs pababa at mabagal ang aking naging paggalaw at baka mamaya ay may mahulog sa sample. Nang makababa na ako ay inilapag ko ang bag sa lamesa at umupo ako sa upuan para maghintay kay Juna. Kinuha ko ang aking smartphone sa aking bulsa at binuksan itop para tingnan kung nag iwan ba ng mensahe para sa amin si Emma pagkatapos ng kaniyang tawag. Unfortunately ay wala siyang iniwan na mensahe, kahit isang mensahe man lang sana kung nasaan sila ngayon ng aking kapatid. Pagkatapos nun ay pumunta naman ako sa aking phone gallery para tingnan ang mga litrato na nilalaman nun. Halos family picture lang namin ang nilalaman nito at palaging nasa unahan si Alexa para siya kumuha ng aming groupfie. May ilan naman na kasama ko si Emma and as usual siya ang kumukuha ng aming litrato. Ewan ko ba, hindi ako nabibiyayaan sa pagkuha ng litrato. Napakasimpleng bagay pero bakit hindi ko makuha kuha and for some reason nanginginig na ang aking kamay kapag pipindutin ko na ang capture button. Ah! Namimis ko na sila. Don’t worry soon magkikita rin tayo. Just wait for us there. Kagaya ng aming pinagusapan noon ni Juna na kapag dumating ang panahon na ito ay kaagad naming pupuntahan muna si mama para sa pagbibigay ko sa kaniya ng gamot. “Psst,” may tumawag sa akin kaya agad naman akong napalingon. “Ready?” To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD