Alex’s Point of View “Everyone, wake up!” sigaw ni Juna na siya namang gumising sa aming lahat na mahimbing na natutulog sa loob ng sasakyan. Iminulat ko ang aking mata at nasilaw naman ako sa sinag ng araw na siyang tumatama sa tinted na bintana ng kotse. Kinusot kusot ko ang aking mga mata at dahan dahan kong iniunat ang aking mga braso. Nagsimula naman magising ang iba ko pang mga kasama. “Andito na ba tayo?” tanong ni Alexa na naunang nagising sa kanilang dalawa ni Emma. Kagaya ko ay nag unat naman siya ng mga braso saka kinusot ang kaniyang mga mata. Nasa unahan naman si Emma kaya hindi ko siya nakikita kung gising na ba siya o hindi. “Oo, kanina pa kayo ginigising ni Dr. Junnaliza,” sagot ko sa kaniyang tanong. “Just call me Juna, enough with the formalities,” pansin naman ni Dr

