{36} Mahirap na Gawain

1904 Words
Alex’s Point of View “Tara na,” tawag sa akin ni Juna dahil naiwan ako ritong nakatayo sa loob habang siya ay nakalabas na sa rest house niya. Naiwan kasi akong nakatulala rito iniisip kung ano ang nangyari kay Emma. Nang matauhan naman ako dahil nga sa tinawag niya ako para lumabas ay nagsimula na akong mag lakad palabas sa bahay para sundan si Juna na naghihintay sa akin sa may sasakyan. Dumaan ako pababa sa hagdanan na aming dinaanan kanina at binaybay ang buhanginan patungo kay Juna. Tiningnan niya lang ako nang makalapit na ako sa kaniya at hindi ko alam ang aking sasabihin kaya tiningnan ko na lang  siya pabalik. Binuksan niya ang pintuan at pumasok sa loob ng sasakyan, sa may driver’s seat siya pumasok kaya hindi ko na sa kaniya itatanong kung sino ang magmamaneho. Pumasok naman ako sa kabilang gilid sa tabi niya at isinara ko ang pinto. Kinuha ko ang seatbelt at hinigpitan ang pagkakalock nito dahil hindi ko alam kung paano mag drive ang babaeng ito kaya naninigurado lang ako. Ipinasok niya naman ang susi sa dapat pagpasukan nito at ipinihit ito para mapaandar ang natutulog na makina. May tiningnan muna siya sa harapan bago niya apakan ang pedal na siyang magpapaandar sa sasakyan. Natanaw ko naman si Alexa na ngayon ay nagtatampisaw sa dagat na akala mo ba ay sa buong buhay niya ay ngayon pa lang siya nakakita ng dagat. Parang nung pagkaalis pa lang namin sa bahay ay nagpoprotesta siya dahil sa pagkawalay namin kay nanay at nag-aalala siya kung sino ang magbabantay sa kaniya. Pero ngayong siya ang pinaka nag eenjoy sa aming lahat sa pagtatago na ito. Naikot naman ni Juna ang sasakyan at ngayon ay muli naming tutunguhin ang kalsada na siyang nagdala sa amin dito. Pagkakataon ko na mapag aralan ang mga daan sa lugar na ito, naging ugali ko na simula pagkabata ang tandaan ang mga daan sa lugar na napupuntahan ko. Meron akong rason kung bakit ito ginagawa at hindi ko pwede sabihin sa ibang tao, siguro sa tamang panahon at nakakasiguro ako na hindi ito ang panahon na aking hinahanap.  Ang daan naman na dadaanan namin ngayon ay kagaya ng aming dinaanan papunta sa secret base ng mga magulang ni Emma. Mabato at hindi pa nagagalaw ng sibilisasyon, hinukay lamang para matanggal ang mga malalaking bato at hindi na inintindi ang mga maliliit. Kumapit ako sa aking kinauupuan dahil umaasa ako na magiging magulo ang biyaheng ito sa bitak na daanang ito. Matapos ang ilang minuto ay nalampasan namin ang bitak na daan at narating namin ang patag na lupa, hindi ito sementado kundi isang malambot na lupa lamang. Mas okay na ito kesa sa bitak na daan na aming dinaanan kanina. Nilingon ko naman si Juna na kanina pa nanahimik at nakapokus sa pagmamaneho. Hindi ko napansing nagpalit pala siya ng damit, kanina ay nakablack na sweater siya at ngayon ay suot suot niya ang isang pulang blouse at fitted jeans. Samantalang ako naman ay naghilamos lang kanina at nanatiling suot ang aking red shirt at maong na pantalon. Gusto ko siyang tanungin ang tungkol kay Emma pero hindi niya rin alam kung ano ang nangyari sa kaniyang kaibigan. Pero atleast kahit mapagusapan lang namin ang mga pwedeng dahilan kung bakit iyon nangyari. “Juna,” mahinang banggit ko sa kaniyang pangalan para makuha ko ang kaniyang atensyon, pero hindi niya ako nilingon at nanatili ang mga mata sa daan. “Just tell your concern already,” wika niya nang mapansin na akma ko ulit siyang tatawagin. May irita sa tono ng kaniyang boses kaya medyo napahiya ako run at hindi ko alam ang sasabihin. Itutuloy ko pa ba? “Gusto ko lang sana itanong yung tungkol kay Emma,” amin ko. Well here we go... “Oh... I am concerned as you are,” wika niya at naging malumanay naman ang kaniyang boses. “Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin sa kaniya dahil nahihiya naman akong lapitan siya,” dagdag ko at nilingon niya naman ako, sa unang pagkakataon ay tinanggal ang mata sa kalsada sa buong panahon ng kaniyang pagmamaneho ngayon. Alam kong hindi siya makapaniwala kaya iniangat ko na lang ang aking mga balikat para sabihin sa kaniya na hindi ko rin alam ang nangyayari sa akin o kaya kay Emma. “Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?” pagbabago ko sa usapan nang maalala ko ang kaniyang sinabi sa akin sa biyahe na kakausapin niya ako kapag kaming dalawa na lang. “I think this is the best time to tell me your concern,” pang iingles ko sa kaniya. “I will save the chatter for later, for now let’s focus our attention on the road before anything bad happens,” wika niya at natahimik naman ako run at umayos sa aking pagkakaupo. Hindi na ako muling nagsalita at ganun din si Juna. Mukhang malayo layo pa nga ang aming tatahakin kaya muli kong ibinalik ang aking paningin sa may bintana sa aking kinauupuan at pinagmasdan ang kapaligiran na aming nilalampasan. Hanggang sa lamunin ako ng antok. .               .               . “Hey,” panggigising naman sa akin ni Juna. “We are here,” dagdag niya at patuloy niyang niyugyog ang aking balikat. Iminulat ko naman ang aking mgata mata at kinusot ito dahil sa malagkit na pakiramdam. Humikab ako para magising gising naman ang aking diwa. “Anong oras na?” biglaang tanong naman niya sa akin at tumingin naman siya sa kaniyang relo sa kamay. “It’s past one pm,” sagot niya sa aking tanong at umayos naman ako sa pagkakaupo at iniunat ang aking katawan dahil may masakit akong nararamdaman, dahil siguro sa pagkakapwesto ko kanina. Binuksan ko naman ang pintuan sa aking kinauupuan at lumabas na sa sasakyan. Nakaramdam naman ako ng gutom dahil hindi pa ako nag aalmusal, kamusta kaya yung dalawa run. Nakakain na ba sila? Napakalayo talaga ng aming binyahe dahil mahigit tatlong oras din. Inilibot ko ang aking mga mata at para bang walang nagbago sa lugar maliban sa nasa mataas kami ng parte ng bundok ngayon dahil natatanaw ko ang karagatan mula rito. May gate naman na siyang pumipigil sa pagdaan ng mga sasakyan na hindi awtorisado ng mga tao rito. May sementadong kalsada din. Nasa isang malawak na parking lot kami ngayon at halos bilang lang ng aking sampung daliri ang mga sasakyan na naka park dito. May isa namang malaking laboratory na halos ay napapalibutan ng matitibay na salamin para makita ko ang ibang tao run na abalang nakaharap sa kanilang mga computer at may kung anong tinatype dito. At kagaya nung resthouse ni Juna ay malayo ito sa sibilisasyon at napapalibutan ng makakapal na puno. Nagsimula namang maglakad si Juna at sinenyasan ako na sundan siya. Malayo layo ang aming pinagparkingan sa entrance kaya malayo layo rin ang aming nilakad. Masiyado akong nakulong sa aking lab na air conditioned kaya masakit sa aking balat ang dumadamping init na mula sa araw. Masasanay naman ulit ako. Nakakasilaw rin sa aking mata dahil artificial light lang naman ang nagbibigay liwanag sa lab. Mas maliwanag pa rin talaga ang natural. Tirik na tirik ang araw kaya hindi ko maiwasan ang maramdaman ang pagkauhaw. Hihingi na lang siguro ako kapag nakapasok na kami sa lab. Nang makalapit na kami sa entrance ay sinalubong naman kami ng tatlong nakaitim na lalaki at may shades pa itong suot suot, may mga earphones din sila sa kanilang mga tenga. Malalaki ang kanilang mga katawan kaya nakakatakot din silang kabanggain. May sinabi si Juna sa kanila na hindi ko naman narinig at sa isang iglap ay ginabayan na nila kami papasok sa loob ng lugar na ito. Nakita ko ang pangalan ng lab na ito nang makapasok na kami sa loob. TECHBIO INTERNATIONAL Kilala ko ito! Isa sa mga hinahangaan kong mga samahan ng mga siyentipiko at biologist. Sila lamang ang research group na naging sikat sa buong mundo at galing sa aming bansa. Sila ang nakagawa ng lunas sa isang pandemya na nagkulong sa isang katauhan sa long ng kanilang mga tahanan nang higit sa tatlong taon, na siya ring kumitil ng marami. Hindi sa virus kundi sa gutom na dulot ng pagkaka isolate. Sila ang nagbigay inspirasyon sa akin na ipimahagi ko rin ang aking nagawa dahil ganoon din ang kanilang ginawa, salamat sa kanilang mabubuting puso. “Juna,” pabulong na tawag ko sa aking kasama na nangunguna ngayon sa akin at nilingon naman niya ako. “Andito ba si Doc. Adam,” tanong ko sa kaniya at  itinaas niya ang parehong kamay at balikat para sabihing hindi siya sigurado. Pero umaasa pa rin ako na narito siya dahil iniidolo ko talaga ang tao na iyon pagdating sa cell biology. Siya kasi ang nakahanap ng solusyon paano magagapi ang virus noon na patuloy na nagmumutate, at nagpahirap sa pagkakaroon ng gamot. Dumeretso kami sa isang elevator at ako naman ay napwesto sa pinakalikod na parte kaya hindi ko nakita kung anong floor ang aming pupuntahan. Tumayo na lang ako nang tahimik at naghintay sa mga mangyayari. Tumagal ito ng ilang minuto ng wala kaming kibuan. Nang naramdaman na namin na tumigil ang elevator ay muli kong iniayos ang aking pagkakatayo at ganun naman din sila. Nagbukas ang mga pintuan at sinalubong naman kami ng maliliwanag na ilaw. Kakaunti lang ang mga taong dumadaan hindi gaya ng aking inaasahan. “Hanggang dito na lang po kami,” wika ng isa sa mga lalaking nakaitim ay may malalim na boses naman ito. “Thank you very much for guiding us,” pagpapasalamat niya sa mga lalaki. “We can take it from here,” wika niya at tinalikuran naman kami ng mga lalaki na nakaitim saka sila muling pumasok sa elevator. Bago pa man makasara ang mga pintuan ay umalis na kami roon at nagpatuloy sa aming pakay. Ang kunin ang mga kagamitan na aking gagamitin sa research tungkol doon sa vial na iniabot nila sa akin. Nasabi rin nila sa akin na huwag na huwag ko itong ipapaalam sa kahit kanino maliban sa aming apat dahil confidential ang mga impormasyon na hawak hawak noon, at sa hindi ko ring malaman na dahilan ay ako ang kanilang napagkatiwalaan. Tumigil kami sa tapat ng isang pinto na may nakalagay na ‘Equipment Facility’ sa taas nito. Kumatok dito si Juna bago pumasok. Naabutan ko naman ang dalawang kalalakihan na abala sa paglilinis ng mga kagamitan at mga naka lab coat sila at mga kasuotan para sa isang researcher. “May I know, what is your business here?” bungad na tanong naman sa amin ng isang researcher na naglilinis ng mga kagamitan. “We are here for the equipments that Doctor Adam let us borrowed,” sagot ni Juna sa tanong niya. “Pardon me,” napaayos naman sila ng tayo at nag bow. Nag bow din kami pabalik sa kanila para magpakita ng respeto. “Narito na sila, ipinagbilin ng Doctor na linisin namin itong mabuti bago niyo kunin,” paliwanag naman ng isa pa sa mga lalaki. “This will do,” wika niya at sinasabing maayos na ang kanilang pagkakalinis. “We will help you pack these things,” dagdag pa niya. Ito na iyon ang simula ng isang mahirap na gawain. To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD