{27} Revenge

2079 Words
Emma’s Point of View -Same time before Alex follows them- “Let’s go?” aya naman sa akin ni Alexa. Tiningnan ko siya at kitang kita ko sa kaniya na handa niya akong tulungan sa aking mga binabalak. “Yes, cause I’m quelling up with anger!” sagot ko at tumango siya sa akin at tumango rin ako sa kaniya pabalik. Pinihit ko ang susi ng kotse at pinaandar ko ang makina. Pinatakbo ko na ito at pinaharurot para mas mabilis kaming makarating sa aming patutungohan. “Sa tingin mo ba, susundan tayo ni kuya?” tanong ni Alexa sa akin. Itinuon ko naman sa kaniya ang aking atensyon habang nakatingin pa rin ako sa kalsada. “What made you think of that?” tanong ko sa kaniya pabalik. “Nakita ko kasi na nag-aalala talaga masiyado si kuya para sa’yo,” sagot naman niya sa aking tanong. “Kung nag aalala siya, susundan niya tayo,” tugon ko naman sa kaniya. Napahinga naman ng malalim si Alexa at kung may anong iniisip ito. Marahil ang kaniyang kuya. Hindi bale sundan man niya kami o hindi ipapangako kong lahat tayo ay lalabas ng buhay sa lugar na iyon. Pasensya ka na rin dahil nadamay ka sa kalokohan kong ito. Sorry Alex, pero naiinis pa rin ako sa’yo. Napatungo naman si Alexa sa kaniyang kinauupuan at ako naman ay deretso lang ang tingin sa kalsada. Narating naman namin ang interseksyon kung saan ay naabutan kami ng kulay pulang ilaw sa traffic lights. “Alexa,” tawag ko sa kaniya. “Bakit?” sagot niya sa akin bilang senyales na nakuha ko ang kaniyang atensyon. “May napapansin ka ba?” tanong ko sa kaniya. “Parang wala naman,” agad niya namang sagot habang nakatingin sa bintana ng kotse. Tiningnan ko naman ang aking rear view mirror para tingnan ang sasakyan na napapansin kong sumusunod sa amin. Pero nang makita ko ang repleksyon sa  salamin ay ibang sasakyan na ang aking nakita. I swear, kanina pa kami sinusundan nun. Masiyado lang ata akong nag oover react sa mga bagay bagay. Bumalik naman sa kulay berde ang ilaw kaya muli ko namang tinapakan ang pedal para paandarin ang sasakyan. Paminsan minsan ay tumitingin pa rin ako sa salamin para tingnan ang kotse na napapansin ko kanina, pero hindi ko na ito nakita kaya napayapa naman ang aking loob na walang sumusunod sa amin. Malakas ang kutob ko na tauhan nila mom and dad iyon para dakipin kami. Siguro ay hindi nila matanggap ang aking pagsuway sa kanilang mga utos. Nasaktan ata ang kanilang pride. Buti nga sa kanila. Nakarating kami sa lugar kung saan mas kaunti ang tao na dinaanan namin noon ni Juna habang sinusundan ang mga tauhan ni Anthony. Hinanap ko ang kanto na papasok sa forest reserve kung saan kami noon lumiko kaya binagalan ko ang aking pagpapatakbo upang maiwasan ang aksidente habang tinitingnan ko ang buong lugar. May mga sasakyan namang nag overtake sa amin pero hinayaan ko lang ang mga ito. Nang makita ko na ang kanto ay napatingin ulit ako sa rear view mirror at nanlaki naman ang aking mga mata nang makita ko ulit ang sasakyan na pinaghihinalaan kong sumusunod sa amin kanina. Nang hindi ko namamalayan ay napadiin ang aking apak sa pedal na siyang nagdahilan sa pagbilis nang pagtakbo ng kotse na aming sinasaksyan. Napansin ko namang napakapit si Alexa dahil sa bilis ng takbo namin ngayon pero ipinagpatuloy ko pa rin ito. Nang makita ko ang kanto na dapat kong pasukan ay kaagad ako lumiko rito para kaagad naming marating ang lugar kung saan kami tumigil noon ni Juna. Balak kong iligaw sila sa kagubatan at doon namin sila haharapin. At least doon ay mas kakaunti ang tao kesa sa lugar na ito. Dumaan kami sa putikan na siya namang nagdahilan sa pagtalsik nito at kaagad naman namin narating ang malubak na daan. As expected ay para kaming inaalog sa loob ng sasakyan dahil sa lubak na ito. Ilang beses akong nauntog at tiniis ko naman ang sakit. “Aray!” sigaw ni Alexa. “Dahan dahanin mo lang naman pagmamaneho mo, baka patay na tayo pareho bago pa natin marating ang lugar na sinasabi mo,” reklamo pa niya. Tumingin akong muli sa rear view mirror at nakita kong wala namang sumusunod sa amin. Nilingon ko pa mismo ang likuran ng kotse para tingnan ang bintana dahil hindi ako makapaniwala. Baka niloloko lang kami ng salamin na ito, at ano yung sasakyan na yun? Multo? Naglalaho at lumilitaw na lang bigla. Kaagad ko namang binalik ang aking paningin sa harapan ng sasakyan para makita ang aming dinadaanan. Ginaanan ko naman ang pag apak sa pedal para kahit papaano ay bumagal ang aming takbo sa malubak na daan na ito. Paminsan minsan ay napapatalon ang sasakyan namin dahil sa malalaking bato na aming nadadaanan at hindi ko maiwasan ang maumpog. Ilang bukol na kaya ang tumubo sa ulo ko? Matapos ang ilang munuto ay nalampasan na rin namin ang malubak na daan. Sa wakas! Sa pagkakataon namang ito ay ang maputik na parte naman ng daan ang aming dinaanan. Binilisan ko na ulit ang pagpapatakbo dahil pwede naman na kasi wala na ang mga batong siyang uumpog sa amin. Hindi nagtagal ay narating na rin namin ang patag na daan kaya lalo ko pang pinabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan. Muli kong napansin na napakapit muli si Alexa dahil sa bilis. Narating na rin namin ang mistulang dead end sa kagubatan na ito dahil sa pabilog na open space at napapalibutan ng mga puno. Camping site siguro ito noon bago pa ito maging forest reserve, hanggang ngayon din naman siguro kaso hindi na sikat sa interes ng mga tao ngayon ang pagcamping. Sino ba naman ang ipagpapalit ang mga hotel na siyang nagpoprovide ng kwarto at iba pang kakailanganin tuwing gabi? Siguro ay meron pa pero kaunti na lang. Kaagad kong ipinarada ang kotse ko at kinalabit si Alexa na nakatingin pa rin sa bintana hanggang ngayon. “Hoy!” tawag ko sa kaniya at napalingon naman siya sa akin. “Narito na tayo,” wika ko sa kaniya at kaagad naman siyang napaayos ng tayo nang mahimasmasan siya. Lumulutang nanaman ang isip, bawal yan lalo na kapag naka engkwentro na natin ang mga lalaking iyon. Kinuha ko ang aking baril, sa pagkakataong ito ay hinding hindi ko na kakalimutan ang bagay na ito. Ito ang bagay na siyang pwede magbago ng daloy ng mga pangyayari noon pero kinalimutan ko. Gaya ng natutunan ko sa shooting range na pinuntahan namin noon ni Alexa ay tiningnan ko kung may bala ito at naglagay ako ng mga limang magazine sa aking tagiliran, para madali ko itong maabot kapag magpapalit ako ng magazine ng bala pag naubos na ito. Hindi ko kakalimutan ang safety pin nito para kaagad ko itong maiputok kapag nakaharap na namin ang mga kalaban. Mahirap na baka kung ano pa ang mangyari sa amin. Hindi pwedeng magkamali ako kahit kaunti dahil napakalaki ng impact nito sa magiging resulta ng misyon. “Handa ka na ba?” tanong sa akin ni Alexa at huminga naman ako ng malalim. “Yes,” tipid kong sagot sa kaniya. Ikinasa niya ang kaniyang barin at ganoon din ang aking ginawa. Bumaba na ako sa sasakyan at sinenyasan naman ako ni Alexa na mauna dahil ako lang naman sa aming dalawa ang nanggaling na rito. Hindi ko kakalimutan ang mga putik dito na siyang nag iiwan ng bakas ng aming mga yapak. Naniniguro na may sumusunod sa amin, sa pagkakataong ito ay umikot muna ako para mailigaw sila. Syempre alam nila ang pasilidad na aking pupuntahan. Kaya pinigilan ko si Alexa. “Saglit, palipasin muna natin ang ilang minuto,” hindi na siya nagtanong pa sa akin kung bakit ko ginawa iton. Limang minuto ang lumipas pero wala namang nangyayari. Ngayon ay nakakasiguro na ako na walang sumusunod sa amin kaya nagsimula na ulit akong gumalaw at sa pagkakataon namang ito ay dineretso ko na ang open space kung saan may parang isang abandonadong bahay sa gitna nito. Narating namin ito at nagtago kaming dalawa sa makakapal na halaman. Sumilip naman ako at hindi katulad nung unang punta namin dito na walang nagbabantay kahit isa, ngayon ay merong dalawang guwardiya na umiikot sa buong lugar. Malayo naman ang kanilang pagitan na siyang magdadahilan para hindi nila makita ang isa’t isa. “Scan the area Alexa,” utos ko sa kaniya at nagsimula namang gumalaw si Alexa. Ang plano namin ay siguraduhin munang na kahit isa ay walang CCTV camera na nagbabantay sa labas, bago kami gumalaw. Kung meron man ay isasagawa naman ang pag infiltrate sa blind spot nito. Sa pagkakataong ito ay sobrang maingat na ako sa aking mga kilos. I learned my lesson. Hindi ito isang laro na siyang babastahin lang ang kilos at umaasang hindi kami sasaktan ng ibang tao. Hindi na ako isang bata. Matapos ang ilang minuto ay bumalik si Alexa sa pinagtataguan ko. “All clear,” tipid na bulong niya. “3rd phase,” pabulong na wika ko sa kaniya kung saan ay itatake out namin ang mga guwardiyang nagbabantay dahil inexpect ko na maglalagay sila at baka ay pahigpitin pa nila  dahil sa insidente na ginawa namin sa lugar na ito. Kaso nakakagulat naman na hindi nila lalong pinaghigpit ang seguridad. Wala pang mga cameras. Masiyado ata akong minamaliit ng aking mga magulang. Ito ang pagkakamali niyo, pinadali niyo lamang ang aming gagawin ngayon. Ang 1st phase ay ang pagpunta rito at ang 2nd phase ay ang pag scan sa area. Isasagawa na namin ngayon ang 3rd phase. Sumenyas sa akin si Alexa na sa akin ang guwardiya sa kanan at siya naman ang bahala sa nasa kaliwa. Bago kami maghiwalay ay inilabas niya ang kaniyang combat knife na ginagamit niya noong sundalo pa siya. Malaki pa ito sa karaniwang kutsilyo na nakikita ko sa kusina. “Sigurado kang kriminal ang mga ito,” paninigurado niya sa akin. “Siguradong sigurado,” agad ko namang sagot sa kaniya. Kaagad namang nagbago ang mga aura sa kaniyang mata at nakaramdam ako ng takot makita lang ito. Kumilos na siya papunta sa kaniyang assigned na guard at ako naman ay nagsimula na rin puntahan ang kawawang guwardiya na... papatayin... masakit man sa moral ko ay kailangan ko itong gawin. Sa kapakanan ni Juna. Isipin mo na lang Emma. Masamang tao sila. Dapat lang sila mamamatay dahil sa krimen nila Kahit papaano ay hindi na ako binabagabag masiyado ng aking konsensiya at inilabas ko naman ang aking swiss knife. Nasabi ko naman kay Alexa na gumawa siya ng komosyon sa area niya para matutok ang atensyon ng guwardiyang ito sa lugar na pinanggalingan ng ingay bago kami maghiwalay. Para hindi niya maramdaman ang aking presensya. Sa makakapal na halamang ito ay dahan dahan ko siyan sinundan hanggang sa marinig namin ang tunog ng mga halaman na nabulabog. Kaagad namang napalingon ang guwardiya at napaatras naman ako na siyang gumawa ng kaunting ingay. Laking pasalamat ko naman nang hindi niya ako pinansin. Itinutok niya ang kaniyang baril at dahan dahang naglakad kung saan niya narinig ang ingay para tingnan ang dahilan nito. Nang malampasan niya ako at sa tingin ko ay tama na ang distansya ay lumabas ako sa mga halaman at dahan dahan ako naglakad palapit sa kaniya. Sinaksak ko siya sa leeg nang makalapit na ako, at bumuhos ang dugo. Kaagad niya namang nabitwan ang baril at napakapit siya sa kaniyang leeg. Onti onti itong nawalan ng malay at may kaunting kirot akong naramdaman. Kailangan kong magpakatatag para sa kaligtasan ni Juna. Hinila ko ang walang buhay na katawan ng guwardiya sa mga hanay ng makakapal na halaman at nang makuntento na ako sa layo nito sa open space na lugar, ay ibinagsak ko na ito. Hindi na ito kaagad makikita ng kanilang mga kasamahan katulad nung nangyari nung nakaraan. Mabuti na lang ay malupa ang lugar na ito kaagad natakpan ang bakas ng dugo. Pumunta ako sa may pintuan kung saan ako hinihintay ni Alexa. “Took you so long,” wika sa akin nito na tila ay naiinip na ito sa paghihintay. “Sorry, hindi naman ako sanay sa ganitong mga bagay tulad mo,” sagot ko sa kaniya. “You gotta swallow it in, to exact your revenge.” To be continued... -Into the Apocalypse-  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD