Emma’s Point of View Dahan dahan naming pinasok ni Alexa ang loob ng mukhang abandonadong bahay. Pinauna ko naman itong si Alexa at susundan ko na lamang kung saan siya dadaan, dahil mas matalas ang kaniyang mga pakiramdam sa mga nakakalat na CCTV cameras dito at saka nasabi ko naman sa kaniya kung saan ito maaaring nakatutok. Pinag aralan ko kasi kung saan ito nakalagay noong nasa security room pa kami ni Juna, hindi lang files ang tiningnan ko. Nagtago kami sa mga crates na nakakalat dito at may mga pillar din na nakatayo rito na nagsisilbing pundasyon ng imprastuktura. Sumisilip muna si Juna bago siya mabilis na tatakbo palipat sa kabilang mga pagtataguan. Ako naman ay sesenyasan niya kung kailan ako dapat tatakbo. So far, hindi pa naman kami nahuhuli ng mga cameras at wala pa akong na

