{23} Plan

1248 Words
Alex’s Point of View Nasa isa akong cafe ngayon humihigop ng mainit na kape at kumakain ng isang slice ng cake para sa aking almusal. Hindi na ako nakauwi sa bahay kahapon dahil masyado akong naabala sa lab kahapon. Abala sa pag-aaral para lalo ko pa mapabisa ang MMED, at wala pa rin akong natatanggap na mensahe mula sa pamilyang Suarez. Hindi rin ako mapakali sa mga insidente na mga nangyayari nitong mga nakaraang araw, hindi lang mga aksidente sa kalsada ang dumarami pati na rin ang mga taong hinihimatay sa daan. Meron silang isang sintomas na halos lahat sa mga biktima ay naranasan ito na para bang isang uri ito ng sakit na lumalaganap ngayon sa bansa. Ilang araw na rin hindi nagpapakita sa akin si Emma, kaya sinubukan ko naman puntahan siya sa kanilang bahay, pero ang ipinagtataka ko ay kada pagpunta ko sa harap ng kanilang pamamahay ay kaagad akong pinipigilan ng mga guwardiya. Masama naman ang akin pakiramdam na may nangyari sa kaniyang pamilya. Kamusta na kaya siya. Pinuntahan ko rin ang opisina ng kaniyang kaibigan na si Dr.  Junnaliza pero ang sabi sa akin ng mga staff doon ay ilang araw na rin siyang hindi pumapasok. Kaya inabala ko na lang aking sarili sa research na aking ginagawa at napag desisyunan na hayaan na lamang si Emma. Baka kailangan niya ng personal space at magpaparamdam na lang siya sa akin kapag mabuti na ang kaniyang pakiramdam at handa na uli siyang humarap sa ibang tao. Nakakamiss din ang kaniyang pangungulit doon sa lab at masiyadong malungkot ang paligid kapag wala siya. Nahihiya naman ako na makipag interact doon sa mga tao na tumutulong sa akin. Mga boluntaryo sila na nag presinta sa akin na tutulong para mapabilis ang progreso sa aking research. Kaagad ko naman sila tinanggap sa aking lab dahil wala namang masama ang magkaroon ng ilang katulong at kahit papaano ay hindi masiyadong gloomy ang atmosphere sa lab. Mamaya ay uuwi rin ako sa bahay matapos ko mapuntahan ang hospital kung saan na admit si Mr. Suarez para kamustahin ang kaniyang kalagayan. Kahit hindi ako physician ay may nararamdaman akong mali sa mga kasong ito na siyang nagbibigay ng drive sa aking sarili para alamin kung ano ang nangyayari. Mabuti na lang ay may sasakyan na ako kaya hindi na ako matatagalan sa mga ganitong byahe, at hindi naman kalayuan ang General Trinidad Hospital sa cafe na aking pinag aalmusalan ngayon. Ilang araw na rin akong walang kain kaya sinulit ko na ang murang halaga para sa mga pagkain na kanilang isineserve dito. Nang makuntento na ako sa aking mga kinain ay tinawag ko ang isang staff nila at binigyan ito ng tip at saka ako tumayo para puntahan ang aking sasakyan. Lumabas ako sa pintuan ng cafe at dineretso kung saan naka park ang aking kotse. Sumakay ako rito ay huminga hinga muna dahil sa aking pagkabusog, at nang makadighay na ako ay pinihit ko ang susi ng aking sasakyan saka ko pinaandar ang makina. Tiningnan ko muna ang mga dumadaan na sasakyan bago ko ito pinaandar para makasigurado ako na walang aksidente na mangyayari. Masyado kasi ako nababahala sa mga balita ukol sa aksidente sa kalsada kaya kahit may suspetya ako sa dahilan nito ay nag doble ingat na rin ako para sigurado. Nagpapatugtog ako ng musika habang tinatahak ang daan papunta sa Gen. Trinidad Hospital. Nakaranas naman ako ng mild na traffic pero wala pa naman ang isang oras ay narating ko na kaagad ang hospital at sa awa naman ng Diyos ay walang nangyaring aksidente ngayong araw. Naglagay ako ng cap at face mask bago bumaba sa sasakyan dahil sawa na akong pinagkakaguluhan at mga hospital pa naman ang lugar na marami ang nakakakilala sa aking mukha at pangalan. Kaya mag-iingat na rin ako para hindi masayang ang aking oras. Hindi naman ako artista, isa akong pharmaceutical scientist kaya hindi ko trabaho ang kunsintihin ang madla. Hindi ko trabaho ang pumirma sa kanilang mga kagamitan na tinatawag nilang autograph. Sa totoo lang ay ayos lang sa akin ang magkaroon ng fans, pero sumosobra na sila to the point na pati ang aking trabaho ay kanila ng naabala. Nilampasan ko ang guard na kinapkapan lang aking buong katawan dahil wala naman akong bag na dala. Matapos dito ay dumeretso naman ako sa lobby kung nasaan ang mga nurse na alam kung saan naka admit ang mga pasyente. “Miss, narito pa po ba si Mr. Suarez,” tanong ko at tiningnan naman ako ng nurse na nagtataka. Oo nga pala! Silly me. “Yung galing sa isang car accident nung mga nakaraang araw,” pag ispecify ko sa kaniyang kaso. “Narito pa ba siya?” habol na tanong ko naman. Kinuha naman ng nurse ang isang logbook kung saan nakalista ang records ng kanilang pasyente. Binasa niya ito ng maigi at binuklat buklat niya ang mga pahina rito. Matapos ang ilang minuto ng paghihintay ay kinuha ng nurse ang aking atensyon. “Sorry po sir,” pagpapaumanhin niya sa akin. “Patay na po ang pasyente,” wika niya. Nagulat naman ako sa kaniyang mga sinabi. Patay na? Kailan pa? Bakit hindi man lang ako nainform ng kaniyang asawa. Mahigpit ko pa namang ipinagbilin na magbigay alam sa akin. “Ka ano-ano po ba kayo ng pasyente,” tanong sa akin ng nurse at naputol naman nun ang aking pag-iisip isip. Napahiya naman ako sa pagiging tulala ko at agad ko namang inayos ang aking sarili. “Malapit na kaibigan ako, naisipan ko lang na dalawin siya nung mapag alaman kong naaksidente siya nung mga isang araw,” pagsisinungaling ko. “Ngayon lang ako nagkaroon ng oras at hindi man lang napagbigyan alam ng kaanak niya,” dagdag ko pa at nilagyan ko naman ng lungkot ang tono ng aking pananalita para maging kapani paniwala ang aking palusot. “Ganun po ba,” wika ng nurse at mukhang epektibo naman ang aking pagpapalusot. “Kailan pa?” tanong ko. “Nung isang araw lang po,” sagot ng nurse. “Pinagbuburolan na po siya ngayon sa pagkakaalam ko,” pahabol naman ng nurse. Gustong gusto ko tanungin sa kaniya ang kanilang adress pero magiging kahina hinala naman ako sa kaniyang paningin. “Salamat,” pasalamat ko sa kaniya at nagbigay naman ako ng ngiti kahit hindi niya kita sa likod ng aking face mask. Naglakad ako palabas sa hospital at nabahala sa aking mga nalaman. Nawalan man lang ako ng pagkakataon para alamin ang mga nangyari. Nawalan nanaman ako ng tsansa, nadulas pa ito sa aking kamay. Dineretso ko ang aking sasakyan nang makalabas na ako sa hospital. Pumasok ako rito at pinihit ang susi para paandarin ang makina. Naglabas ako ng frustration dahil sa panghihinayang. Nanghihinayang ako dahil napakalaking impormasyon ang nawala sa akin. Hindi ganun kadalas ang mga ganoong opurtunidad at sa kapabayaan ko naman ay hinayaan ko lang ito mawala. I was so full of myself. Hindi naman kaya ibalik ng MMED ang oras. “AHHHH MASIYADO KANG KAMPANTE ALEX!” sigaw ko sa loob ng sasakyan. Kahit papaano ang ganitong paraan ay natutulungan ako na maglabas ng frustration para mapagaan ang bigat na aking nararamdaman. Nakaramdam naman ako ng ring mula sa bulsa ng aking pantalon kaya kaagad ko naman itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Emma. Natuwa naman ako kaya kaagad ko itong sinagot. “Hello,” bungad ko sa kaniya. “Alex,” tawag niya sa akin at parang may kakaiba naman sa kaniyang boses ngayon. “Bakit?” tanong ko. “Pumunta ka rito sa lab, narito kami ni Alexa. I need you in our plan.” To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD