{22} I Need Your Help

1827 Words
Emma’s Point of View “Si Alexa po pala,” hanap ko sa kaniyang kapatid at hindi na ako nagpaligoy ligoy pa sa aking pakay kaya nagpunta ako rito. “Ay naroon sa taas nagbibihis kakatapos niya lang maligo,” sagot niya sa akin. Matapos niya ihanda ang pagkain ay kaagad siyang dumeretso papunta sa hagdanan para tawagin ang anak. “Alexa! May naghahanap sa iyo rito,” tawag niya. Kumuha naman ako ng palabok sa aking plato habang pinapanood si Aleng Gemma na tawagin ang kaniyang anak. Napatingin naman ako sa aking plato dahil sa sarap ng palabok na ito. Tama naman pala ang aking napagbilhan. “Patapos na ma,” sigaw nito pabalik at nakuntento naman si Aleng Gemma sa sagot na iyon kaya naglakad ito pabalik sa lamesa. Nakangiti siya sa akin at ngumiti naman ako sa kaniya pabalik habang ngumunguya ng palabok. Ninamnam ko ang sarap nito. Umupo siya sa mesa at kinuha ang isang plato tsaka kumuha ng palabok sa bilao. Nagsalin naman siya ng softdrinks sa dalawang baso at saka inabot sa akin ang isa. Ngumiti naman ako sa kaniya dahil hindi ako makapagsalita kasi puno ng pagkain ang aking bunganga. “Kamusta naman kayo ni Alex,” biglaang tanong niya at napalunok naman ako bigla sa palabok na nginunguya ko. Alam ko ang kaniyang ibig sabihin sa tanong na iyon. “Ito naman po, maayos naman po ang aming ugnayan,” sagot ko. “Maayos pong nagtatrabaho sa lab kaso po maramin akong ginagawa sa hospital kaya minsan po ay hindi ko siya masamahan,” dagdag ko pang paliwanag sa kaniya at tumango naman siya tapos biglang nag iba ang kaniyang tingin sa akin. “Alam mo naman na hindi iyan ang ibig sabihin ko,” ngumiti ito nang mapang asar at namula naman ang aking magkabilang pisngi. “Kita mo na,” pagkukumpirma niya sa kaniyang suspetya. “Kailan ba kayo magkakatuluyan?” tanong niya pa at base sa tono ng kaniyang pananalita ay botong boto siya na magkaroon kami ni Alex ng isang espesyal na relasyon sa isa’t isa. Gusto ko rin naman, kaso ito lang si Alex walang kaalam alam sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. “Depende po sa anak niyo,” nahihiyang sagot ko sa kaniya at napatawa naman ako ng bahagya. “Ay nako naman talaga yan si Alex,” reklamo niya. “Palagi ko iyan sinasabihan na mag girlfriend na kaso masyadong tutok nanaman diyan sa kaniyang trabaho,” dagdag pa nito. “Pagpasensyahan mo na iyang anak ko ha, hindi lang talaga marunong pumorma sa babae yang anak ko,” paliwanag niya. “Pansin ko nga po,” komento ko sa kaniyang mga sinasabi. “Pero,” pahabol niya. “Kung ikaw ang unang gagalaw o kaya magpaparamdam sa kaniya baka sakaling ligawan ka niyang anak kong makupad sa pag-ibig,” pahiwatig naman nito. Natuwa ako sa kaniyang sinabi pero nang maalala ko ang mga problemang kinakaharap ko ngayon ay bigla namang bumagsak ang aking mga balikat. Gusto ko gawin ang suhestyon ni Aleng Gemma nang masuklian na rin ang aking nararamdaman tungo sa kaniyang anak. “Ang problema lang po ay kahit ako ay mayroong inaabala sa buhay,” palusot ko pero totoo naman hindi ko lang masabi ang buong katotohanan. “Madalas po kasing nawawalan ako ng oras para po sa sarili ko kaya hindi ko rin po magagawa,,” dagdag ko pa at napansin ko naman ang bahagyang paglungkoy sa mukha ni Aleng Gemma. “Pero po pangako ko po sa inyo na kapag nagkaroon po kami pareho ng oras ay gagawin ko po iyan,” pagpapanatag ko sa kaniya at muli naman siyang napangiti. “Pasensya ka na,” pagpapaumanhin nito. “Masyado kasi akong kumportable sa iyo kaya gusto ko masigurado na bago ako pumanaw ay mapupunta siya sa isang mabuting asawa,” paliwanag niya at ikinasaya naman iyon ng aking puso. “Mother instincts,” biro naman niya at pareho naman kaming nagtawanan. Pareho naman naming narinig ang mga yabag sa hagdan at kaagad naman nun naagaw ang aming atensyon kaya pareho rin namin itong nilingon. Nakita namin si Alexa na nagpupunas pa ng kaniyang basang buhok habang bumababa sa hagdan. Lumingon siya sa aming direksyon at kaagad namang naningkit ang kaniyang mga mata nang makita ako sa lamesa nakaupo. “Anong ginagawa mo rito?” masungit na tanong niya sa akin. Nagtuloy tuloy siya sa pagbaba habang hindi tinatanggal ang masamang tingin sa akin. “Oh anak!” tawag naman ni Aleng Gemma sa kaniya. “Hanap ka ni Emma oh, may sasabihin daw na importante sa iyo,” wika naman ni Aleng Gemma. “Ano? Nakita niyo na ang kasakiman ng pangulo na sinuportahan niyo,” pang uuyam niya sa akin. “Tapos hihingi ka ng tulong sa akin ngayon,” dagdag niya pa at ikinangisi naman niya iyon. “Hindi ito tungkol doon,” balik ko sa mga sinabi niya. “Tama na yan,” awat ni Aleng Gemma at medyo napahiya naman ako run. “Kumain na muna kayo rito bago niyo yan pag usapan,” aya niya kay Alexa at nagpatuloy naman sa pagkain si Aleng Gemma. Dumeretso si Alexa patungo sa lamesa at kumuha na upuan para maupo. Kagaya ng ginawa ni Aleng Gemma kanina ay kumuha siya ng isang plato at nagsandok ng palabok at saka nagsalin ng soft drinks sa isang baso. Nagpatuloy na rin ako sa pagkain at mamaya ko na lang sa kaniya sasabihin ang aking pakay kapag wala na sa harap namin si Aleng Gemma, para magbigay respeto na rin sa pagkain sa aming harapan. “Ang sarap ng taste mo sa pagkain ha,” masayang komento ni Alexa sa dala kong palabok at katulad ng kaniyang nanay ay mahilig din si Alexa sa pagkaing ito at ikinangiti ko naman ito. “Hindi tulad sa mga baboy na pulitiko,” dagdag niya at nawala naman ang ngiti sa aking mukha dahil hindi pa rin maalis sa kaniya ang pag suporta namin kay Duetes. “Anak,” saway naman ni Aleng Gemma sa kaniyang anak at nagpatuloy na lang ito sa kaniyang pagkain. Pareho namin ninamnam ang pagkain sa aming harapan at matapos ang ilang minuto ay nakuntento naman na kami pare pareho sa dami ng aming nakain. Pare pareho na kaming busog at nag boluntaryo naman si Alexa na mag imis ng aming pinagkainan. “Huwag na anak, ako na riyan,” pigil ni Aleng Gemma sa kaniyang anak at napatigil naman ito. “May pag uusapan pa kayo ni Emma,” pagpapa alala niya sa aking pinunta rito at sumama naman ang mukha nito halatang ayaw niya akong kausapin. “Ano ba ang ating pag uusapan?” tanong niya sa akin. “Maari bang tayong dalawa lang ang mag usap?” suhestyon ko sa kaniya at hininaan ko naman ang aking boses para hindi marinig ni Aleng Gemma ang aking mga sinabi. “Pwede naman,” pag sang ayon niya sa aking mga sinabi at mukhang naiintindihan niya naman na napaka importanteng bagay nito. “Doon tayo sa taas, sa aking kwarto,” wika niya at napangiti at saka tumango ako sa kaniya. “Sige,” tipid kong sagot. Tinalikuran niya ako at nauna na siyang umakyat papunta sa kaniyang kwarto. Tumayo na rin ako sa aking kinauupuan para sundan siya. Umakyat kami sa kanilang hagdanan pataas at naunang narating ni Alexa ang pintuan ng kaniyang kwarto at mayroon pa itong name tag kung saan naka imprinta ang kaniyang pangalan. Binuksan niya ito nang makita ako at pumasok doon at sinenyasan naman niya ako na bilisan kaya binilisan ko ang aking lakad at pumasok sa kaniyang kwarto. Inilibot ko ang aking paningin sa kaniyang buong kwarto. May aircon dito at walang masyadong disenyo rito maliban sa larawan niya noong siya ay gumraduate sa pagka militar at ang mga sertipiko ng kaniyang mga tagumpay at mga medalya na iginawad sa kaniya noon. Halos lahat ng paggawad sa kaniya ng medalya ay naroon ako dahil madalas ako isama ni Alex sa mga ganitong event. Umupo siya sa kaniyang kama at iniabot sa akin ang isang upuan. Kinuha ko naman ito at ipinwesto sa kaniyang harapan at umupo rito. Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. “Ano pakay mo rito?” tanong niya. “Kailangan ko ng tulong mo,” wika ko at hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. “Tama pala ako,” proud niyang pagkakasabi. “Pero hindi ito tungkol sa pulitika,” singit ko. “Anong ibig mong sabihin?” tanong niya. “Tungkol ito sa pamilya ko,” amin ko sa kaniya at nagseryoso naman bigla ang kaniyang mukha. “Anong nangyari?” lumungkot ang kaniyang mukha. May alitan man kami sa pulitika pero hindi matatanggal ang aming koneksyon dahil nagkalapit din kami noon at madalas kaming magkasundo bago pumasok sa eksena si Duetes. “Lumayas ako,” sagot ko. “Gusto mong makitira muna rito?” prangkang tanong niya at medyo napahiya naman ako sa pagkakamali niya. “Hindi,” tipid kong sagot. “E ano?” tanong niya ulit. “Patapusin mo muna kasi ako,” iritang sagot ko sa kaniya. “Akin,” pagpapasensya niya. “Kagaya nga ng sinabi ko kanina, lumayas ako sa bahay dahil may nalaman akong isang nakakagimbal na sikreto,” panimula ko at nagtagumpay naman ako na makuha ang buo niyang atensyon. “Kaninang umaga lang ay may hinahabol kami at hinahanap na bagay,” naalala ko na nasa akin pa pala ang vial, kaagad ko itong kinapa sa aking bulsa at nakahinga naman ako ng maluwag ng makapa ko ito. “Kaso napadpad kami sa isang hide out at  ang masama pa roon ay ang pamilya ko ang nagpapatakbo nun. Nahuli kami at kinumpronta ko ang aking mga magulang at lumayas sa bahay,” kwento ko sa kaniya. “Bakit ayaw mo ireport sa kapulisan?” suhestyon niya. “Parang hindi mo kilala ang aking pamilya,” pahiwatig ko sa kaniya. “Hindi tayo magtatagumpay sa legal at maayos na paraan,” dagdag ko pa. “Oo nga pala no. Buti nasabi mo kaagad,” pagbabawi niya sa kaniyang sinabi kanina. “Ang masama kasi rito ay nahuli kami ng mga tao niya kaya nalaman na ininfiltrate namin iyon,” wika ko. “Malaya ka na ngayon ah,” komento niya naman. “Ang masama kasi, yung kaibigan ko si Juna ay naiwan sa pasilidad na iyon at sigurado akong gagawin nilang hostage laban sa akin ang kaniyang buhay kaya gusto ko siya iligtas sa lalong madaling panahon,” paliwanag ko. “Teka, teka, teka,” pigil niya sa akin. “So sinasabi mong samahan kita na iligtas ang iyong mga kaibigan at labanan ang mga tao ng iyong mga magulang?” pagliliwanang niya naman. “Parang ganun na nga,” kumpirma ko. “Alam mo naman siguro na napaka delikado ng mga hinihingi mo sa akin,” wika niya at napahiya naman ako run. “Yes, I know,” pagliliwanag ko. “Alam mo naman pala e,” gatong niya. “Bakit ayaw mong bumalik sa kanila at kausapin ng maayos?” tanong niya. “Ayaw ko ng maging sunod sunuran Alexa kaya lumayas ako sa bahay in the first place. Pagod na ako sa pagiging cute obedient puppy nila lalo na ngayong alam ko na masamang tao sila, at saka sugatan si Juna roon at kailangan ng agarang medikasyon at sigurado ako na kapag hindi agad ako kumilos ay mamamatay siya sa loob ng selda,” paliwanag ko sa kaniya. Nagsimula naman bumuhos ang aking luha nang maalala ko ang kalagayan ni Juna. Pinatahan naman ako ni Alexa sa pamamagitan nang pagtapik sa aking likuran. “Tahan na,” pagtatahan niya sa akin. “Please, I need your help.” To be continued... -Into the Apocalypse-    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD