{21} Isip

1847 Words
Emma’s Point of View Ano kaya ang gagawin nila dad? Sobrang trapik ngayong araw, kainis! Kung kelan naman nagmamadali ako. Kailangan ko na kaagad mapuntahan ang taong iyon at makahingi ng tulong pati na rin kay Alex. Si Alex ay marunong gumamit ng baril at hindi katulad ko ay mahilig siya pumunta sa mga shooting range at walang nakakatulo sa kaniyang score, kaya nagkaroon siya ng discount pag pupunta rito. Alam kong hindi siya sang ayon sa gagawin ko pero susubukan ko pa rin na humingi ng tulong dahil kaibigan ko itong pinaguusapan dito. Hindi lang basta kaibigan kundi espesyal na kaibigan. Napakalaking tulong din ng taong ito sa akin dahil isa siyang sundalo, pero isang dating sundalo dahil kusa siyang bumaba sa serbisyo ng mahalal ang bagong president sa kadahilanang hindi niya gusto ang pagkatao nito. Isang kilalang sundalo ito hindi dahil sa kaniyang kapatid kundi kilala siya sa kaniyang mga nagawa at katapangan niya. Ngayon ay isa siyang lider sa kilusan para masugpo ang pang aabuso sa kababaihan. Isa siya sa mga opisyales ng commision of human rights dito sa Kahalangdon at simula ng mapasok siya sa kilusang ito ay kaagad niyang nasugpo ang mga sindikatong na ginagamit ang mga kababaihan para kumita, human trafficking kung tawagin ito. Mga naabusong kababaihan sa kanilang mga tahanan ay kaniya ring narerescue, hindi lang mga kababaihan pero idinadamay niya na rin ang ilang kalalakihan at kabataan dahil isa rin siya sa mga gender equality advocates. Napakalaking asset niya para sa mga tao sa loob ng kilusang ito dahil siya na mismo ang nagboboluntaryo na kunin ang mga delikadong gawain. Halos masugpo niya na ang mga illegal na gawaing ito pero hindi lahat dahil may mga ilan talaga na magagaling magtago o kaya ay sobrang dudulas kaya palaging nakakalusot. Kaya ay mas pinipili niya ang manatili sa trabahon ito kesa sa sumali siya sa mga kalokohan ng gobyerno ngayon. Ang inaalala ko lang ay mayroon kaming hindi pagkakaintindihan ngayon dahil sa isang bagay. Ang pagsuporta namin ni Alex sa presidente ngayon. Isa siya sa mga nag protesta ng mahalal ito sa pwesto, ayon pa nga sa kaniya ay pagsisihan namin ang nagawang ito dahil naglagay kami ng mamamatay tao sa loob ng palasyo. Hindi ko alam ang buong kwento dahil wala naman akong panahon para alamin ang background ng mga pulitiko na tumatakbo dahil abala na akong masyado sa paggamot ng mga taong nangangailangan. Ito mismo ang aming pinag awayan ang pagiging ignorante ko sabi niya. Nainis din ako ng mga panahong iyon kaya wala na akong ibang nagawa kundi patulan siya. Gumalaw ang trapiko at inapakan ko ang pedal para umandar na rin ang aking sasakyan at sumabay sa ahon ng trapiko. Parang ako nung mga panahon na sobrang inosente ko pa at walang ka-alam alam sa mundo. Sumasabay na lang ako sa ahon na ginagawa ng aking mga magulang para hindi magkamali dahil takot ako sa pagkakamali noon. Pero noon yon, ngayon malaya na ako sa kanila at sana ay maintindihan nila ako at lumipas din ang init sa pagitan namin. Yun lang naman hinihingi ko sila, ang kanilang pag-intindi. May sarili rin akong kaisipan, pagkatao, at puso, hindi isang puppet. Masarap din sa pakiramdam ang maputol ang mga talo na siyang kumokontrol sa aking pagkatao. Lumampas ako sa isang sari-sari store kung saan may mga taong nagkukumpol kumpol at ang iba ay nagkakagulo pa pero hindi ko na masiyadong inabala ang aking sarili sa pangyayaring iyon, dahil mayroon pa akong mas importanteng bagay na iintindihin. Nakalampas ako sa kaguluhang iyon at naging smooth naman na ang daloy kaya tuloy tuloy na rin ang aking takbo. Umambon naman ng kaunti at tumigil rin kaagad. Akala ko rin ay uulan ng malakas dahil napakadilim ng kalangitan pero dumaan lang ito at kaagad din sumikat ang araw. Narating ko ang isang baryo kung saan siya nanunuluyan ngayon kasama ang kaniyang ina. Masyado kasing abala ang kaniyang kapatid na doktor sa trabaho nito. Nilampasan ko ang mga taong abala sa kanilang buhay at ang iba ay nilalabas ang tambak na labahin nila para ipagpatuloy ang paglalaba, dahil sumikat na ulit ang araw. May dalawang lalaki naman na naglalaro ng chess sa tapat ng isang tindahan kung saan ang tindera ay abala sa panonood sa laban nila. May mga batang naghahabulan naman sa kalsada kaya binagalan ko na rin ang pagpapatakbo at baka ay makasagasa pa ako. May mga grupo naman ng mga nanay na nagkukumpolan sa isang gilid at may mga hawak na pamaypay, abala sa kanilang pinag uusapan. May isa namang lola na katabi ang kaniyang apo na natutulog at ginawang unan ang kamay ng kaniyang lola, abala sa panonood sa kaniyang paligid. Ninanamnam ang natitirang sandali sa kaniyang buhay. Alam kong mahirap ang buhay pero mas maganda pa ang kanilang sitwasyon kaysa sa akin. Simple lang ang pamumuhay at masaya. Alam kong dumadaan din sila sa problema at hindi ko sinusubukan na pagandahin sa aking isipan ang kanilang sitwasyon. Nakakalungkot lang dahil ang iba sa kanila ay hindi ito narerealize, dahil nakatatak sa kanilang mga isipan na ang pera ang magpapasaya sa kanila. Kaya ang iba ay abala sa pagtatrabaho at nawawalan ng oras para sa kanilang pamilya. Ang malala ang iba naman ay nahuhulog sa depresyon at nawawalan ng pag-asa. Wala namang masama ang pagtatrabaho kung hindi mo naman mapapabayaan ang mga tao sa iyong buhay, hindi rin naman masama na mangarap na umangat ang estado ng pamumuhay at magaan ito pero huwag lang maobsess sa pangarap na ito na para bang isang tao na handang magpakamatay para nagugustuhan. Kahit mayaman ako ay naiintindihan ko ang kanilang sitwasyon, dahil kay Alex na laki sa hirap. Hindi siya pumapalya na kwentuhan ako ng mga bagay tungkol sa kaniyang buhay. Pakiramdam ko ay nabubuhay ako sa kaniyang mga kinekwento at minsan ay pinangarap ko na rin na mamuhay sa mga kwento niya. Mahirap pero malaya. Sa wakas ay narating ko rin ang bahay na aking hinahanap. Isa itong simpleng bahay lang na kupas na ang pintura at ang laki nito ay mas maliit pa sa kwarto ko. May mga steel bars naman na humaharang dito bilang maging disenyo at maging proteksyon sa mga taong may masasamang loob. Kulay green ang kulay nito pati na rin ang kanilang gate. Ang ibang parte naman nito ay ginagawa pa at hindi tapos. Naalala ko pa noong huli kong punta rito, isa pa itong bahay na gawa sa pinag tagpi tagping kahoy at mga yero. Halos wala itong pintuan kundi isang malaking trapal na humaharang dito at ginagawang pang harang ang kanilang kabinet na magsisilbing proteksyon sa mga taong may masasamang loob. Humanap ako ng mapag paparkingan at ng makahanap ako ng bakanteng posisyon ay kaagad ako nagmaneho papunta rito. Ibinaba ko ang aking bintana at kinausap ang may ari ng bahay para humingi ng permiso para mag parada ng sasakyan. Inabutan ko na rin ito ng kaunting halaga para mapapayag ko siya. Nakuha ko ang kaniyang permiso at tinuloy ko na ang pagparada ng sasakyan. Kinuha ko ang pagkain na binili ko kanina para sa kanila at saka bumaba. Nagbilin na rin ako sa kaniya na pakitingnan ang aking sasakyan at baka may mangyari. Pumayag naman ito at kampante naman ako na kaniya itong titingnan tingnan. Nagpatuloy na ako sa aking pakay sa lugar na ito at dineretso ang bahay nila. Nakasalubong ko naman ang mga batang naghahabulan kanina at napangiti na lang ako sa kanila dahil napakasaya nila hindi katulad ko nung bata pa ako. Narating ko ang harap ng kanilang bahay at dumeretso ako sa kanilang gate para tawagin ang kanilang atensyon. “Tao po!” tawag ko sa kanila. Inulit ko ito ng mga ilang beses pa dahil wala namang sumasagot. “Sino yan?” sa wakas ay may sumagot din sa akin at pamilyar na boses ito na matagal ko nang hindi naririnig. Nakaramdam naman ako ng saya sa akin puso dahil nasasabik ako na  makita ulit siya. “Si Emma po ito,” sagot ko naman at kaagad naman ako nakarinig ng mga nagmamadaling yabag palabas. Sumilip naman siya at kaagad ko naman itong nakilala. “Aleng Gemma,” tawag ko sa kaniya. Agad niyang isinuot ang kaniyang tsinelas at pinagbuksan ako gate. “Ikaw pala yan ija,” hingal niyang  pagkakasabi dahil sa pagmamadali. “Dapat nagpasabi ka man lang o kaya ay nagtext para naipagluto kita,” dagdad niya. “Ayos lang po iyon,” pagpapanatag ko sa kaniya. “Ito po oh,” inabot ko sa kaniya ang bilao ng palabok dahil paborito niya ito. “Ay nako nag abala ka pa,” nahihiya namang pagkakasabi ni Aleng Gemma. “O siya ihahanda ko na ito at ating pagsalu-saluhan at sakto may softdrinks naman akong binili kanina,” wika niya at nauna na siyang pumasok sa loob. Hinubad ko ang sapatos dahil madumi ito at saka ay pumasok na rin ako sa kanilang munting tahanan. Aaminin ko na mas maganda na ang tahanang ito kesa nung punta ko rito dati.  May hagdanan na rin sila para sa 2nd floor napakalaki talaga ng pagbabago at napakasaya ko para sa kanila. Lalong lalo na kay Aling Gemma, sobrang laki ng kaniyang pagbabago. Siya ang ina ni Alex, si nanay Gemma Medina. Siya ang pinakapangunahing inspirasyon niya para tapusin ang MMED at ang dahilan kung bakit niya naisipan na gawin ito. Nakahilata siya noon sa kama at nanghihina at walang nagbabatay para alagaan siya, kaya palaging pinagsusumikapan ni Alex na makauwi ng maaga. Naka destino naman sa ibang lugar ang kaniyang kapatid na sundalo na siya namang pakay ko kaya nagpunta ako rito. Hindi tulad dati ay napakalakas na ni Aleng Gemma, at napakasigla na rin. Sa kaniya ko nakikita ang tagumpay ni Alex, at kitang kita ko rin sa kaniyang mga mata ang saya. Inilapag niya ang tatlong plato sa lamesa at saka siya bumalik sa pinagkuhanan para kunin ang mga baso at kutsara. Binuksan ko naman ang bilao para makatulong sa kaniya dahil nahihiya ako na walang ginagawa. “Nako ako na riyan,” pigil naman ni Aleng Gemma sa akin nang mapansin na binubuksan ko ang palabok, pero hindi naman ako nagpapigil at pinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawa. “Pagpasensyahan mo na ang aming bahay ha,” pagpapaumanhin niya at natatawa naman ito bahagya. Nagpropose naman ako kay Alex noon na lumipat malapit sa amin pero hindi siya pumayag dahil gusto niyang mananatili sila rito at ipagawa na lang ang kanilang bahay. Ngayon ko lang rin naranasan ang sobrang kabaitan ng nanay niya dahil noon ay wala siyang lakas dahil sa karamdamang nararamdaman. Hindi ko rin maisip na mag isa niya lang naitaguyod ang dalawang anak sa gitna ng kanilang matinding kahirapan. “Si Alexa po pala,” hanap ko sa kaniyang kapatid at hindi na ako nagpaligoy ligoy pa sa aking pakay kaya nagpunta ako rito. “Ay naroon sa taas nagbibihis kakatapos niya lang maligo,” sagot niya sa akin. Matapos niya ihanda ang pagkain ay kaagad siyang dumeretso papunta sa hagdanan para tawagin ang anak. “Alexa! May naghahanap sa iyo rito,” tawag niya. Nakangiti akong pinagmasdan si Aleng Gemma at kumuha na lang ako ng pagkain para samantalahin ang kapayapaan sa aking isip. To be continued...           -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD