Emma’s Point of View Muli kong itinutok ang aking baril sa mga kalaban at sa pagkakataong ito ay sinikap ko sa ulo sila patamaan. Masakit man sa akin ay hindi ko na talaga maiiwasan ang pumatay ng marami pang tao, at ngayon naman ay mas madali na para sa akin ang kalabitin ang baril. Ipinapasok ko sa aking isipan ang itsura ni Juna kanina. Nag aalab ang apoy ng galit sa aking puso kapag muli kong naiisip ang imahe ng kaniyang mukhang lumuluha na puno ng pasa at sugat na natamo. Ibabalik ko lang naman ang pabor sa mga amo nila. Binaril ko ko sila at mula sa limang bala na aking pinaputok ay tatlo lamang ang tumama sa kanilang ulo. Hindi na rin masama. Natumba ang katawan ng tatlong lalaki na aking tinamaan at itinutok ko naman ito sa mga susunod na kalaban. Pinaputok ko ang baril at nap

