{31} Escape (Part One)

1496 Words
Emma’s Point of View “Here is the plan,” bungad ni Alexa kay Juna habang tumatakbo kami palabas dito sa madilim na hallway na ito. Nailigtas na namin si Juna at ang kasunod naman nito sa aming plano ay ang gulatin sila at pasabugin ang security room. “Pagkalabas na pagkalabas natin dito ay papaputukan natin sila kaagad para hindi na sila makapagplano,” wika ni Alexa at kitang kita ko naman sa mukha ni Juna na nagustuhan niya ang plano ng kasama ko. “Pagkatapos nun ay maghahanap tayo ng anumang uri ng pasabog yung malakas sumabog at pasasabugin natin ang security room,” dagdag pa niya. “Perfect now I can satisfy myself for what they have done to me,” nanggagalaiti niyang tugon sa mga sinabi ni Alexa at hinanda niya ang malaking baril na kaniyang nakuha kay Alexa. Natatanaw ko na ang dulo ng hallway at inihanda ko naman ang hawak kong pistol. This is it Emma. Don’t fail. Huminga ako ng malalim at inihanda ko ang aking sarili sa mga susunod na mangyayari. Maayos naman ang aim ko dahil nagtraining ako sa mga shooting range na alam ni Alexa at tinuruan niya rin ako ng mga close combat skills sakaling may makalapit sa amin sa loob ng ilang araw. Mabuti na lang ay hindi ako nagkukulang sa physical attributes ko kaya hindi ako nahirapan sa kaniyang mga tinuro. Ikinasa ko ang akin baril dahil papalapit at papalapit na kami. Binilisan namang masiyado ni Juna ang kaniyang takbo na nagdahilan para maunahan kami. Kaagad niyang inangat ang kaniyang baril at nakarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril. Sa kaniya lang ito nanggagaling lahat at hindi niya binigyan pa ng pagkakataon na makabalik ng putok ang mga ito. Nang maabutan ko siya ay nakita ko ang mga walang buhay na mga katawan na naliligo sa kanilang sariling dugo. Pakiramdam ko ay aangat ang aking tiyan sa mga nakikita. Marami naman ang mga nagsulputan na mga tauhan at nagtago kami kaagad sa pwede naming pagtaguan. Umulan sa amin ng bala at hindi naman kami makaganti ng putok dahil kapag ginawa namin iyon ay siguradong tatadtarin nila kami ng bala. Naagaw naman ng isang parang maliit na canister ang aking atensyon ng gumulong ito papunta sa amin. “SMOKE BOMB!” sigaw ni Alexa. Tinakpan ko naman ang aking bibig at ilong nang makita ko itong naglabas ng usok. Napakarami nitong inilabas enough para matabunan ng usok ang malawak na parte ng aming area. Tumakbo ako ng pagkabilis bilis palabas ng usok. Hindi ko na matanaw sila Alexa at Juna, at umaasa akong tumakbo rin sila palabas sa usok. Lugi kami kapag doon pa kami nakipaglaban sa kanila. Masakit sa mata at mahirap huminga. Idagdag pa ang low visibility na siya namang magpipigil sa akin na mabaril ko sila. Masiyadong mahirap. Nang makalabas ako sa usok ay kaagad kong nakita si Alexa na naghahabol ng kaniyang hininga at umuubo. Nakarinig naman ako ng baril mula sa usok. Si Juna. Nakita ko ang mga flash mula sa kanilang mga baril at base dito ay nagpapalitan sila ng putok. Tinangka ko namang bumalik sa loob ng usok ngunit hinawakan ako ni Alexa at umiling ito sa akin. “She’s fine,” wika niya na siya namang ikinainis ko. “Anong she’s fine?” asar na ganti ko sa kaniya. “Magpapakamatay ka lang kung babalik ka sa loob ng usok,” kalmadong wika niya at mahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa aking braso. “Let me go!” sigaw ko sa kaniya dahil gustong gusto ko tulungan si Juna. Tuloy pa rin ang putukan sa loob ng usok. Lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Alexa at hinila niya pa ako palayo mula sa usok. Hindi kita mapapatawad kapag may nangyari kay Juna, Alexa! Hinding hindi! Nagpatuloy ang putukan samantalang ako ay naluluhang nanunuod doon habang patuloy na pinapanood sila na magpalitan ng putok. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil ang putukan at tuluyan nang nahawi ng hangin ang makapal na usok kanina. Unti unti nanlaki ang aking mga mata nang makita kong may isang babae ang nakatayo sa gitna ng mga patay na katawan. “Nung una ko siyang makita ay akala ko namamalik mata lang ako kanina,” bungad ni Alexa na nanatiling tahimik kanina habang hawak ang aking braso. “Alam mo ba ang tawag sa kaniya noong nasa serbisyo pa ako?” tanong niya sa akin. Tuluyan namang nahawi ang usok at nakita ko si Juna na may hawak na pistol sa kaniyang kaliwa at kutsilyo naman sa kanan. Ang mga back up na tauhan naman kanina ay nakahandusay na ngayon sa sahig at hindi na gumagalaw. “Siya ang isa sa mga kinatatakutang agent sa buong bansa, at tinatawag rin siya sa pangalang ‘Phantom Dancer’,” wika ni Alexa at kita ko ang pamamangha sa kaniyang mga mata. Ibinalik ko naman ang tingin kay Juna. How? Wala siyang face mask o kaya googles man lang na siyang magpoprotekta sa kaniya sa usok. “She specializes in stealth combat at missions, kaya sisiw lang sa kaniya ang mga ganitong sitwasyon,” kwento naman niya at tumingin siya sa akin. “Gusto ko makita para sa aking sarili kung siya nga talaga kaya hinayaan kong maiwan siya run,” amin naman niya at nainis ako run kaya hinampas ko siya sa braso. Hindi naman niya iyon inintindi at sa wakas ay binitawan niya na ako. “Sabi sa iyo magiging okay lang siya,” proud na pagkakasabi niya sa akin. Tumalikod sa akin si Alexa at hinarap naman kami ni Juna. Naglakad si Alexa papalapit kay Juna dahil doon ang daan papunta sa security room na amin pasasabugin. “I found a grenade!” masiglang anunsyo ni Juna habang itinataas ang hawak hawak na granada. “Enough na iyan para pasabugin ang isang kwarto,” masayang wika ni Alexa. Ibinalik ni Juna ang kaniyang baril at kutsilyo sa kaniyang bewang at pumulot ng mas malaking baril. Ganoon din ang ginawa ni Alexa. Ako naman ay... ito na lang dahil itong uri ng baril lang naman ang alam kong gamitin. “Baka may magagamit pa tayo riyan na makakatulong sa ating magiging laban mamaya,” wika naman ni Alexa. “Mas lalong hihirap ang laban na ito trust me,” anunsyo niya at napalunok naman ako. Dahan dahan akong dumaan sa mga bangkay at pinipigilan ko ang sarili kong masuka. May nasipa naman ako na kung ano at nang tiningnan ko ito ay nakita ko naman ang isang maliit na canister. Bigla ko namang naalala na ganito yung binato nila kanina na naglalabas ng usok. Kaagad ko itong pinulot at magagamit ko ito mamaya para makatakas. “Let’s move!” sigaw ni Alexa at kaagad naman kaming kumilos. Naririnig ko ang mga yabag at sa spekulasyon ko ay papunta sila sa amin. Hindi magiging madali ang pagtakas dito. May mga pinulot naman ang dalawa kong kasama sa kanilang daan at hinigpitan ko naman ang aking kapit sa smoke bomb na ito. Napansin ko lang na iba ang kulay ng marka nito katulad sa nakita ko kanina. Yung kanina ay green at ito naman ay dilaw. ‘Di bale na. “Enemies up ahead!” sigaw ni Juna at kaagad naman akong naghanap ng magiging cover sa magiging engkwentro at kagaya kanina ay kaagad nagpaulan ng bala ang mga kalaban . Nagbalik ng putok naman sila Alexa at Juna. Sana ganoon din ang tapang ko. Naghintay pa ako ng pagkakataon kung saan sigurado akong hindi ako tatamaan ng bala. Kaagad naman akong lumabas sa aking pinagtataguan at nagpaputok ng baril nang sa tingin ko ay ligtas na. Tinamaan ko naman sa dibdib ang dalawang lalaki at hindi naman ito sapat dahil sa suot nilang bulletproof vest. Napaatras lamang ang mga ito at kaagad din nakatayo. Nagtago naman kaagad ako at nagpanic. Isip! Isip! Isip! Ano ang aking gagawin!? Pumasok naman sa aking isipan ang pagkakataon na ako ay tinuturuan pa lamang ni Alexa kung paano humawak ng baril at kailangan ko alalahanin ang bawat bagay na itinuro niya sa akin kung paano ko ito gagawin. Sa totoo lamang ay hindi pa ako humahawak ng baril sa buong buhay ko at bukod sa ayaw ng mga magulang ko ay sobrang labag pa ito sa aking kalooban. Masyadong masakit para sa akin but someone has to step up ang change right? Hindi naman pwede na pareho na lang kami nakaupo dito. Inalaala ko naman ang bawat sinabi at payo niya sa akin.  Ano ang dapat kong gawin, ano dapat ang aking iniisip at ang aking postura. Saan ko ba papatamain ang bala sa aking mga kalaban. Mga weakspots kumbaga, kailangan ko ito hanapin at tandaan. Alalahanin mo Emma. Iminulat ko ang aking mata at naalala ko na ang mga naging payo sa akin ni Alexa. Nirelax ko ang aking sarili at inihanda ang baril na aking hawak. To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD