Emma’s Point of View Naabutan namin ang itim na sasakyan na aming sinusundan ngayon, nasa katamtamang bilis lamang ang kanilang pagpapaandar at hindi pa nahahalata na sinusundan namin sila. Nilingon ko naman si Juna na ngayon ay nagdadrive ng nasa katamtamang bilis na rin hindi katulad kanina na para kaming nasa isang karera. Nilingon niya naman ako nang mapansin na tiningnan ko siya. “Emma, can you get that bag in the back of the car?” pakisuyo niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya at pinilit kong abutin ang kulay itim na bag sa likuran ng sasakyan. Napangiti naman ako ng maabot ko ito at kaagad ko naman ito hinila papunta sa akin at saka ulit ako umayos nang pagkakaupo. “Open the bag,” sunod niyang utos sa akin. Ginawa ko naman ito at hinila ang slider ng zipper para mabuksan ang b

