{12} The Chase (Part One)

1811 Words
Emma’s Point of View Naglalakad kami ngayon ni Juna papunta sa morgue kung nasaan ang mga bata ng aking kapatid na si Anthony. Nagpalit na kami kanina ng kasuotan namin kanina at ipinagbilin naman sa nurse na kausap ni Juna ang aming mga damit at siya na raw ang bahala sa disposal ng mga iyon para walang ebidensiya. Pakiramdam ko ngayon ay isa akong kriminal na pumatay ng tao at nililinis ang bawat bakas sa crime scene. Iniayos ko ang aking cap at shades ko tsaka na rin ang aking face mask, at dahan-dahan kaming naglalakad at nililinga-linga ang paligid baka sakaling may mga nakamasid sa aming mga kinikilos. Dumaan kaming muli sa exit ng hospital na katabi lamang ng entrance na aming pinasukan kanina. Marami-rami rin ang mga tao ng pumupunta ngayon dahil magtatanghalian na at ang iba sa kanila ay may dala-dalang lunch box. Nakahiwalay ang pasilidad ng morgue sa mismong hospital kaya ay malayo-layo pa ang aming lalakarin. Nilampasan namin ang mga guard na siyang alertong nagbabantay para masiguradong ang mga taong may masamang loob ay hindi makakapasok. Bumaba kami sa mga hagdanan at dineretso naman ni Juna ang sasakyan kaya wala na ako ibang nagawa kundi ang sundan siya. “Bakit?” tanong ko. “Kailangan nating magmadali para maabutan pa sila,” paliwanag ko. Tiningnan niya ako at binuksan ang pinto tsaka siya pumasok dito. Napatayo lamang ako run at walang kamalay-malay sa kaniyang mga binabalak. Tumagal siya run ng ilang minuto bago uli lumabas sa loob ng sasakyan. “Bilis may hahabulin pa tayo,” reklamo ko sa kaniya. “We need this,” itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay na may hawak na dalawang... PISTOL!? Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang ipinakita sa akin. Anong gagawin natin at kailangan pa ng baril? Papatay ba tayo? “Ano yan?” tanong ko kahit obvious naman ang sagot. “In case of emergency,” paliwanag niya sa akin. “His men are armed at once na mahuli nila tayo ay hindi na natin maiiwasan ang engkwentro,” dagdag pa niya. Ibinato niya sa akin ang baril at muntik ko pa itong hindi masalo. Nanginginig naman ang aking mga kamay makita lang ang baril na hawak ko. Feeling ko ay puputok ito kahit galawin ko lang ito ng kaunti. Pakiramdam ko rin ay bumigat ang aking katawan dahil sa baril na nakapatong sa aking mga palad. “You never used a gun?” tanong niya sa akin. Wait what? Ibig sabihin ba niyan ay nakagamit ka na ng baril? Juna naman, huwag mo naman akong tinatakot. “Have you?” ganti ko namang tanong sa kaniya. “Well yes,” sagot niya. “For self defense,” agad naman niyang paliwanag. Siningkitan ko siya ng mata at umiwas naman ito ng tingin. Kahit nanginginig ang aking mga kamay ay maingat kong inilagay sa akin bag ang baril at baka ay pumutok ito sa isang maling galaw ko. Matapos ko itong mailagay sa loob ng bag ay nanginginig pa rin ang aking mga kamay at huminga ako ng malalim para mapakalma ang aking sarili hanggang sa onti-onti nang nawala ang panginginig. “Hindi ko alam kung magagamit ko ito, kaya Juna nakikiusap na ako sa’yo kapag kaya nating maiwasan ang engkwentro umiwas tayo,” pakiusap ko sa kaniya. Hindi ko alam kung kaya ko pang maningil ng buhay ng isang tao lalong lalo na ang pagbaril. Hindi ko rin alam kung patutulugin ba ako ng aking konsensya kapag nagawa ko man makapatay. Hindi ko talaga kaya. Kaya nagulat talaga ako nang makita ko ang dalawang baril sa kamay ni Juna. “Okay,” tipid niyang sagot at saka niya ako nilingon. “Let’s go?” patanong na aya niya sa akin. Natauhan naman ako mula sa aking mga iniisip kanina at tumango na lang ako pabalik. Nauna siyang maglakad at sinundan ko na lamang siya dahil alam niya naman ang pasikot sikot sa lugar na ito. Nilampasan namin ang isang hilera ng mga halaman na namumulaklak. Sa aking isip ay mga santan ito, dahil sa mapupula at maliliit na bulaklak nito. Pinagmasdan ko ang ganda ng mga halaman na ito habang nilalampasan namin. Naalagaan kayo ng mabuti. Nang makalampas na kami sa hilera ng halaman ay sinalubong naman kami ng isang itim na gate. Hindi ito naka lock kaya dahan dahan itong binuksan ni Juna, at nang makapasok kami ay kaniya uli itong isinara ng dahan dahan at sinigurado na nasa dating pwesto ang gate, para hindi kami mahalata. Tahimik kaming tumakbo papunta sa gilid ng pasilidad at sinilip ang pinakamalapit na bintana.  Nakita namin ang tatlong tauhan ni Anthony kanina na inaasikaso ang pagsunog sa katawan ni Miss Mendoza. Nakahiwalay naman sa tatlo ang may hawak ng briefcase at abala ito sa pakikipagusap sa tao na nasa kabilang linya, kausap niya ata ang aking kapatid. “Is he the one?” pabulong na tanong sa akin ni Juna. Nilingon ko naman siya. “Oo, andun ang isang vial ng dugo galing kay Miss Mendoza,” pagkumpirma ko sa kaniya. “Hindi ko alam kung ano ang binabalak nila sample na iyon, wala namang nabanggit ang kapatid ko,” dagdag ko pa at tumango naman si Juna sa akin pabalik. “What’s the plan?” tanong niya sa akin. Nilingon ko naman ito at pinanlakihan ng mata dahil akala ko ay may plano na siyang nabuo. Akala ko pa naman ay kung para saan yung baril na iniabot niya sa akin kanina. “May pabaril baril ka pa talagang nalalaman,” pang uuyam ko sa kaniya at nginitian naman niya ako. “It is better safe than sorry, right?” responde niya sa aking sinabi at ibinalik ko na lang ang aking paningin sa tatlong lalaki at sa lalaking may hawak ng aming pakay. Nakaitim sila lahat at kanina ay hindi ko makita ang mukha nila dahil sa face mask, ngayon ay maliwanag pa sa sikat ng araw ay nakikita ko ang bawat pagmumukha nila. Sinaulo ko ang kanilang mga itsura at ang hugis ng kanilang mga katawan. Para ay maiwasan na rin namin sila kung sakali na susundan nila kami o kaya ay makakatagpo namin.  “E, ano pa? Kailangan nating makuha ang briefcase na iyo sa kamay niya,” wika ko habang tinuturo ang lalaking may hawak ng briefcase. Napaupo naman ako dahil sa sobrang ngalay ng aking tuhod at kakasilip sa bintana at huminga hinga na rin para makabawi bawi man lang ng lakas. Ginaya rin ni Juna ang aking ginawa at nagpahinga rin. Nakakapagod naman talaga ang operasyon kanina at ang mga pangyayari dahil sa akin kapatid. Hinding hindi ko talaga inaasahan na kukuha siya ng sample mula kay Miss Mendoza at inakala ko lang na titingnan niya ito dahil sa nakuha ng kaso ang kaniyang interes. Kailan pa siya nagkaroon ng sariling laboratoryo dahil kung meron man ay kaagad ko itong malalaman dahil ipagmamayabang ito nila mama at papa. Wala na siguro akong ibang pagpipilian pa kundi ang sundan sila at alamin kung ano ang nasa likod ng mga pangyayaring ito. Hindi pa nga namin nalulutas ang mistryo sa likod ng kaso ng mga namamatay ay mayroon nanamang panibago na lilitaw. ANG SAKIT NA TALAGA SA ULO. Napahawak naman ako sa aking buhok dahil sa sobrang pagkalito at stress na aking nararamdaman. “Bakit ngayon pa?” bulong ko, naramdaman ko naman na tumingin sa akin si Juna kahit hindi ko siya nakikita. Naramdaman ko naman ang pagtapiktapik niya sa aking likuran. “Hindi ka nag-iisa sa laban na ito Emma,” banggit naman ni Juna sa akin. Iniangat ko ang aking ulo at tiningnan siya. Maluha luha na ang aking mata kaua pinahid niya ito. “Tandaan mo palagi na narito ako handa kang samahan sa kahit anong laban na papasukin mo,” malalim ang tama ng mga katagang iyon sa aking puso. Hinayaan ko ang aking luha na tuluyang tumulo mula sa akin mga mata. Niyakap ko siya at niyakap naman niya ako pabalik. Tahimik akong umiyak ng umiyak para gumaan ang bigat na aking nararamdaman sa aking dibdib. Talagang nagpapasalamat ako dahil sa mga ganitong pagkakataon ay nasa tabi ko si Juna handa akong damayan sa kahit ano kong problema. Mas pinaramdam niya sa akin ang pagmamahal ng isang pamilya kesa sa totoo kong pamilya na walang ibang ginawa kundi humakot at humakot ng karangalan. Hindi sila nakukuntento kahit sobra sobra na ang kanilang nakukuha. Matapos akong umiyak ay kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at muling huminga ng malalim. Inayos ko ang aking mukha sa pamamagitan ng panyo mula sa bulsa ng aking pantalon at pinahid ko ang mga natitirang luha sa aking pisngi. Mabuti na lang talaga ay hindi ako naglagay ng make-up. Napunta naman kaagad ang aming atensyon ng marinig namin ang kalampag ng isang bakal mula sa loob ng morgue. Agad naman kaming napatayo at sinilip kung ano na ang nangyayari sa loob. Nakita naman namin na inilalabas na nila ang parang bakal na kama sa incinerator kung saan nila sinusunog ang katawan. Kinuha naman ng isa sa kanila ang jar kung saan nila ilalagay ang abo ni Miss Mendoza. Ito ba ang solusyon mo, Anthony? Matapos nila ito mailagay sa jar ay kaagad naman kaming nagtago ng makita namin na palabas ang isa sa kanila. Nakita namin itong dumaan pabalik sa hospital, iaabot na yata ang mga natitira sa pamilya Mendoza. Sumunod naman ang dalawa at sa likuran nila ay nakasunod ang lalaking may hawak ng briefcase. Sumakay sila sa itim na kotse at pinaandar ito nakita ko naman ang plaka nito at nang makalayo na ang sasakyan ay agad kaming lumabas sa pagkakatago. Tumakbo naman ng mabilis si Juna at ginaya ko naman ang kaniyang ginawa. “BILIS! MATATAKASAN NILA TAYO!” sigaw nito sa akin kaya binilisan ko pa lalo ang aking pagkakatakbo. Kahit masakit na ang aking hita ay pinilit ko pa rin tumakbo dahil ang aming pangalan ang nakataya rito. Agad namang pinasok ni Juna ang sasakyan at agad-agad itong pinaandar. Ako ay malayo layo pa sa sasakyan kaya kaagad niya ako nilapitan, at nang makalapit na siya sa akin ay kaagad niya akong pinag buksan ng pinto. “PASOK BILIS! HABANG NAKIKITA KO PA sILA!” taranta na rin siya katulad ko. Pagkapasok ko pa lang sa kotse ay agad niya itong pinaharurot kahit hindi ko pa naisasara ang pintuan. Nagulat ako sa kaniyang ginawa at napaatras naman ako sa pagkakaupo dahil sa bilis ng kaniyang pagpapatakbo. Naisara ko naman ang pinto ng sasakyan at umayos ako sa aking pagkakaupo at isinuot ang seatbelt para kung sakali man na maaksidente kami ay hindi ganoon kalala ang tatamuhin na sugat. Pero wag naman sana. Pambihira ang galing ni Juna sa pagmamaneho at naiwasan niya ang mga kotse na nakaharang sa daan at grabe ang smooth ng kaniyang pagmamaneho dahil wala man lang siyang nagawang damage sa sasakyan. Hindi ko inaakala na marami pala na itinatago na kakayanan ang babae na ito sa akin. Ang tangi ko na lamang na nagawa ay ihanda ang sarili sa mga mangyayari, at sa mga misteryo sa gumugulo sa aking isipan. To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD