{11} The Operation (Part Two)

1691 Words
Emma’s Point of View Naglalakad kami ngayon papunta sa kwarto kung saan IC-CT scan si Miss Mendoza. Napakagandang pagkakataon nito dahil makikita namin ni Juna ang loob ng kaniyang katawan at may laya kaming makapagusap habang ginagawa ng mga tao niya ang procedure para sa CT scanning. “Yabang yabang ng boss niyo, e simpleng CT-Scan hindi niya matukoy,” natatawang biro naman ni Juna. Nagsitawanan din ang kaniyang mga tao sa sinabi ng aking kaibigan. Hindi ko ito nagustuhan dahil kapag nakarating naman ito kay Anthony, hindi ko alam ang pwede niyang gawin sa kaniya. Yun pa hindi nagpapatalo sa mga asaran. “Atin atin lang ito ha,” pahabol naman ni Juna at nagsitanguan naman ang mga bata ng aking kapatid. “Good,” nakahinga siya ng maluwag, mabuti naman narealize mo kaagad sino babanggain mo. “Pagpasensyahan niyo na po, ganun po talaga ugali niya,” pagpapaumanhin naman ng isa sa mga tao niya para sa kaniyang amo. Nakakamangha rin ang taas ng level ng kanilang pagka professional. Saludo ako sa inyo. At saka kahit hindi niyo sabihin sa amin yan, mas kilala pa namin ang boss niyo kesa sa inyo. “Ayos lang iyon. Naiintindihan namin,” pagpapanatag ko sa kaniya. Naglabas ako ng isang pekeng ngiti at ipinakita ito sa kanila. Pagkatapos naman ng pag-uusap namin ay tahimik na kaming nagpatuloy para marating ang kwarto na aming pakay. Matapos ang ilang minuto ng tahimik na paglalakad ay tumigil na sila sa isang puting pinto, at kami rin ay napatigil. “Nandito na po tayo,” magalang na anunsyo ng isa sa kanilang mga kasamahan. Binuksan niya naman ang pinto at pumasok sila roon. Sumunod naman kami ni Juna sa kanila at nakita ang mga monitor kung saan namin makikita ang mga larawan na manggagaling sa CT Scanner. Naroon naman ang kapsula kung saan ipapasok ang katawan at nahaharangan ito ng isang glass window kung saan kami titingin. Inihanda ng mga tao ng aking kapatid ang katawan ni Miss Mendoza at inihiga ito sa sliding bed ng CT Scanner. Nang maihanda na nila ang lahat ay isinagawa na namin ang pag CT Scan sa kaniyang katawan. Naghintay kami ng ilang mga minuto hanggang sa lumabas ang mga larawan sa monitor. Lahat kami ay nagulat sa mga larawan na aming nakita. Nawawala ang isa sa mga baga (lungs) niya at nangangahalati na ang isang natira. Ang kaniyang mga kidney ay nawawala narin. Inobserbahan pa namin ito ng inobserbahan. Kinusot kusot ko naman ang aking mga mata at baka sakaling namamalik mata lang ako o kaya ay nananaginip. Grabe ang kaba na idinulot nito sa aking puso at pinagpapawisan na ako sa takot. Ganoon din ang reaksyon ni Juna. Gaya nang aming inaasahan ay pareho ang kaso ni Miss Mendoza sa misteryosong kaso na aming nakita doon sa hospitan nung mga nakaraang araw. Siguro ay ganoon din ang kinahatnan ng dalawa pang pasyente namin noon ni Alex na namatay na. Ipinagutos ko naman na kunin ang bangkay nila at sunugin ito para makaiwas sa pagkalat ng nagbabadyang panibagong pandemya sa sangkatauhan. Para makasigurado ako “Sunugin niyo na ang katawan,” utos ni Juna. Kagaya ko ay ganoon din ang takot ko sa sitwasyong ito. Handa si Juna na kabanggain ang aking kapatid para mailigtas ang maraming buhay. “Hindi po pwede,” protesta naman ng isa sa mga tao ng aking kapatid. “Magagalit po ang aming amo,” pagsang ayon naman ng isa pa sa kanila. Paano ito? “Ipagpapalit niyo ba ang buhay ng maraming tao kesa sa mga trabaho niyo?!” galit na sigaw ni Juna. “Kung pera ang inyong pinoproblema o kaya ay trabaho ay mabibigyan namin kayo,” dagdag niya pa. Hindi imposible ito dahil kaya namin kayo bigyan ng mas disenteng trabaho kesa sa masamang kapatid kong iyon. Hindi tulad sa kaniya at tatratuhin namin kayo ng maayos. “Hindi niyo po alam ang magagawa ni Boss sa aming mga pamilya kapag hindi po namin tinupad ang kaniyang mga pinag-uutos,” reklamo pa ng isa sa kanila. Napamaang naman kami ni Juna sa aming mga narinig. Napakasama mo talaga Anthony pati buhay kaya mong sirain sa mga mababaw mong dahilan. Tinalikuran naman kami ni Juna at hindi ko na siya pinigilan pang lumabas sa kwarto. Kailangan talaga naming pag-isipan ito, paano namin masosolusyunan ang problemang ito ng walang masasaktan na kahit sinuman o kaya ay mamamatay. Napakawalang puso! Kinuha naman ng isa sa mga tauhan ni Anthony ang mga files na kailangan ng aking kapatid, at nauna na silang lumabas pabalik sa kanilang amo. Sinundan ko naman sila at hinayaan ko na munang mapag-isa si Juna. Baka kung ano pa ang mangyari. Muli kaming nakarating sa operating room at muli namang napatayo sa pagkakaupo si Anthony at kitang-kita sa kaniyang mukha ang pagkainip. “Took you so long,” reklamo naman ng mayabang na ito. “Pasensya na po,” pagpapaumanhin naman ng isa sa mga bata niya at lumapit ito sa kaniyang amo para iabot ang mga files. Kinuha niya naman ito at muling lumayo ang kaniyang bata sa kaniya. Kagaya ko ay nagulat din siya sa kaniyang mga nakita at tiningnan nang tiningnan ang mga files ng paulit-ulit, hindi rin siya makapaniwal sa mga nakikitang imahe. “How could this be?” naguguluhang tanong ni Anthonu sa kaniyang sarili at tumingin sa amin. “Come here we will open her body,” utos niya sa amin. ARE YOU OUT OF YOUR MIND?! That clearly indicated that an unknown parasite is the cause of this. Tapos bubuksan mo pa ang katawan? No thanks! Kaya mas matagal na nabubuhay ang mga kababaihan kesa sa mga kalalakihan. Hindi ako gumalaw sa aking pwesto at nanatiling ako sa aking kinaroroonan. Muli naman akong tiningnan ng aking kapatid at napangiti naman ito. “Good choice, stay out of my way you are just a nuisance to my show,” mayabang na anunsyo nito. Hindi naman ako nagpakita ng kahit kaunting asar sa kaniya. “Consider yourself lucky enough to witness my skills. Just relax and enjoy the show,” dagdag niya pa. Lolo mo lucky. Ginagawa mong biro ang lahat. Umakto muna ito na parang isang ballroom dancer habang kinukuha ang mga kagamitan na kaniyang kakailanganin sa operasyon. Nang muli siyang makabalik sa katawan ni Miss Mendoza ay muli naman siyang nagpalit ng kaniyang ekspresyon at naging seryoso ito lalo. Kamangha mangha ang kaniyang pokus at accuracy sa paghiwa ng katawan ni Miss Mendoza. Akala mo ay isa siyang conductor sa isang orchestra dahil sa sobrang smooth ng flow ng kaniyang mga galaw, at ang mga kagamitan ay ang mga instrumento na kaniyang pinangungunahan. Binuksan niya ang katawan at inobserbahan ang aktwal na nakalagay sa mga larawan mula sa CT Scan. Walang takot niyang ginalaw galaw ang mga lamang loob ni Miss Mendoza na siya namang pinandirian ko. Nakatayo lang ang mga tauhan niya malayo sa kaniya at nanghuhumaling sa pinapakita ng aking kapatid. Alam na alam niya ang kaniyang mga ginagawa at talagang may upuan siyang bubuhatin sa harapan ng ibang tao. No wonder na paborito siya ng aking mga magulang. Napansin ko rin na ako mismo ay nanghuhumaling din sa kaniyang ipinapakita at sa aaminin ko man kahit na mas magaling pa akong doktor sa kaniya ay hindi ko nakita kung paano siya magtrabaho. Napakalaking tulong nito sa amin kung maisipan niyang magvovolunteer sa aming samahan. Kahit kaunting panahon ay payag akong kalimutan ang alitan sa pagitan namin dalawa. May kinuha siyang isang tube vial at kumuha ng sample sa katawan ni Miss Mendoza. Ibinigay niya ito sa kaniyang tauhan at inilagay ito sa isang itim na briefcase. TEKA! Sample... Ano ang gagawin niya sa sample na iyon? Pag-aaralan niya ito? Hindi pwede ito. Hindi pwede ito. Hindi pwede ito. Mauunahan niya kami at yun ang pinaka-ayaw kong mangyari. Pwede niya itong gamitin para pabagsakin kami ni Alex. Mula sa aking pagkakalma kanina ay muli akong nataranta sa kaniyang ikinilos. “Sunugin niyo muna ang katawan bago kayo magpatuloy at ang aking abogado na ang bahala sa mga kamag anak niya,” utos nito. “Masusunod po,” magalang na sagot nito sa kaniyang amo. Muli namang tumingin sa akin ang aking kapatid at ngumiti. “Did you enjoy the show?” tanong niya sa akin at tumango naman ako. Oo pero kailangan kong mabawi ang sample na iyon. Kailangan ko ng hanapin si Juna at hindi maganda ang mga nangyayari. “If you may excuse me,” sabi ko at lumabas na ako sa operating room. Narinig ko naman ang malakas niyang pagtawa. “Ito na ang iyong pagbagsak aking pinakamamahal na kapatid,” nababaliw na sigaw niya at naririnig ko siya dahil hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa operating room. Sabi ko na nga ba tama ang aking hinala. Lalo ko pang binilisan ang aking paglakad at sigurado akong nasa comfort room ng mga kababaihan si Juna. Agad kong dineretso ang comfor room na pinakalamapit sa CT Scan na pinuntahan namin kanina. Matapos ang ilang minutong paglilibot ay nahanap ko na rin ang pinaka malapit na banyo. Binuksan ko ang pintuan at naabutan ko naman si Juna na naghihilamos ng kaniyang mukha. “What brings you here?” tanong niya sa akin. “This is bad,” tipid kong sagot. “Diba sinabi ko na kanina na sunugin na ang katawan,” wika niya. “This is badder than that,” sabi ko at nanlaki naman ang kaniyang mga mata. “What is it this time?” tanong niya. “Kumuha ng sample sa katawan ni Miss Mendoza si Anthony at dala dala ito ngayon ng isa sa kaniyang mga tauhan na may dalang briefcase,” paliwanag ko. “Bakit hindi mo pa sinundan Emma?” tarantang tanong niya. “Huwag kang mag-alala, alam ko kung saan sila hahanapin,” pagpapanatag ko sa kaniya. “Nasa morgue sila ngayon at ipapasunog ang katawan ni Miss Mendoza at sa laki ng kuneksyon niya siya na rin ang bahala sa mga kamag anak ng kawawang babae,” paliwanag ko. “Hindi naman ganun ka immature kapatid ko para hayaan nalang na mabulok ang katawan na may parasite na kayang pumatay ng tao,” dagdag ko pa. Nakahinga naman ng maluwag si Juna at inayos ang kaniyang sarili tsaka tumayo ng ayos. Sigurado na siya na hindi pa kakalat ang parasite na nasa loob ng katawan ni Miss Mendoza. “What are we waiting for?” tanong niya sa akin. “Let’s begin the operation.”                                                       -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD