{56} Unexpected Guest

1726 Words
Emma’s Point of View “Remember Emma,” muli niyang paalala sa akin matapos niyang makapkapan ang dalawang lalaki na aming napatumba. For some reason I don’t feel bad for myself on killing someone, this is the first time that I feel proud of myself for killing such people. Ganito pala siguro kapag alam mo na napakasama ng tao na iyong napatumba. “We must be quiet as much as possible,” wika niya habang hinihila ang dalawang katawan sa makakapal na damuhan. Napakalakas talaga ng babaeng ito. Naispotan na rin niya ang gagamitin naming lugar para sa sniping position namin sa main base mamaya. Ang trabaho lang namin ngayon, dahil nga sa iniidolo niya si Juna ay nagpaturo siya rito sa kaniyang signature battle style ang kaniyang stealth combat pero hindi yun natutunan sa isang araw lamang. Kaya gamit ang tulong ng makabagong teknolohiya ay kaniya itong masusubukan. Base pa lang sa mga bantay na ito ay wala silang mga night vision googles na siyang magbibigay naman sa amin ng malaking advantage sa pakikipaglaban. Nagpatuloy kami sa paglalakad at umiiwas kami na makagawa ng mga ingay na makakaagaw ng atensyon ng nearby na nagpapatrolyang mga bantay sa kagubatan na hindi kami aware. Mahirap na maambush kami sa gitna ng makakapal na punong ito. Mabuti na lang ay merong mataas na lugar sa kagubatang ito. May isang kweba na makikita sa open field na abot ng range ng aming sniper ang kanilang main base. Ayon yan sa spekulasyon ni Alexa dahil nakakita siya ng mapa kanina sa isa sa mga katawan at kaniya itong pinag aralan. Kapag may nakasalubong o kaya ay namataan namin ang isang kalaban ay kaagad namin itong patutumbahin ng hindi nagdadalawang isip. Nakarinig kami pareho ng kaluskos at kaagad kaming nagtago ni Alexa nang hindi gumagawa ng anumang ingay. Sumilip kami sa aming pinagtataguan at nakita namin ang ilaw sa may kalayuan at sinenyasan naman ako ni Alexa na paputukan ito. Dahil nasa likod ako ng isang malaking puno ay magandang spot ito, gamit ang mga ugat na labas na labas sa lupa. Dahan dahan akong dumapa at sumilip sa scope ng sniper. Nakita ko ang tatlong lalaki na mukhang masaya sa kanilang kwentuhan base sa kanilang gestures  na nakikita ko sa scope ng aking baril. May isang naiiwan sa likuran at  ang dalawa naman ay abala sa kanilang tawanan. Hindi pwede na magkamali ako rito dahil kahit isa lang sa kanila ang makatakas sa aking paningin ay siguradong sira na ang aming plano at siguradong hindi na mauulit ang ganitong tsansa. Ginusto ko ito kaya gagawin ko ang lahat para magpagtagumpayan ko ito. May naisip akong gawin at bahala na kung gagana ba ito. This is the best way that I can think of, at ngayon lang ako inasahan ni Juna sa ganitong bagay at hindi pwede na ilet down ko siya. This is my own psychological warfare. Base sa aking kaalaman sa isip ng tao ay una kong binaril ang lalaking nasa likuran nila na tahimik lang sumusunod. Nice, like just what I calculated. Ginawa ko ito dahil wala ang kanilang buong atensyon sa kaniya at kaagad kong tinutok ang scope sa isa sa kanilang dalawa. Siguradong maninigas sila sa gulat at takot dahil hindi nila inaasahan na may sniper na susugod sa kanila sa ganitong oras ng gabi. Nang marinig nilang ang kaluskos ng d**o dahil sa pagbagsak ng katawan ng namatay nilang kasama ay napalingon sila at kaagad kong pinaputok ang aking sniper sa ulo ng mas malayo para madali kong mapatamaan ang lalaking malapit. Dahil sa panic at takot ay napatutok na lang ng baril na kaniyang hawak ang lalaki. As if hahayaan ko siya na gumawa ng ingay na  sisira ng aming plano kaya hindi na ako nag isip pa kung papatayin ko ba siya o hindi. Kinalabit ko ang trigger at sakto siyang tinamaan sa ulo. THREE HEADSHOTS IN A ROW! Nag thumbs up ako kay Alexa bilang senyales na napatumba ko na ang grupo ng nagpapatrolya dito sa may area na aming ginagalawan. Dahan dahan ko namang iniangat ang aking sarili at tsinek ko naman ang natitirang bala na laman ng magazin ng aking sniper. Pwede pa ito may walo pang natitira, so far apat pa lang ang aking nagagamit and this is great kasi one shot, one kill. I feel like the sniper protagonist from the movie that Alex and I watched together at some point. “That was impressive Emma,” tipid na puri niya sa akin nang tsinek niya ang lugar bago ulit siya gumalaw. “Onti onti ka nang nagiging sundalo at magtiwala ka, you will be a great asset in wars. That aim is no joke, four headshots in a row isn’t a child’s play,” dagdag na puri niya pa sa akin at naramdaman ko naman ang pag init ng aking pisngi dahil natouch ako sa kaniyang mga sinabi. Baka mapasundalo talaga ako dahil sa kaniyang mga sinasabi. Pinuntahan namin ang tatlong katawan para itago namin ito sa makakapal na halaman upang maiwasan ang sudden alarm dahil may nakakita sa mga katawang ito. Always expect the unexpected nga raw. Nagpatuloy kami sa pag galaw patungo sa kweba na aming nakita sa mapa at aakyatin namin ang tuktok nito. Naglakad kami nang naglakad sa madamo at maputik na kagubatan na ito. Kailangan ko icontain ang takot na aking nararamdaman kapag nakakakita ako ng malalaking gagamba, ahas, and worst of all ang mga ipis. Hindi ko alam na may mga Antonio rin pala sa kagubatan, akala ko sa mga kabahayan lang sila nakikita. Matapos ang ilang pagkakataon ay sa wakas nakita ko na ang liwanag na nagsasabi na ito ay isang open field na. Pero bago namin ito tunguhin ay kailangan muna naming siguraduhin na walang tao sa lugar na ito. Sumilip kami sa puno na aming pinagtataguan at wala akong nakita na mga tao kaya sumenyas ako kay Alexa na clear ang lugar ko at ganun din ang kaniyang ginawa. Gamit ang isa kong kamay ay hinugot ko ang pistol sa may tagiliran ko habang buhat buhat ko pa rin ang aking sniper. May silencer din ang pistol na ito kaya hindi na kami magwoworry sa pagpapaputok nito. Baka mamaya ay may biglang lumabas na lalaki sa lugar na ito. Maging alerto palagi. I got to remember that. Always. May narinig kaming humikab mula sa loob ng kweba kaya kaagad kaming nagtago ni Alexa sa malapit na malaking bato. Narinig ko ang yabag na palakas nang palakas dahil siya ay palabas na sa kweba. Nakita namin ang isang lalaki na may baril na nakasabit sa kaniyang tagiliran. This must be one of them patrolling the vicinity na tinatamad. Papaputukan ko na sana ng aking pistol ito pero sumenyas sa akin si Alexa na huwag kaya ibinaba ko ang aking pistol at nagtago ako sa malaking bato. Ibinaba ni Alexa ang kaniyang sniper at hinugot ang kaniyang kutsilyo. Kagaya kanina ay kaniyang nanamang binabalak na tirahin patalikod ang kalaban. Hinintay niyang makalampas ang lalaki sa bato na kaniyang pinagtataguan. Nang makalampas na ito ay kaagad siyang tumayo ng dahan dahan sa bato na pinagtataguan. Tahimik siyang naglakad patalikod at nang sasakmalin niya na ito. “Miss me,” naunahan niyang si Alexa at itinutok niya ang kaniyang hawak na baril sa babaeng nanigas sa gulat. Nanlaki ang aking mata sa kaniyang ginawa dahil imposible naman na mapansin niya kaagad ang ginawa ni Juna dahil napakatahimik talaga ng kaniyang kilos, saka anong miss me? Magkakilala ba sila? “Ross?” mahinang wika ni Juna. Speaking of the devil. Magkakilala nga sila. Kaagad niyang ibinaba ang kaniyang kutsilyo at ibinaba niya rin ang kaniyang hawak na baril. Ngumiti ito sa kaniya ng pagkalawak lawak. “How?” tanong niya sa lalaking tinawag niyang Ross. “Ilang araw na rin kitang sinusundan Alexa my love,” malanding tugon niya kay Alexa. May gusto pa ito sa kaibigan ko? Stalker din. “Nang makita kita sa International Resort ng Mayanil ay nagtaka ako kung ano ang ginagawa mo rito saka namiss talaga kita kaya balak ko sanang batiin kayo, not like this,” paliwanag niya sa kaniyang side. “Pero nung nakita ko kayo na pumunta kay Lucio ay tinanong ko sa kaniya kung bakit kayo nagpunta sa kaniya at ano ang inyong pakay, hindi iyon naging madali dahil kailangan ko pa talaga magbayad ng malaking halaga,” dagdag niya pa. “That bastard sold us out,” asar na bulong ni Alexa sa kaniyang sarili. “Siyempre hindi kayo nun ibebenta, since we are trusted friends of each other, except kay Lucio na mukhang pera, ay binigyan niya ako nang pagkakataon para masundan kayo. Kaya bago niyo pasukin ang kagubatan ay nakapasok na ako rito at marami rami na rin akong bantay na napatay ang kanilang katawan ay nasa loob ng kweba at naisip ko na mas magandang isurprise ko kayo, kaya nung narinig ko ang mga yabag niyo kanina ay nagpanggap ako na kagigising ko lang at sa pagkakakilala ko sa’yo, mas pipiliin mo na magtipid ng bala, mabuti na lang talaga na hindi ako binaril ng kasama mo. Well either way I can defend myself,” mahabang daldal niya at namangha ako sa kaniya dahil nalaman niya kaagad kung nasaan ako. Tumayo na ako sa aking pinagtataguan dahil wala naman ng punto since alam niya na kung nasaan ako. “YOU WHAT?” asar at madiin na pagkakatanong sa kaniya at sinisikap niya na hindi masigawan ang lalaki na nagulat sa kaniyang reaksyon. “Tinulongan ko lang kayo,” wika niya. “Wag ka mag alala, I killed them without noticing the others,” dagdag na wika pa niya. “You better be,” banta ni Alexa sa kaniya. “Since narito ka na, I have something in mind na magagawa mo,” wika niya. Pumasok ako sa kweba at nanlaki ang aking mata nang makita ko ang kumpol ng katawan. Mahigit sampu ata tong kaniyang napatay at nauna lang siya sa amin ng ilang minuto. This is really great. He is spectacular. Napaka galing niya talaga sa paglaban. Sa maikling panahon ay nagawa niya kaagad ang lahat ng ito. Si Alexa naman ay napakatalino magplano and this will go smoothly with our unexpected guest. To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD