{55} Here We Come

1669 Words
Emma’s Point of View “Tara na Alexa,” aya ko sa kaniya matapos na kaming makapaghanda matapos ang pagsasanay namin sa loob ng shooting range kanina, marami akong natutunan dahil sa teknolohiyang kanilang ginagamit ay nakapagproduce sila ng iba’t ibang senaryo na siyang tumulong sa akin na mafamiliarize ang aking sarili sa iba’t ibang senaryo. Nag enjoy ako sa buong panahon ng aming pagsasanay at mukhang naiintindihan ko na kung bakit nakahiligan ni Alex ang pagpunta sa mga shooting range kada day off niya. Inubos namin ang laman ng kaho na aming binayaran. Marami akong stratehiya na sinubukan na siya namang napuri sa akin. Naglakad kami palabas sa loob ng VIP na kwartong ito at naabutan ko ang public shooting range na may mga tao pa rin at abala sa pagpapaputok ng baril nila. Nawala naman ang babae na siyang kasama namin kanina. Ibinalik naman ni Alexa ang ang mga baril na aming hiniram gayon na rin ang kahon na pinaglagyan nila ng bala kanina. Matapos nun ay nagpasalamat sila sa aming pagpunta sa kanilang lugar at lumabas na kami rito. Nagpahinga na muna ako dahil talagang nakakapagod ang pagpapaputok ng baril. Gamit ang aking lakas ay kailangan ko pigilan ang recoil na pinoproduce ng baril dahil sa lakas nito. Hindi lang ito kasing simple ng pagpapaputok ng mga laruang baril gaya ng nakikita sa mga bata nun. Matapos namin magpahinga ay bumili si Alexa sa malapit na tindahan ng maiinom at binilhan niya na rin ako. Mga disposable na lalagyan ginamit nila kaya nang maubos na namin ang inumin ay itinapon na lang namin ang basura sa malapit na basurahan tapos dumeretso na kami sa sasakyan para ipagpatuloy ang plano namin. Nabanggit naman na sa amin ni Lucio kung saan sila posibleng nagkukuta at ngayong gabi namin sila susugurin sa kanilang pinagtataguan para macaught off guard namin sila. Nabanggit din sa amin ni Lucio kung paano gumagana ang mga baril na ibinigay niya sa amin pati na rin ang mga modifications na kaniyang inilagay rito kaya nakampante na ako na alam ni Alexa ang kaniyang gagawin sa mga ito at ititiwala ko na lang sa aking mga narinig kanina kapag ako na ang gumamit nito. Pinaandar ni Alexa ang sasakyan at nagtuloy na kami sa country side ng bayang ito. Nasabi niya sa amin na namataan ng kaniyang mga source ang mga posibleng miyembro ng CRISIS sa nay tabing dagat na malapit sa Mayanil. Malapit ang lugar na ito sa Binyan at bago makarating sa mismong tabing dagat ay kailangan namin dumaan sa isang makapal na kagubatan. Sadly to say na maraming forest reserve sa bansang ito dahil sa isinulong ng international government tungkol sa pagkonserba sa inang kalikasan. Oo, may international government na namamahala sa buong mundo, Ito ay alliance ng iba’t ibang bansa kasama ang aming bansa noong may World War at nang matapos ito ay napagkasunduan ng mga gabinete na panatilihin ito para mapanatili ang kapayapaan at masigurado nila na hindi na muling mauulit ang malagim na digmaan noon. Halos ang bilis lumipas ng oras dahil kulay kahel na ang kalangitan dahil sa paglubog ng araw at maya maya ay madilim na ito na siya namang magpapahirap sa amin na magmaneho dahil walang mga light posts ang daan na ito. May senyales naman kaming nadaanan na pabagalin namin ang aming pagtakbo dahil prone sa aksidente ang lugar na ito at mukhang naiintindihan ko na ang kanilang ibig sabihin sa prone to accidents. Matapos ang ilang oras ng pagmamaneho ay nalampasan na namin ang mataong lugar ng bayan na ito at tirik na ang buwan sa kalangitan. Sa tulong ng aming mga headlights ay natanaw na namin ang silhouette ng kagubatan sa may kalayuan. Ang balak ni Alexa ay simula nang pagpasok sa kagubatan ay hindi na namin gagamitin ang sasakyan dahil mabilis lang kami mahahalata ng mga bantay na pumapalibot sa lugar at kailangan namin magbihis bago pasukin ang lugar. Hindi baguhan sa digmaan ang mga tao na aming kababanggain kaya kailangan ko maging alerto sa lahat ng oras. Kailangan din namin makahanap ng lugar na mapagtataguan ng sasakyan, para hind ito makita ng mga nagpapatrolya. Makalipas ang ilang sandali ay sa wakas narating na rin namin ang entrance ng kagubatan pero bago naman namin tuluyan itong marating ay iniatras ni Alexa ang sasakyan at pinaandar ito pabalik. Nagtaka naman ako sa kaniyang ginawa pero tiwala ako na may kinalaman ito sa pagtatago ng sasakyan at ang lugar na aming paghahandaan para sa papasukin naming giyera. Iniliko naman ni Alexa nang makita niya ang mga malalaking bato na siyang matatag na nakatayo sa gitna ng damuhan sa lugar na ito. Napakaganda nito tingnan lalo na’t nasaktuhan ito na matapatan ng sinag ng buwan. Namangha ako rito pero hindi ito ang panahon para magliwaliw ako. Enough naman ang kapal at laki ng bato para maitago ang aming sasakyan sa  harap ng kagubatan. Bumaba kami ni Alexa sa sasakyan at inilabas niya ang bag na punong puno ng mga baril na nakuha namin kay Lucio. Inilabas niya rin ang mga camouflage clothes na ginamit niya noong nasa serbisyo pa siya ng pagkasundalo. Mabuti na lang ay magkasing size kami ng katawan kaya hindi ko na pinroblema kung magkakasya ba sa akin ang damit. Pinanatili ni Alexa na bukas ang mga headlights para may magsilbing ilaw sa amin habang kami ay naghahanda. Una niyang inilabas ang isang sniper rifle at talagang napakahaba at malaki ito. Tsaka ang mga parte na tinatawag niyang silencer at flash hider na sapat sa lahat ng baril na nilalaman ng bag, para mahirap kaming mahanap ng mga kalaban sa gitna ng dilim. Inilabas niya rin ang mga night vision googles na siyang gagamitin namin para makagalaw ng ayos sa loob ng madilim na kagubatan. Iniabot niya sa akin ang isa pero hindi ko ito ginalaw dahil abala ako sa pagpapalit sa camouflage clothes na kaniyang inilabas kanina. Ganun na rin ang aking mga sapatos, pinalitan ko ito ng bota na aming binili kanina sa aming nadaanan na tindahan ng mga sapatos kanina. Sigurado naman si Alexa na hindi masiyadong gumagawa ng ingay ang kaniyang napili kaya tiwala na ako na ganung nga ang mangyayari. Matapos maihanda ni Alexa ang lahat ng baril ay inilabas niya naman ang parang belt na siyang pagsasabitan namin ng mga malalaking baril sa aming likuran. May siksikan naman na ng mga pistol sa aking suot at may isang pouch ako na isinuot para paglagyan ng mga magazin ng baril para kapag naubusan ako ng bala ay mabilis akong makakapagpalit sa gitna ng labanan. Pero hindi naman ito makakaabala sa aking pagkilos maliban sa mga baril na isasabit ko sa aking likuran. May ilang granada naman na mahigpit na ipinagbilin sa akin ni Alexa na siyang gagamitin lang namin kapag naipit na kami sa isang masikip na sitwasyon na ang buhay na namin ang kapalit. Makalipas ang kalahating oras ng paghahanda ay isinabit ko na ang malaking dagger sa gilid ng aking braso para madali ko itong makuha kapag kakailanganin ko. Unang phase, ay long range kills. Ang plano namin ni Alexa ay patayin ang lahat ng nagpapatrolya sa kagubatan gamit ang aming mga sniper para hindi na makapaghanda pa ang mga nasa base nila. Isinuot ko ang night vision googles ko at nagliwanag naman ang buong paligid ngunit kulay berde lahat ang aking nakikita medyo nakakasilaw rin ang mga ilaw sa headlights.  Kaya hinubad ko muna ito tapos isinuot ko nalang ulit nang mapatay na ni Alexa ang mga headlights sa sasakyan. “Remember Emma, we must be silent as possible,” pagpapaalala niya sa akin at tumango naman ako sa kaniya bilang pag sang ayon sa kaniyang sinabi. Matapos nun ay nagsimula na kaming maglakad papasok  sa kagubatan. Dahil sa night vision googles na ito ang kaninang napakadilim na kagubatan na halos wala kaming makita ay naging maliwanag, na siya namang nagpagalaw sa amin ng napakadali sa lugar na ito. Agad na ibinaba ni Alexa ang isa niyang kamay para mapigilan ako sa aking paggalaw. “Dapa,” bulong niya at dahan dahan naman kaming dumapa. Matapos ang ilang sandali ay narinig ko ang paggalaw ng mga d**o. May mga taong paparating sa aming direksyon pero hindi nila kami makikita dito sa aming pinagtataguan. “Iisa lang siya, ako na ang bahala just stay here,” muling bulong ni Alexa sa akin at tumango na lang ulit ako sa kaniya bilang pagsang ayon sa kaniyang sinabi. Pinanood ko siyang ilapag ang hawak na sniper at hinugot ang kaniyang dagger sa may braso niya. Nang makalampas sa amin ang lalaking nagpapatrolya na may flashlight sa ulo pero hindi ganun kalakas ang ilaw para kami ay masilaw gamit ang aming night vision googles. Nang makarating siya sa likuran nito ay kaagad niyang tinakpan ang bibig nito at hinila para mawalan ng balanse upang hindi maiputok ang hawak niyang baril. Sa isang iglap ay kaagad niyang itinarak ang kutsilyo sa leege nito na siya namang umagos ang dugo na nagdahilan sa onti onti na pagkawala ng kaniyang buhay. This is good, smooth ang takbo ng aming plano. Ipinahid ni Alexa ang kaniyang kutsilyo sa damit ng kaniyang kawawang biktima para linisin ito. Siguradong kawawa talaga ang mga magiging kalaban ngayon ni Juna dahil sa dilim ang kaniyang arena at nasa amin ang advantage ngayon. Inilibot ko ang aking mata at namataan ko ang isa pang lalaki na papunta sa aming direksyon at naroon pa si Alexa abala sa pagkapkap sa katawan ng lalaking pinatay niya. Kahit wala ang kaniyang pahintulot ang itinutok ko sa lalaki ang aking sniper sa kaniyang ulo at nang naging maayos na ang aking isipan ay kinalabit ko ang trigger. Dahil sa silencer ay napakahina ang ginawa nitong tunog at nakita ko sa night vision scope ang pagtumba ng kaniyang katawan. “Good job,” wika ni Juna nang mapansin niya ang pagpapaputok ko ng baril. Here we come! To be continued... -Into The Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD