Emma’s Point of View “Bakit ang dami naman niyan?” takang tanong ko sa kaniya, tinutukoy ang mga baril na kinuha namin kay Lucio kanina. Hindi naman niya ako pinansin at inuna niya ang pagpasok ng bag na naglalaman ng mga baril na aming gagamitin. Matapos niya itong mailagay ng maayos sa loob ng sasakyan ay doon niya lang ako tiningnan at binigyan ako ng nagtatakang tingin. “Hindi tayo sigurado Emma sa mga parating na panganib sa gagawin natin at tandaan mo na ikaw ang nakaisip nito and knowing you, hindi mo pa alam ang lagim na kaya nilang paulanin sa ating pagdating kapag nalaman nila,” seryosong wika niya at mukhang pinag-iisipan niya talaga ang mga mangyayari sa plano naming ito. Nakaramdam naman ako ng pagkahiya dahil ako pa ang may lakas ng loob para magreklamo sa kaniya. Nanahimik

