Emma’s Point of View Nagpalipas kami ng gabi sa isang hotel na malayo sa sentro ng Mayanil dahil dito ang spekulasyon ni Alexa na pinagtataguan ng CRISIS. Dumaan lang ang kahapon ng parang normal na araw, pinag usap usapan lang sa balita ang pangyayari at naging paulit ulit na ito. Parami pa rin ng parami ang mga naging apektado ng hindi kilalang sakit at pinangalanan na ito ng mga doktor bilang UDV-24. Naging busy na ang mga hospital na aking sinilip kahapon. Hindi na ako nakapasok dahil sa sobrang puno ng tao at lalong lalo na ang mga emergency room dahil sa mga naaksidente sa mga biglaang pagkahimatay. Tinapos ko naman ang almusal na aming inorder sa isang food chain. Matapos nito ay inihanda ko ang aking sarili upang maligo na sa aming pag alis ngayon patungo sa sinasabi ni Alexa na

