Emma’s Point of View “Tara na,” aya sa akin ni Alexa nang makasakay na siya sa sasakyan dahil siya ang magmamaneho sa amin ngayon. Nagbayad na muna ako sa lobby, para sa isang gabi na aming panunuluyan sa hotel na ito. Pagkatapos ay lumabas na ako sa hotel at dumeretso nang sumakay sasakyan. Tiningnan ako ni Alexa baggo niya ipinasok ang susi sa keyhole at pinihit ito para paandarin ang makina. Tinapakan niya ang pedal ng sasakyan kaya kami ay umabante na. Maganda ang model ng sasakyang ito, may makabagong teknolohiya at kulay itim ang kulay. Masiyado naman atang agaw pansin. Pinatay ko ang aircon at binuksan ang bintana para makalanghap ng hangin. Binuksan ko ang radyo para makasagap ng mga bagong balita na nangyayari sa bansa ngayon. Nung una ay bumungad sa amin ang isang musika ng isan

