{51} Misyon

1764 Words
Emma’s Point of View “Sigurado po ba kayo na hindi na kayo pupunta ng hospital ma’am?” tanong ng nurse na gumamot sa aking sugat. Umiling naman ako sa kaniya bilang pagtanggi ko sa pagpunta sa hospital. Hindi na siya muling nagtanong sa akin at tahimik na lang niya akong ginamot. Matapos niya akong gamutin ay umalis na ako sa ambulansya upang mabigyan naman ng pagkakataon ang iba na magamot. Ang ibang ambulansya naman ay umalis na upang ihatid ang mga taong lubhang nasaktan sa insidente. Matapos makarating ang mga bumbero sa pangyayari ay mayroon silang nailigtas na natrap sa loob at nakakalungkot man sabihin ay hindi maiiwasang mayroong mamatay. Marami ang nawalan ng mahal sa buhay at kita ko ang pighati sa kanilang mukha at hindi iyon kinaya ng aking puso. Kaya mas maganda kung makakaalis kaagad ako sa lugar na ito para maiwasan ko na rin ang makita sila. Hinintay ko naman ang babae at baka siya na nga ang ina ng bata na kaniyang hinanahanap. Pumunta kami sa lugar kung saan iniwan ko ang bata at ang guwardiya habang si Alexa naman ay naiwan sa may ambulansya at ginagamot ang kaniyang sugat. Kumpara sa akin ay mas malala ang kaniyang natamo kaya natagalan siya. Sobrang natakot ako sa nangyari kanina, akala ko talaga ay may mamatay na taong malapit sa aking puso sa mismong harapan ko. Laking pasalamat ko sa Diyos dahil siya ay nakaligtas sa pangyayaring iyon. Hindi ko lubos maisip kung ano ang mangyayari kung talagang nabagsakan siya ng bato. Pero mabuti na lang ay hindi. Narating namin ang pinto kung saan nagbabantay ang guwardiyang pinag iwanan ko sa bata. Kumatok ako rito at naghintay na lumabas si manong guard kasama ang bata. Narinig ko naman ang mga yabag ng kanilang paa kaya naghintay pa ako ng ilang sandali. “ANAK!” sigaw ng babae kong kasama nang makita ang bata at kaagad niya itong niyakap. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil siya nga ang ina ng batang ito. “MAMA!” sigaw ng bata pabalik at gumanti rin siya ng yakap. Malakas ang kanilang naging iyakan at nakangiti lang ang guwardiya habang pinapanood ang muling pagkikita ng mag ina. Katulad ko ay masaya rin ang kaniyang puso sa nangyayari. Tumingin naman siya sa akin at hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Inexpect niya talaga na hindi ko matutupad ang aking pangako at nakabalik ako rito kasama ang kaniyang ina na puno ng sugat. Ngumiti naman ako sa kanila at tinalikuran silang tatlo para balikan si Alexa na naiwan sa labas ng ambulansya. “MARAMING SALAMAT PO ATE!” sigaw ng bata ng makalayo na ako sa kanila. Muli ko naman silang nilingon na may luhang naiipon sa aking mga mata at sa huling pagkakataon ay ngumiti ako sa kanilang tatlo at kumaway saka ko sila muling tinalikuran para ipagpatuloy ang aking pagpunta kay Alexa. Nang marating ko ang labas ay marami pa rin ang tao na ginagamot at ang mga bumbero ay onti-onti nang naapula ang apoy. Ang puting usok naman ay nagiging manipis na pero hindi ito humihina at ang aking suspetya ay mayroong device sa loob na siyang naglalabas nito at hindi nasira ng apoy. “Alexa,” tawag ko sa kaniya nang makita ko siyang nakaupo sa may isang gilid habang nakahilamos ang kaniyang parehong kamay sa mukha niya. “Bakit, anong problema?” tanong ko sa kaniya at mukhang kailangan niya ng karamay sa pagkakataong ito at narito naman ako para sa kaniya upang damayan siya sa kaniyang pinoproblema ngayon dahil nariyan siya nung kinailangan ko ang kaniyang tulong despite sa aming hindi pagkakaintindihan nung mga panahong iyon at malaking utang na loob ko iyon sa kaniya. “Ako ang problema,” mahinang sagot niya sa akin at narinig ko naman iyon. “Bakit?” tanong ko sa kaniya. “Hindi mo ba nakita? Pinalala ko lang ang sitwasyon,” malungkot na saad niya at pinahinaan ko naman ang kaniyang boses dahil baka isipin ng mga tao rito ngayon ay kami ang may kagagawan nitong lahat. “Walang may gusto nito Alexa,” wika ko sa kaniya. “Pare pareho nating hindi inasahan ang mga pangyayaring ito, kaya walang may kasalanan dito sa atin ngayon bukod sa mga CRISIS na nagtanim ng bombang iyon sa loob ng hotel,” mahinang saad ko para hindi na rin kami makakuha ng hindi inaasahang atensyon sa mga madla na nakapalibot sa amin ngayon. Bigla niya akong niyakap at umiyak siya sa akin kaya ginantihan ko naman siya ng yakap para iparamdam sa kaniya na hindi siya nag iisa. Hinayaan ko na ilabas niya lang ang kaniyang nararamdaman para gumaan naman ang mabigat niyang dalahin. Alam ko ang pakiramdam na iyan kaya naiintindihan ko siya. Nang matapos siyang umiyak ay pumunta kami sa isang kanto para pumara ng taxi dahil nadamay ang aming sasakyan dahil nasa ilalalim lang ng hotel ang sunog at nag collapse ang kisame nito kaya kawawa ang mga may ari ng sasakyang nadurog. Marami ang nasira ang buhay sa pagkakataong ito. Tahimik kaming naglakad sa kanto at mabuti na lang ay naisalba pa namin ang aming smart phone para mapanatili ang aming kontak kina Juna at Alex at ang aming pera na siyang gagamitin namin para sa panggastos. Nang marating namin ang kanto ay pumara na kami ng taxi at hindi naman kami natagalan maghintay dahil may tumigil kaagad sa aming harapan at kaagad naman kaming sumakay rito. “Kuya sa pinakamalapit pong hotel,” wika ko sa driver ng taxi at tumango naman siya sa akin at sinimulan niya nang magmaneho ng kotse. Napansin niya naman ang aming mga sugat at nakipagkwentuhan siya sa amin kung kami ba ay isa sa mga biktima sa pagsabog malaki at kilalang hotel dito sa Mayanil. Tinanong niya rin sa akin kung bakit iyon nangyari at sinagot ko naman siya nang hindi ko alam ang mga nangyari at namalayan ko na lang na may nasusunod. Hindi naman ako sinasaktan ng aking konsensya ngayon na magsinungaling sa kaniya para maprotektahan ang nararamdaman ng nalulungkot kong kaibigan ngayon. Matapos ang ilang minuto ng kaniyang pagmamaneho ay tumigil naman siya sa isang hotel at hindi naman ganun kalakihan ang building pero pwede na at mukhang maayos naman ang kanilang serbisyo. Tahimik kaming pumasok ni Alexa sa loob at nagpa book ng kwarto para doon magpalipas ng gabi. Tumawag naman ako kela Juna at Alexa upang ipaalam ang nangyari at kagaya ng normal na reaksyon nila ay labis silang nag alala sa aming dalawa at tinanong kung maayos lang ba ang aming kalagayan. Kinwento ko sa kanila ang lahat’ lahat habang si Alexa naman ay mahimbing nang natutulog sa kama. Ako naman ay sa sofa matutulog para mabigyan siya ng espasyo para makapag isip isip. Ibinaba ko na ang telepono at sinabi sa akin ni Juna na may ipapadala siyang sasakyan bukas sa aming kinaroroonan para magamit namin sa aming byahe papunta sa aming bayan sa Binyan, para ipagpatuloy ang aming imbestigasyon sa sakit. Hindi namin inaasahan na ganito talaga ang mangyayari sa aming paglalakbay pero nangyari na ang nangyari at wala kaming magagawa para ibalik ang oras sa nakaraan. Pumasok ako sa kwarto na aming nirentahan at pumasok ako sa comfort room para maligo at magpalamig. Nang matapos na akong maligo ay nagbihis ako at dumeretso na sa sofa para palipasin ang gabi. .               .               . Iminulat ko ang aking mga mata dahil sa katok na nanggagaling sa pintuan binuksan ko naman ang bintana para papasukin ang liwanag at hangin sa madilim na kwartong ito. Pumunta naman ako sa may pintuan para tingnan kung sino ang kumakatok doon at nakita ko naman ang isang lalaking may dalang tray ng pagkain at sinabi niya sa amin na may libreng almusal ang mga tao rito tuwing umaga at dito sila kilala. Ibinigay niya sa akin ang dalawang plato at dalawang baso kasama ang kutsara’t tinidor sa isang tray. Nagpasalamat naman ako sa kaniya at dumeretso na siya sa kaniyang trabaho. Dumeretso ako sa lamesa sa gitna ng kwartong ito na katabi ng sofa na aking tinulogan at inilapag ito rito. Nagising naman sila Alexa at nagkusot muna ito ng kaniyang mata bago nag inat inat ng kaniyang braso. Inayos niya ang kaniyang higaan bago tumayo at umupo sa sofa para ako ay tabihan nanatili kaming tahimik at wala ni isa man sa amin ang nagtangka para basagin ito. Kaya napagdesisyunan ko naman na kunin ang remote para buksan ang TV na nakalagay dito upang maentertain naman kami at masira itong gloomy atmosphere na bumabalot sa paligid ngayon. Inilagay ko ito sa isang channel kung saan magaganda ang pelikula na kanilang ipinapalabas. Ginalaw ko naman ang tray at iniayos ito sa lamesa para paghiwalayin ang pagkain naming dalawa. Humigop naman ako sa baso na kanilang binigay. Isa itong medyo matamis na brown coffee at masarap ang pagiging creamy nito. Tiningnan ko naman ang platong naglalaman ng Sinangag, longganisa at sunny side up na itlog. Marami ang pagkakaportion nito kaya sapat na ito para mabusog kami ngayong umaga. Tahimik kaming kumain ng aming almusal habang nanonood ng pelikula sa telebisyong ito. Pagkatapos kumain ay inilapag ko ang aking plato sa lamesa at ipinatong rito ang baso na aking pinag inuman upang hindi na mahirapan ang maglilinis dito sa aming kwarto ngayon. Masarap ang timpla sa longganisa nila at sinangag kaya satisfied na ako sa kanilang serbisyo. Dumeretso ako sa comfort room para maghilamos at sigurado naman ako na nakarating na ang sasakyan na sinabi ni Juna dahil naipadala na kasama ng pagkain ang susi at naimessage na rin sa akin ang litrato at plaka ng sasakyan para madali namin itong mahanap. Habang ako ay naghihilamos ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at huminga ng malalim. Ipinaalala ko sa aking sarili kung bakit ako lumalaban. Lumalaban ako para sa aking sarili at sa aking pamilya. Aayusin ko ang lahat ng maling nangyayari ngayon at hindi ako papayag na hindi ko ito mapagtatagumpayan. May pag asa pa. Hindi ako mawawalan ng pag asa. Pagkatapos ko maghilamos ay lumabas na ako sa comfort room kung saan naman nag aabang si Alexa sa akin lumabas. Pumasok siya nang makalabas na ako at dumeretso naman ako sa sofa para magpahinga hinga muna. Hindi namin inaasahan ang nangyari at ngayon ang morale ni Alexa ay bumaba dahil doon at hindi maganda ito para sa aming dalawa. Kaya bibigyan ko muna siya ng marami pang oras para makarecover para hindi ito makasagabal sa aming gagawing misyon. To be continued...           -Into the Apocalypse-  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD