Emma’s Point of View Sa wakas! Narating ko rin ang labas tumakbo naman ako nang makalabas na ako dahil kakalat ang usok na ito at nang makuntento na ako sa layo ay ibinaba ko naman ang bata na kahit papapaano ay kumakalma na rin. Nilibot ko ang aking mata para hanapin si Alexa pero hindi ko siya makita. "Alexa!" sigaw ko at umaasang reresponde siya sa aking tawag. Ngunit walang tumugon. Bumigat ang aking pakiramdam sa takot na naiwan siya sa loob. Nasaan ka na Alexa? Where? Ibinaba ko ang bata na aking karga karga at muli ko siyang hinarap. Nagpapahid siya ng kaniyang luha at hinimas himas ko naman ang kaniyang buhok para mapaalo siya. “Don’t worry I will find your mama for you, kaya tanan na okay?” pagpapanatag ko naman sa umiiyak na bata. Tumingin siya sa akin gamit ang kaniyang mga na

