{41} Bad Memories

1012 Words
Emma’s Point of View Pinapanood ko ngayon ang dalawang magkapatid na ngayon ay nasa dagat habang narito naman ako sa mga upuan sa ilalim ng malaking payong na itinayo nila Juna kanina. Si Alexa naman ay parang bata na masayang masaya na naliligo sa tubig samantalang ang kuya niya naman ay nakalubog lamang sa may medyo malalim na parte. Pinagmasdan ko sila at hinayaan ko na muna ang aking sarili na mamahinga dito sa upuan. Hindi masamang ideya ang naisip ni Alex. Epektibo dahil kahit papaano ay nakakatulong ito na mawala sa aking isipan ang mga bagay na hindi ko dapat isipin. Masiyado ata akong nagagambala sa ginawa ko kila mom and dad. Sabihin na nila na wala akong respeto sa kanila kung wala rin silang respeto, hindi lang sa akin kundi sa buhay din ng tao. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sagutin sila dahil sumosobra na sila at sa pagkakataong ito ay may lakas na ako ng loob para gawin iyon. Sa totoo lang ay nagulat din ako sa aking sarili na nagawa ko iyon. Sobra. Kahit sila ay nagulat din sa aking ginawa at kung nakita lang nila ang kanilang itsura sa pagkakataon na iyon dahil hindi nila inaasahan iyon. Ang nasabi na lang ni dad nun ay lumayas ako. Sa totoo lang pabor na pabor sa akin yung at pinamukha ko pa sa kanila kaya lalo silang nag init sa galit. Kada maalala ko ang mga huling sandali ng pagkikita namin ng aking mga magulang ay binibiyak ang aking puso, dahil may parte pa rito na nagsasabing kailangan ko bumalik sa kanila. Kasi mahal ko naman talaga sila. Sila pa rin ang nagbigay buhay sa akin sa mundong ito at hindi ko mababago ang katotohanan na iyon. Ngunit nagagalit pa rin ako sa akin sarili nang maalala ko ang mga pagkakataon na iyon, sugatan si Juna at hinang hina na. Akala namin ay makakatakas na kami ng buhay sa underground base na iyon. Punong puno ng sugat si Juna noon at talagang masasabi ko na nasa bingit na talaga siya ng kamatayan. That false hope I felt that time, irritates me. Akala ko ay iyon na ang daan para makatakas ngunit nakita lang namin ang isang grupo ng kalalakihan na nakatutok ang mga baril sa amin. Gulat na gulat ako nung mga pagkakataon na iyon at wala na kaming ibang nagawa kundi sumuko na lang dahil kahit si Juna ay nawalan na ng pag asa. Isa rin ito sa mga gumugulo sa aking isipan, dahil kapag naalala ko ang mga sandaling ito kung saan nagsimula ang lahat ng problemang ito ay hindi ko mapigilan ang sisihin ang aking sarili sa mga pangyayari. Kasalanan ko talaga lahat. Kung nakinig lang ako sa kaniya. Kung nakinig lang ako. Hindi sana mangyayari ang lahat na ito. Yung pagkakataon na pinalaya nila ako ngunit si Juna ay maiiwan siya sa kulungan na hindi man lang nalulunasan ang tama niya sa katawan. Marami nang dugo ang nawala sa kaniya at talagang kritikal na ang kaniyang kondisyon. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kalaki ang naramdaman kong galit kay Anthony nun. Dahil doon ay nagpalitan kami ng insulto at akala ko ay mananalo na siya sa palitan na iyon ngunit natameme ako nang ipinamukha niya sa akin na pumatay ako ng tao. Wala na akong nasabi nung mga panahon na iyon dahil sa totoo lang ay unang beses kong pumatay ng tao ng mga pagkakataon na iyon. Lalo na nung sinabi niya na may pamilya sila na pinapakain, nanigas ang bawat laman sa aking katawan. May argumento akong maibabato sa kaniya sa totoo lang dahil isa rin siyang hipokrito gaya nang tinawag niya sa akin that time. Pero aaminin ko na natalo niya ako. Hindi ko mapigilan ang maluha sa tuwing maalala ko ang mga pagkakataong iyon. Ang makita si Juna na maiwang magisa sa kulungan. Natuliro ako. Hindi ko alam ang aking gagawin. Nag- alala ako sa kaniya. Hindi ako sigurado kung ano ang binabalak ng kapatid ko. Bakit pa ba kasi ako nasumpa? Masiyado na akong naghirap para maranasan ang lahat ng ito. Nahihiya ako kay Alex. Nahihiya ako sa kaniya. Napaka kapal ng mukha ko para mag request sa kaniya na dungisan ang kaniyang mga kamay ng ganun ganun lang. Ang lakas pa ng aking loob para magalit sa kaniya. Alam kong nabubulag lang ako ng galit dahil sa mga pangyayari, pero hindi pa rin tama ang aking ginawang iyon. At nung binalikan namin si Juna at patakas na kami sa kanilan base ay naalala ko nanaman ang katangahan ko kahit paulit ulit na akong sinasabihan ni Juna at Alexa na maging alerto, ay nagawa ko pa rin na hindi magawa iyon. Isang pagkakamali na siyang malaki ang naging epekto, kung naging mas masuri lamang ako sa pagkakataon na iyon hindi ko na sana pinagsisisihan ito ngayon. Maswerte na lang ako dahil walang namatay sa amin dahil kung meron man hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa aking sarili. Nakakapangsisi sa totoo lang kahit umayon sa amin ang dulo, pero ano nga ba ang aking magagawa kung tapos na? Yan ang aking panibagong pagkakamali na aking ginawa. Masiyado nanaman akong nagpadala sa aking mga emosyon at hindi man lang sila kinonsulta. Mabuti na lang ay naroon si Alex, sinundan niya kami. Kahit ganun ang aking kinilos, ang aking trato sa kaniya ay nag alala pa rin siya sa akin at kung hindi dahil sa kaniya ay siguro patay na kami ngayon nila Juna sa mga malalaking lalaking iyon. Speaking of it. Ano ang mga iyon? Tatanungin ko na lang siguro sila kapag may pagkakataon na. Hindi lang talaga ngayon. Mabuti na lang talaga ay kinausap ako ni Alex kagabi, talagang nakatulong sa akin iyon para mailabas ang aking mga emosyon na naipon sa puso ko. Hindi ko man nasabi ang lahat sa kaniya, ay at least open ako sa kanila tungkol sa aking pakiramdam. Malaki talaga ang aking pasasalamat na magkaroon ng mga kaibigan na katulad to replace these bad memories. To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD