{42} Dedikasyon

1839 Words
Third Person’s Point of View Nakahanda ang mga pagkain sa lamesa at masayang masaya ang pamilya Manalo sa kanilang selebrasyon sa pag galing ng kanilang ina at lola naman para sa kanilang mga anak. Sila ang mga grupo ng mga sumasalungat sa gobyerno. May dalawa silang grupo ang non-offensive sector at offensive sector. Trabaho ng mga nasa non-offensive sector ang sumulat ng mga artikulo at magpakalat ng mga impormasyon ukol sa maduduming gawain ng gobyerno para mamulat ang mata ng taumbayan. Binubuo ito ng mga tao na takot harapin ang kamatayan sa pamamagitan ng pakikipaglaban pero malaki ang pagmamalasakit sa bansa. Kadalasan ay hinahunting sila ng mga tauhan ng mga opisyales na nasisira ang imahe sa publiko pero sila ay nakatago ang mga pagkakakilanlan at pinoprotektahan ng mga nasa offensive sector. Ang mga nasa offensive sector naman ang mga taong iniwan ang kanilang normal na pamumuhay at mas piniling magtago sa mga anino ng kabundukan at siyudad. Madalas sila ay nakikilala kaagad ng mga kapulisan pero mahirap silang hanapin dahil palipat lipat sila ng lugar, at ang mga tao na siyang nakikipaglaban sa gobyerno gamit ang kanilang mga baril at dahas. Kinatatakutan sila ng mga tao dahil sa gitna ng mga bakbakan ay nadadamay ang mga normal na tao. Naghahanda ngayon ng mga pagkain sa lamesa si Mary ang kanilang ina, at kinakausap naman ni Jose ang mga bisita na kasama nila sa samahan. Ang nag-iisang anak naman nila na si MJ ay abala sa pag aayos ng mga gagamitin sa kainan mamaya. Ang puno’t dulo naman ng selebrasyon ay abala rin sa pag kausap sa ibang mga bisita. “Ginoong Jose,” tawag sa kaniya ng isang lalaki ng may dala dalang plato na puno ng pagkain sa kaniyang kanang kamay at inumin sa kaliwang kamay. “Naparami ang handa niyo ngayon ah,” komento niya sa preparasyon ng pamilya sa selebrasyong ito. Tinapunan naman siya ni Jose ng isang malawak na ngiti at ganun din ang ginawa niya. Ipinatong niya sa malapit na lamesa ang mga dala dala saka lumapit kay Jose. “Malaking selebrasyon ito para kay mama kaya pakabusog ka lang,” tugon naman ni Jose sa kaniyang bisita. Lalo namang lumapit ang lalaki sa kaniya at kumportable naman siya rito dahil kasamahan niya naman ito sa kanilang samahan. Lumingon lingon ito sa paligid para siguraduhin walang tao ang malapit sa kanila dahil hindi naman lahat ng bisita ngayon ay alam ang tungkol sa kanilang samahan. “Alam mo na ba ang binabanggit sa balita at ang utos ng puno,” bulong nito sa kaniya at nagseryoso naman ng ekspresyon si Jose. Kaagad niyang hinawakan ang braso nito at hinila patungo sa isang tagong kwarto sa kanilang pamamahay kung saan malayo ito sa pinagdadausan ng selebrasyon. Nang marating nila ang kwarto ay kaagad niyang isinara ang pinto at nilock ito. “Wala akong naririnig mula sa ating mga kasamahan na may bagong utos ang puno sa atin,” wika niya. “Ayaw kang gambalain ni Puno dahil sinabi ni Ginoong Mike na abala ka sa paghahanda sa selebrasyon para sa paggaling ng iyong ina,” paliwanag niya. “Naiintindihan ko,” wika naman ni Jose. “Pakipaliwanag naman sa akin ang lahat ng iyong nalalaman Ginoong Juan,” pakiusap niya kay Juan. “Kung nakita mo naman sa balita ang tungkol sa sunod sunod na pagkamatay at aksidente sa pamayanan ngayon ay hindi ka na magtataka kung saan ito hahantong,” pahiwatig ni Juan kay Jose. “CRISIS?” hula niya. Ang CRISIS ang isang grupo na katulad ng offensive sector ng kanilang samahan. Mga teroristang tumutuligsa at sumasalungat sa gobyerno pero ang grupong ito ay gagawin ang lahat maisakatuparan lamang ang kanilang mga plano at handa silang pumatay ng mga ordinaryong tao para lamang manalo sila. “Oo, sa ngayon ay ipauubaya muna natin sa mga manunulat ang trabaho sa gobyerno at tayo namang mga mandirigma ay naatasan na tuligsain ang grupong iyon para mapigilan sa kanilang mga binabalak,” paliwanag ni Juan. “Walang ginagawang aksyon ang gobyerno ukol rito kaya ang puno na ang gumawa ng paraan, at sa kaniyang spekulasyon naman ay isa itong uri ng kemikal na pinapakawalan nila sa hangin dahil ang mga eksperto mismo ay walang kaideya ideya kung ano ang dahilan ng pagkamatay,” dagdag pa niya. “Ang mga ating pamilya,” bulong ni Jose. “Alam ko Ginoong Jose pero sa ngayon ay lubusin muna natin ang kasiyahan,” ani ni Juan at matamlay na tiningnan naman ito ni Jose. “Sige Ginoong Juan, tara at tayo nang bumalik baka hinahanap na ako ng aking asawa,” wika niya pabalik. Kaagad naman nilang nilisan ang kwartong iyon at binulabog naman ng kaniyang mga nalaman ang kaniyang utak. Kasama sa mga manunulat si Mary at ang kaniyang ina naman ay dating parte ng mga mandirigma. Nakita niya nga ang mga balita tungkol sa sinabi ni Juan sa kaniya pero wala pang kasiguraduhan kung ano ang puno’t dulo ng mga pangyayari. Inisip niya rin na masiyadong advance kumilos ang kanilang puno, at sa pagkakataong ito ay mangangapa lang sila sa dilim dahil wala pa silang impormasyon kung ang CRISIS nga talaga ang may pakana nito. Nalungkot siya dahil matagal nanaman siyang mapapalayo sa kaniyang pamilya dahil kapag may mga ganitong malalaking operasyon sila ay namamahayan muna sila sa mga kabundukan para magplano. Nang hindi sila makilala at masugod ng mga kalaban basta basta. Sigurado si Jose na tatlong araw mula ngayon ay lilisanin niya na muna ang bahay ng walang kasiguraduhan kung makakauwi pa ba siya ng buhay muli. “Oh andiyan ka pala,” pansin sa kaniya ng isa sa kaniyang mga kasamahan na abala sa pakikipagkwentuha sa iba pa nilang kasamahan. “Alam mo na ba?” tanong nito sa kaniya at tanging tango lang ang binigay sa kaniya ni Jose. Nilampasan ni Jose ang mga ito para tunguhin ang kaniyang pamilya. Kakausapin niya muna ang kaniyang asawa bago tipunin ang pamilya. Nang marating niya ang kusina kung saan abala ang kaniyang asawa na si Mary sa mga pagkain ay kaagad niya itong niyakap habang nakatalikod ito sa kaniya. Nagulat naman sa kaniyang ginawa si Mary. “Nakakagulat ka naman,” natatawang komento ni Mary sa kaniya. “Mamaya ka na manglambing kita mo naman marami pa ako ginagawa rito,” ani ni Mary sa kaniya pero hindi bumitaw si Jose sa kaniyang pagkakayakap. “May problema nanaman ba?” spekulasyon ng kaniyang  asawa at matamlay namang tumango si Jose. “Ano nanaman iyon?” tanong niya. “May malaking operasyon nanaman ang samahan,” wika niya at napatigil naman sa kaniyang ginagawa si Mary. “Aalis ka nanaman?” tanong ni Mary sa kaniya na tila ay hindi pa ito nasanay sa gawain ng kaniyang asaw bilang miyembro sa kabilang grupo. “Matatagalan ako ngayon mawawalay sa inyo,” matamlay na pagkakasabi pa ni Jose. Nilisan naman ni Mary ang kaniyang pagkakakulong sa yakap ni Jose at hinarap siya. “Alam mo naman hindi na bata ang ating anak,” pahiwatig niya. “Oo alam ko,” sang-ayon ni Jose. “Tsaka sinabi ko sa’yo matagal na, umalis ka na sa grupo ng mga mandirigma,” paalala pa ni Mary sa kaniya. Matagal na nilang napag usapan ang tungkol sa bagay na ito dahil meron na siyang pamilya at anak. Dagdag rason para ingatan ang kaniyang buhay. Hindi magiging maganda ang kaniyang pag panaw kung sakaling mangyari ito dahil may anak na siyang maiiwan kung may mangyayari man at hindi payag si Mary na lumaki ang kaniyang anak na walang ama. “Alam mo namang hindi pwede,” mahinang wika ni Jose sa kaniyang asawa. Inalis ni Mary ang kaniyang tingin sa kaniya at inilipat ito sa sahig. “Jose, nagmamakaawa ako,” malungkot na saad ni Mary. “Hindi ko alam ang aking gagawin kung may mangyayari sa iyo,” dagdag pa niya. Naiintindihan naman ito ni Jose kaya labis din siyang nalungkot sa naging aksyon ng kaniyang asawa. “Paano na ang bayan natin?” tanong ni Jose. “Maraming paraan para ipaglaban ang ating bayan, hindi lang iyan nadadaan sa dahas,” pahiwatig naman ni Mary sa kaniyang asawa. Matagal niya na itong hinihikayat na salihan silang mga manunulat para iwanan ang mga mandirigma para sa bayan. Masiyado na kasing delikado ang sitwasyon ngayon. “Alam mo namang hindi ako matalino,” nahihiyang wika ni Jose at hinawakan naman ni Mary ang pisngi ng kaniyang asawa at itinutok agng kaniyang mga mata patungo sa kaniya. “Tutulungan kita,” malambing na pagkakasabi naman ni Mary sa kaniyang asawa at si Jose naman ay inilapat ang kaniyang mga labi sa labi ng kaniyang asawa. Napunta ito sa malalim na halikan hanggang sa sila ay makuntento na. “Baka mamaya ay makita pa tayo ng sinuman rito,” pigil niya sa kaniyang asawa na gusto pang ipagpatuloy, at naging malungkot naman ang naging reaksyon niya dahil sa pagkakatigil. “Susubukan kong kausapin ang puno,” wika ni Jose na ikinatuwa naman ni Mary. “Pangako?” tanong niya. “Nangangako ako,” kumpirma naman ni Jose at nagyakap ang dalawa. “Sa ngayon ay ikaw na muna ang bahala sa kanila at susubukan kong lumipat sa pagiging manunulat para maging tahimik na ang ating buhay,” wika ni Jose. “Mabuti naman kung ganun,” nakahinga ng maluwag si Mary ng marinig niya ang mga salitang ito sa kaniyang asawa. “Abalahin mo muna ang mga bisita, habang inaabala ko ang aking sarili dito sa mga pagkain,” suhestyon ni Mary sa kaniya. “Magkita na lang ulit tayo mamaya,” sang-ayon ni Jose sa suhestyon ng kaniyang asawa at naglakad ito pabalik. “Sa kwarto,” pahabol pa ni Jose na ikinatawa naman ng kaniyang asawa. “Sige,” tipid na tugon ni Mary bago ibinalik ang atensyon sa mga pagkain. Panghahawakan ni Jose ang kaniyang pangako sa asawa at susubukan niyang kausapin ang kanilang puno sa binabalak na paglipat. Masiyado na siyang naawa sa asawa dahil sa takot na kaniyang ibinibigay. Napagdesisyunan niya na ito na ang kaniyang magiging huling misyon bago lisanin ang mga mandirigma. Marami mang ala ala ang nabuo sa grupong iyon pero kailangan niyang gawin alang alang sa kaniyang pamilya. Hindi mawawalan ng ama si MJ ayan ang kaniyang ipinangako sa kaniyang sarili, pero hindi magiging madali ang huling misyon na kaniyang hahawakan ngayon at siguradong mailalagay siya sa mga mahihirap na gawain dahil isa siya sa mga beterano sa kanila. Kung CRISIS o gobyerno man ang kanilang kalaban. Kailangan niyang mag ingat. Para sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya. Huminga siya ng malalim at bumalik sa mga kapulungan na ineenjoy ang kanilang mga sarili sa salo salong ito. Nakasalubong naman niya ang kaniyang anak at kaagad niya itong niyakap. Hindi man niya alam ang dahilan nito pero niyakap naman ni MJ ang kaniyang ama pabalik. Niyayakap niya ngayon ang kaniyang dedikasyon. To be continued...           -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD