{43} Pamilya

1922 Words
Emma’s Point of View Halos isang linggo na rin ang lumipas matapos ang ginawa naming picnic sa tabing dagat. Bumalik sa normal ang lahat, ang isa’t isa ay ginagawa ang kanilang mga gampanin o kaya ay nagpapagaling ng kanilang mga natamong injury. Ako naman ay abala sa pagkalap ng impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa aking pamilya. Kahapon lamang ay ipinalabas sa balita ang tungkol sa pagkatuklas sa isang malaking butas na nakita sa forest reserve. Gaya ng aking inaasahan sa kanilang magiging aksyon sa pangyayaring ito dahil natatakot sila na baka masira ng mga impormasyon dito ang kanilang pangalan. Hindi naman mahirap para sa kanila gawin ang ganitong bagay. Hindi ko rin alam kung nakakaramdam o ginagambala ba sila ng kanilang konsensya tuwing gabi. Sa kabilang banda naman, sa tuwing naiisip ko ang kanilang mga ginagawa ay hindi ako makatulog sa gabi at tila ba ay may mga kamay na bumubuklat sa aking mga mata. Pati sa aking panaginip ay sinusundan ako ng mga masasamang ala alang ito. Nabalitaan ko rin na si Anthony ay nasa isang malaking proyekto ngayon mula kay Juna dahil inutusan niya ang isa sa mga koneksyon niya na pasuking ang kanilang organisasyon para kumalap ng impormasyon. Sa aming spekulasyon naman, ay gumagawa nanaman sila ng mga bio-engineered human body na kanilang gagamitin para gamitin bilang kanilang mga walang isip na sundalo gaya ng aming mga nakaharap noon. Narinig ko rin kay Juna ang tungkol dito dahil ikinwento niya sa amin ito nung mga nakraang araw. Kasama sa kaniyang mga sinabi ang tungkol sa pagkakaroon nila ng maraming klase nito at ang mga nakaharap namin ay hindi pa mga tapos at nasa testing phase pa lamang. Nakakatakot dahil hindi na magiging madali kaharapin ang mga sundalo ng aking mga magulang at nakakatuwa dahil napakaswerte namin noon, dahil nakaharap namin ang mga nasa testing phase pa lamang. Kung nahirapan na nga kami patumbahin ang mga iyon paano pa kaya ang mga na perpekto na nila. Naalala ko naman ang mga taong nakita namin nung kukunin pa lang namin ang vial sa mga kamay nila. Ang mga kawawang tao na kanilang mga naging biktima, ang mga binaboy nilang katawan. Wala silang respeto. Hindi ako sigurado kung ginawa pa rin nila ito sa mga maling paraan. Wala na akong magawa kundi pagdudahan ang kanilang mga kilos, dahil sinira na nila talaga ang aking tiwala. Basag na basag na. Ang sakit naman ay lalong kumakalat na, at nang malaman ko na alam na ni Alex ang tungkol dito ay hindi ko maitatanggi na natakot talaga ako na baka ay magalit siya sa akin pero hindi. Hindi nagbago ang kaniyang pakikitungo sa akin na akin namang ikinatuwa at walang delay niyang ginawa kaagad ang paghanap sa counter measures. Hindi pa rin kami sigurado kung EAPP iyon. Nung una talaga ay inakala ko na isa itong uri ng parasite kaya nung sinabi ni Alex sa akin ang MMED ay labis talaga akong kinabahan dahil inakala kong magagalit siya sa akin sa pag aakala ni isinekreto ko sa kaniya ang lahat. Na siya naman talagang ginawa ko. Ang aking trabaho naman ngayon ay magsagawa ng sariling pananaliksik sa mga nangyayari kahit hindi nila ako sinasabihan. Hindi naman pwede na umupo na lang kami rito at magrelax habang sa labas naman ay naghahanda na ang aming mga kalaban. Baka nga sa ngayon ay kanila na kaming hinahanap sa mga oras na ito. Ganun din ang aking gagawin. Ang lugar naman na ito ay wala sa ilalim ng lupa at nanatili pa rin sa ibabaw kaya hindi imposible na kanila itong mahanap kahit nasa kalalim laliman pa ito ng gubat. Napag desisyunan namin ni Alexa na lumabas muna sa lugar na ito para bumalik sa aming lugar. Doon ay oobserbahan ko ang mga nangyayari. Magdidisguise namin kami gamit ang kaniyang gadget at bibili kami ng bagong sasakyan sa may siyudad malapit dito. Gagamit din kami ng pekeng pagkakakilanlan para walang ma track na record ang mga kalaban. Iba ibang pekeng pagkakakilanlan para malito sila sa pag iimbestiga at kapag mahanap na nila kami ay sisiguraduhin kong nakagawa na kami ng aksyon tungo sa kanila. Pumunta na ako sa baba para puntahan si Alexa na kanina pa sa akin naghihintay. Binilisan ko ang aking kilos dahil ilang araw lang naman ang aming itatagal doon ni Alexa, syempre ikinonsulta ko naman kay Juna ang pagpunta run kung magiging magandang ideya ba ang aking mga pinaplano. Sumang ayon onaman siya rito pero ang hindi niya aprubado ay ang pag-alis namin ngayon. Bago pa niya pa kami mapigilan ay binilisan ngunit matahimik akong tumungo papunta sa sasakyan. Mabuti na lang ay ipagmamaneho kami ni Alex patungo sa bayan para maibalik niya ang sasakya dito ulit. Hindi naman pweede na ibang tao ang hingian namin ng tulong dahil masisira ang pagkakasikreto ng lugar na ito. Nang marating ko ang pinto ay kaagad akong tumakbo papunta sa sasakyan para puntahan ang dalawa.          Hingal  na hingal ako nang makarating ako sa sasakyan at tiningnan naman ako ng dalawa na inip na sa paghihintay sa akin. Binuksan ko naman ang passenger’s seat para doon umupo. “Wala na ba kayong nakalimutan?” tanong sa akin ni Alex at umiling lang naman ako dahil abala ako sa paghahabol ng aking hininga. “Kung ganon ay aalis na tayo,” wika niya at tumango naman ako sa kaniya sa pagkakataong ito. Pinihit niya ang susi sa sasakyan at umandar naman ang makina. Tinapakan niya ang pedal na siyang nagpapaandar ng sasakyan at inikot naman ito papunta sa daan palabas sa lugar na ito. Gaya naman ng dati ay masiyado akong nagugulo, sa lubak na daan nito. Masiyadong natural at magandang paraan ito para itago ang lugar na ito, dahil wala naman kahit sino ang magsususpetya na may ganitong lugar sa kailaliman ng kagubatan na nakapalibot sa lugar na ito. Wala naman siguro na magtatangka na pumasok sa lugar na ito dahil may senyales naman na bawal pumasok sa kagubatang ito. Private area kasi ang lugar na ito, siguro ay alam naman nila ang mangyayari kapag tinangka nilang pasukin ang lugar. Nakarating na kami sa highway kung saan hindi na masiyadong malubak ang daan. Tahimik naming tinahak ang daan papunta sa bayan at walang nagtangka na gumawa ng usapan. Tumingin ako sa bintana para mag sightseeing sa aming mga dinadaanan. Hanggang sa lamunin na ulit ako ng dilim. Nang imulat ko ang aking mga mata ay napansin kong nasa kakaibang lugar nanaman ako. Akala ko nasa sasakyan ako kanina. Bakit nasa kwarto ulit ako? Dumeretso ako sa salamin para tingnan ang aking sarili. Kinurot kurot ko naman ang aking sarili para siguraduhing hindi ako nanaginip. Nakaramdam naman ako ng pagbabago sa aking katawan dahil hindi naman maabot ng aking mga paa ang sahig kaya kinailangan ko pang tumalon para makababa. Tumakbo naman ako at naramdaman na para umiksi ang aking mga hakbang. Ano bang nangyari sa akin. AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH! Anong nangyari? Bakit bumalik ako sa pagkabata? Paano nangyari ito? Panaginip lang ba ang lahat ng iyon? Masiyadong napahaba naman ata ang isang ito saka para sa edad ko bakit naretain ko ang ugali at ang mga nakasanayan ko. Ang sarap kwestyunin ng realidad pero patuloy akong umaasa na isa lamang itong panaginip. Napalingon naman ako ng marinig kong bumukas ang pinto sa aking likuran, nakita ko naman dun ang dati kong katulong na hindi ko na maalala ang pangalan. “Ma’am handa na po ang inyong almusal,”  tawag niya sa aking atensiyon. “Sige po susunod na lang ako sa baba,” asal bata na tugon ko sa maid. Bumaba ako sa upuan na aking kinatatayuan at tumakbo papunta sa pinto para lumabas at tunguhin ang kusina. Pero bago ko mapihit ang pabukas ng pinto ay may narinig akong boses. Inilapat ko ang aking tenga sa may pintuan para marinig ko ito lalo. “Wala akong pake kung ano ang gusto ng anak natin,” parang boses iyon ni dad. “Ricardo naman,” reklamo ng kausap niya at hula ko ay si mom ang kaniyang kausap. “Anak natin iyon hindi kung sino mang katulong mo, may karapatan siyang maging malaya sa mga gusto mo,” dagdag pa ni mom at napataas ang kaniyang boses. Nakarinig naman ako ng sapak at nagulat naman ako dun. Kaagad kong binuksan ang pintuan para kaagad kong mapuntahan si mom, hindi ko inakala na kaya niya siyang saktan. Pero nang makalampas ako sa pintuan ay narakaramdam ako ng napakalakas na hangin, at nakaramdam ulit ako ng pagbabago. Nang makatayo na ulit ako ng maayos ay nagbago ulit ang aking kasuotan. Ito ang aking uniporme noong ako ay highscool pa ako at wala na rin ang ang mga boses na nag aaway. “Emma! Handa na almusal,” rinig kong tawag sa akin ni Mom sa baba. Naguguluhan man sa mga nangyayari ay dahan dahan akong pumunta pababa para sundin ang kaniyang utos at bumaba sa kusina. Narito nanaman ang boses. Naririnig ko ulit. Nang madaanan ko ang kwarto ni Anthony. Idinikit ko ulit ang aking tenga sa pintuan para marinig ko ang kaniyang mga sinasabi. “Bakit si ate lagi ang pinapansin nila mom at dad?” narinig kong hikbi niya. “Narito naman ako, ginagalingan ko naman sa mga exams bakit hindi nila ako makita, anak din naman nila ako at kailangan ko ang aruga ng isang magulang. Bakit?” hinaing niya. Nakaramdam naman ako ng awa sa aking dibdib. Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdadaanan ng aking kapatid. Wala akong ideya. Sinubukan kong pihitin ang pintuan pero umihip nanaman ang malakas na hangin at kagaya kanina ay nakaramdam ulit ako ng pagbabago. “Emma!” tawag ulit sa akin mom. Wala naman sigurong nagbago ngayon. “Mahuhuli ka na sa klase mo!” tawag niya ulit. Kaagad naman akong bumaba sa hagdanan at ayaw ko galitin sila mom. Almusal na lang ang pagkakataon na matatawag kaming pamilya kaya hindi ko ito pinapalampas. Nagulat naman ako nang makita ko si Anthony sa mesa. Nasa kwarto siya kanina. Tiningnan ko ang aking katawan at nagbago nanaman ang aking kasuotan. Nasa kolehiyo na ako nito. Si Anthony naman ay malamig ang ekspresyon sa mukha kagaya ng aking kinasanayan. Matapos mag almusal ay pumunta na ako sa labas para ihatid ng aming driver sa aming eskwelahan. Sasakay muna ako sa daloy ng panaginip na ito. “Emma, Anthony,” tawag sa amin ni dad at sabay kaming napalingon sa kaniya. May kung anumang ngiti dun na nagpakalma sa aking puso. “Mag-iingat kayo,” kalmado at naramdaman ko naman na meant niya talaga ang mga salitang iyon. Nginitian ko siya at dumeretso na sa kotse. “Emma!” tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. “Oi gising!” gising ulit sa akin at sa pagkakataong ito ay kinurot ako sa pisngi. Nagising naman ako at nakita ko ang aking sarili sa loob ulit ng kotse. “Saan tayo pupunta?” tanong sa akin ni Alex. “Napasarap nanaman tulog mo e,” komento pa niya at napahiya naman ako. Itinuro ko sa kaniya ang daan. Nabigyan ako ng motibasyon para gawin ng buo kong makakaya ang gawaing ito at ang panaginip na iyon ay nagparealize sa akin ng isang bagay. Kahit gaano kamess up sila at ang sistema sa amin. Hindi nun mababago na pamilya pa rin kami. Kaya pagsusumikapan ko na ayusin ito sa aking muling pagbalik sa aming lugar. Ang aking pamilya. To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD