{44} Kawalan

1597 Words
Emma’s Point of View Iminulat ko ang aking mga mata dahil nagugulo ako ng mga nakakasilaw na ilaw sa lugar na ito. Nasa kapital na lugar kami ng bansa ngayon malapit sa aming probinsya. Sa Mayanil, kung saan ang lugar ay punong puno ng mga nagtataasang building para maakit ang mga turistang bumibisita sa bansa. Ginawa naman itong main capital dahil narito ang mga industriya na siyang umusbong at naging kilala sa buong mundo. Nakakabingi ang mga busina sa mga sasakyan sa paligid at kadalasan naman ay talagang mabigat ang trapiko sa mga kalada ng Kamayanilaan. Kaya ayaw ko ring dumadaan dito minsan pero wala na kaming magagawa dahil sarado ang ibang daan papunta sa aming lugar. “Emma,” tawag sa akin ni Alexa. “Dito kaya natin simulan ang iyong gagawin na imbestigasyon,” mungkahi ni Alexa. Napaisip naman ako sa kaniyang mga sinabi. May punto naman siya dahil maari na kumalat na ang sakit dito sa Kamayanilaan. May suspetya siya na kagaya ng isang pandemya ay mabilis kumalat ang sakit na ito. “Tumigil ka muna sa isang makakainan,” utos ko sa kaniya at nagbago naman kami ng direksyon para puntahan ni Alexa ang kainan na papasok sa kaniyang isipan. Hindi naman siguro masama ang manuluyan muna kami rito ng mga ilang araw para pagmasdan ang mga mangyayari sa mga susunod na araw. Mas maganda na rin ang magiging daloy dahil mas marami akong impormasyon na malalaman na baka ay makatulong kela Juna at Alex. Biglang nag ring ang aking smart phone sa may bulsa at kaagad ko naman itong kinuha para tingnan kung sino ang tumatawag. Si Juna. Pinindot ko ang answer button at inilagay ko naman sa may aking tenga ang smart phone para marinig ko ang kaniyang mga sasabihin. “Hello,” bungad ko sa kaniya sa kabilang linya at nanatiling tahimik ito. “Anong pumasok sa isip mo? Where are you right now?” sunod sunod niyang tanong sa akin. Napakamot naman ako sa aking ulo dahil sa kaniyang pag aalala. “Nasa Mayanil kami ngayon ni Alexa,” sagot ko sa kaniyang tanong. “Diba napag usapan na natin ito at pumayag ka naman na gawin ko ito,” pagpapaalala ko sa kaniya sa aming naging usapan noon. Tandang tanda ko pa kung gaano siya kasang ayon sa pagkalap ko ng impormasyon para sa kanila. Tandang tanda ko pa. Kaso hindi ko sa kaniya inilahad ang lahat ng aking balak kaya hindi niya alam na ganito ako kabilis na aalis. “I don’t know that it will be this soon and especially I don’t know that you yourself will be doing this,” paliwanag niya sa kaniyang  parte at medyo napahiya ang kaniyang boses. Naisip na niya siguro ngayon na naisahan ko siya. “Don’t worry Juna, I’ll keep myself safe out here,” pagpapanatag ko sa kaniya dahil sigurado naman akong nag-aalala lang siya sa amin saka hindi naman pwede kung susundan niya pa kami rito dahil walang magbabantay kay Alex. “Guard Alex there for me,” dagdag ko pa. “Mmmhmmm,” sang ayon niya sa kabilang linya at napanatag naman ang aking kalooban doon. Hindi magiging madali ang gagawin kong ito pero atleast narito si Alexa sa aking tabi at sana ay hindi pa nila alam na kasama namin siya ngayon. Ibinaba ko ang aking smart phone at muli ko itong ibinalik sa aking bulsa. Nilingon naman ako ni Alexa, dahil hindi gumagalaw ang trapiko ngayon. “Sino ‘yon?” curious na tanong niya sa akin. “Si Juna lang,” sagot ko sa kaniyang tanong at medyo napatawa siya sa aking sagot. Hindi ko alam na may nakakatawa na pala ngayon sa pangalan ng aking kaibigan. “No offense ah, pero pansin kong napaka OP naman niyan ni Juna sa’yo,” komento ni Alexa at hindi ko naman nakuha ang kaniyang ibig sabihin sa abbreviation ng OP. “OP?” tanong ko sa kaniya. “Hindi mo alam?” tanong niya at tumango naman ako sa kaniya kaya napatawa siya ulit. “Over protective,” sagot niya sa akin at medyo namula naman ang aking mukha nang malaman ko ang kaniyang ibig sabihin. “I mean, wala pa ba siyang tiwala sa’yo pagkatapos mo siyang mailigtas sa kulungan na iyon,” dagdag pang komento ni Alexa. “It’s not like that,” pagtatanggol ko sa kay Juna. “It’s not like that,” ulit ko pa sa aking mga sinabi at nilingon naman ako ni Alexa. Hindi niya alam ang kwento. Ayoko naman magalit kay Alexa ngayon dahil hindi magiging maayos ang magiging daloy ng gagawin namin kapag may alinlangan kami sa isa’t isa. Ayoko magsalita dahil baka kung ano pa ang aking masabi at hindi niya ito magustuhan. Nanahimik na lang ako at hindi naman nanahas pa si Alexa na ipagpatuloy ang usapan. “SA WAKAS!” sigaw ni Alexa nang makita namin na gumalaw na ang mga sasakyan sa aming unahan. “Nagugutom na rin ako,” dagdag niya pa. Imbes na itigil ang aming usapan ay binago niya na lang ang topic at sa pagkakataon namang ito ay naging maayos na ang daloy ng aming usapan habang naghahanap siya ng masarap mapagkakainan. Naikwento niya sa akin na noong bata pa siya ay nangarap siya na titikman niya ang lahat ng klase ng pagkain na kaniyang makikita kaso mahirap lamang sila noon kaya nanatili na lang sa pagiging pangarap. Kaya ngayong may pera na siya ay gusto niyang kumain sa mga restawran at ipagkumpara ang mga pagkain na kaniyang natikman noon. Nalulungkot din si Alexa dahil wala ang kaniyang ina at kapatid para samahan siya kaya nakaramdam ulit ako ng guilt sa aking puso. Pasensya ka na Alexa dahil idinamay pa kita sa mga kaguluhan na aking sinimulan. Matapos ang ilang minuto ng aming paghahanap ay nakahanap kami ng 3 star Michelen Kahalangdon Restaurant. Mostly ang kanilang sineserve dito ay mga sariling cuisine ng aming bansa pero sa kanilang paraan. Iba iba rin ang pagiging masarap ng pagkain depende sa nagluluto. Kagaya ng aking inaasahan ay masiyadong natutuwa si Alexa sa pagpasok sa loob ng Restaurant. May sumalubong naman sa aming mga waiter at nag bow sa amin ang mga ito bilang pagrespeto. Nginitian ko naman sila pare pareho at gayon din ang kanilang ginawa. May pumunta naman sa amin na isang waiter at binati kami nito. Siya ang aming naging gabay sa mga lamesa na walang tao. Nang marating namin ang isang lamesa para sa dalawang tao ay umupo kami rito. May folded napkin, kutsara at tinidor, plato,  at flower vase sa gitna na nakahanda na sa lamesa. Inabot niya naman sa aming dalawa ang menu nila at inabot naman namin ito. Binuklat ko ang menu at tiningnan ang mga pagkain na kanilang ino-offer sa lugar na ito. Nagulat naman ako sa mura ng halaga ng kanilang pagkain dito dahil inaasahan ko na masiyadong mahal ang magiging pagkain nila rito dahil may 3 star sila, ang pinakamataas na gawad na makukuha ng isang restaurant. “Ang KKK Restaurant po ay hindi katulad ng mga pangkaraniwang restaurant na kadalasan niyo pong napupuntahan,” nagsimula namang magpaliwanag ang waiter sa amin. “Sinisilbihan namin ang lahat ng klase ng customer kahit ano pa ang kanilang estado sa pamumuhay, dahil ang restaurant na ito ay para sa lahat at hindi lamang po para sa mayayaman. Sinisigurado po namin na mapagsilbihan kayo ng quality food without spending too much money. Kagaya ng motto ng may ari ng lugar na ito ay wala magagawang maganda kung sisirain natin ang tatsulok ng estado ng buhay kundi sirain ito para ang lahat ng tao ay namumuhay sa pantay na linya,” tapos niya sa kaniyang paliwanag at namangha naman ako sa kaniyang mga sinabi lalong lalo na sa mga paniniwala ng kanilang boss. Masasabi ko talagang may napakabuting puso ang taong ito. Hindi siya tumulad sa ibang kapitalista na inabuso ang pagtaas sa kanilang presyo dahil kilala ang kanilang produkto, lalong lalo na ang benepisyo ng mga trabahador sa mga kumpanyang ito ay hindi naisasakatuparan. Tiningnan ko naman si Alexa na may malaking ngiti ngayon sa kaniyang mukha. Hindi niya siguro ako dinala sa lugar na ito ng basta basta lang. Ginawa niya talaga ang kaniyang research.  Matapos ang pagpapaliwanag na iyon ay pumili na ako sa mga pagkain na nakalista sa menu. Halos ang mga putahe na naeencounter ko araw araw ang nakalagay, pero may sarili silang ginawa rito at sinigurado na hindi lamang pangkaraniwan ang mga ito. Dahil mura ang mga pagkain ay hindi ko na kailangan na mag hold back pa. Dadamihan ko na ang aking kakainin para malaki laki rin ang aking reserbang enerhiya sa aking katawan. Pinili ko ang mga pagkain na aking nagustuhan at inilista naman ito ng waiter na nasa aming tabi. Matapos niyang mailista ang aming order ay muli siyang nag bow sa amin. Naiwan naman kami run naghihintay sa pagdating ng aming pagkain. “Alexa, may alam ka bang hotel malapit dito?” biglaang tanong ko sa kaniya at kaagad niya naman akong nilingon. “Hotel?” tanong niya sa kaniyang sarili. “Mananatili muna tayo rito ng ilang araw,” paliwanag ko sa aking mga aksyon. “Pagkatapos na lang kumain hehe,” wika niya at abala sa pagtingin sa menu kahit tapos na siya umorder. Pinabayaan ko na lang siya sa kaniyang mga ginagawa at tumingin ako sa kawalan. To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD