{45} Pahinga

1743 Words
Emma’s Point of View Matapos ang ilang minuto ng paghihintay sa wakas ay nakarating na rin ang mga pagkain na inorder namin. Hinintay muna namin na makarating muna ang lahat bago namin ito galawin. Pabalik balik naman ang waiter na nagpaliwanag sa amin kanina para kamustahin kami kung naiinip na ba kami sa paghihintay. Masasabi ko naman na napakaganda ng kanilang service dahil sa customer interaction nila sa loob ng restaurant na ito. Maganda rin ang ventilation ng hangin dahil walang aircon ang naka install kundi mga ceiling fan lamang at mga bukas na bintana na siyang nagbibigay daan sa sariwang hangin para dumaan. Napagdesisyunan ko na tumingin muna sa aking smart phone para mag browse ng mga current news and affairs. Matagal tagal na rin akong hindi nakakapagbasa ng balita dahil sa sobrang busy ko sa aking buhay at ngayon naman ay meron na akong free time ay hindi naman siguro masama kung magbabasa muna ako habang naghihintay sa mga pagkain naming inorder. Hinugot ko ang aking smart phone sa bulsa at binuksan ko ito. Pinuntahan ko naman ang website na nirecommend sa akin ni Alex noon kung saan mapagkakatiwalaan ko ang mga balita. Inilagay ko sa search bar ang mismong address ng website. Itinype ko rito ang grappler.com saka ko pinindot ang enter button para puntahan ito. Mabuti na lang ay mabilis ang data connection rito sa Mayanil. Nang lumabas ang interface ng website kung saan maraming headline ang lumalabas dito. Naagaw naman kaagad ng isang headline ang aking atensyon, at pwede naman ito magbigay ng takot sa ibang tao na makakabasa nito. “INTERNATIONAL TERRORIST GROUP CRISIS STRIKES KAHALANGDON” Alam na alam ko ang tungkol sa grupong ito dahil sa kaguluhan na kanilang dinadala san mang bansa ang kanilang bulabugin. Nagsimula ito si Byrie kung saan ang bansang iyong ay ang bansa na walang tigil ang giyera, ang mga taong nakatira roon ay apektadong apektado na ang pamumuhay at napipilitan sila mag refugee sa ibang bansa at marami rin ang mga refugee dito sa aming bansa. Mabuti na lang ay naabutan nila ang nakaraang pangulo. Kung si Duetes na ang pangulo nung mga panahon na iyon ay sigurado akong ipagtatabuyan niya ang mga iyon. Kilalang kilala ko ang tunay na ugali niya. Trust me. Sobrang lapit ko sa kaniya dahil sa koneksyon na kaniyang inestablish sa aming pamilya. Ang pamilya ko rin ang dahilan kung bakit siya nanalo sa pagkapangulo. Nakalagay naman sa balitang ito na sumalakay sila sa mga army camp sa mga sagradong lugar at maraming sundalo ang nasawi sa engkwentrong ito. Nagsagawa naman ng seremonya ang Hukbong Sandatahan para bigyang parangal ang mga katapangan nila at ang kanilang pagkamatay. Nakalagay din sa balitang ito ang ginagawang paghahanda nila para mapaalis ang nasabing grupo palabas sa bansa. Marami rin ang mga nadamay na citizen sa gulo. May mga nasawi at nawalan ng kinabubuhay, meron ding ang mga may natamong sugat na kanilang dadalhin sa kanilang buhay. Natapos ang balita sa isang kasabihan na siyang magpapatatag sa mga puso ng tao, na kahit anong mangyari life goes on. Naagaw naman ang aking atensyon sa  mga nagdatingang waiter at naroon naman ulit siya ang waiter kanina, ginagabayan sila patungo sa aming lamesa. Isa isa at dahan dahan nilang inilapag ang mga putahe na aming binili kasama na rin dito ang kanin. Sumunod naman ang mga sabaw at inumin na kanilang ibinibigay sa mga kumakain dito. Bigla akong nagutom nang makita ko ang mga pagkain sa lamesa at gustong gusto ko na magsandok sa akin plato. Pero kailangan muna namin hatiin kung alin ang akin at kung ano ang kay Alexa. Nang maipwesto na namin sa tamang pwesto ang mga pagkain at ako na ang nanguna sa aming panalangin para ipagpasalamat ang pagkain na nakahain sa aming lamesa sa poong may kapal. Nauna na akong nagsandok ng pagkain at napansin ko namang nananatili pa rin ang waiter kanina na nakatayo sa aming tabi at pinapanood kami kumain. Naiilang naman ako sa kaniyang ginagawa kaya akin siyang nilingon. “Excuse me,” agaw ko sa kaniyang atensyon. “Ano po iyon madam?” tanong niya sa akin assuming na may kailangan ako sa kaniya. “Don’t you have better to do?” mataray na tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at sigurado naman akong nagtitimpi siya ng galit sa akin. “I am your personal waiter to maximize your experience in this restaurant ma’am,” sagot niya sa akin at medyo napahiya naman ako. Pero masiyado nang napapasok ang aking personal space kaya may karapatan rin naman ako na mag reklamo. “Kung gusto niyo po ay didistansiya ako sa inyo para maging kumportable kayo sa inyong pagkain at tawagin niyo na lang po ako sa may sulok doon kung may kailangan po kayo sa akin,” suhestyon niya at tumango na lang ako sa kaniya. Naglakad siya palayo papunta sa sulok na kaniyang sinabi at doon ay tumayo lang siya. Ibinalik ko naman ang aking atensiyon sa aking pagkain at inenjoy ko na lamang ang sarap na kanilang ibibigay sa aking dila. Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras sa pagkain ko dahil naenjoy ko talaga ang sarap ng pagkakaluto ng bawat putahe. Marami naman ako kung kumain minsan, kaya hindi na ako mag-aalala na merong masasayang na mga pagkain sa mga ito. Hindi ako papayag. Nabalik ako sa realidad nang makarinig ako ng wang wang sa labas at nanatili lamang ang tunog sa labas ng restaurant. Kinain naman ako ng aking kuryosidad kaya tinawag ko si Will, yung waiter na nagbabantay sa amin sa isang sulok. Nakita ko sa kaniyang name tag ang kaniyang pangalan. Lumapit naman siya sa amin gaya ng kaniyang ipinangako at inutusan ko siya na alam kung ano ang nangyayari sa labas. Dahil nahaharangan ng mga kurtina ang mga nangyayari. Sinunod naman niya ako at siya ay nagtungo sa labas para alamin kung ano nga ba talaga ang nangyayari. Si Alexa naman ay abalang abala sa pagkain habang tumitingin sa kaniyang smart phone, saka paminsan minsan ay kinukuhaan niya muna ito ng larawan bago kainin. Matapos ang ilang sandali ay bumalik naman si Will ang waiter na inutusan ko kanina na may nag-aalalang mukha. Lalo nitong natrigger ang aking kuryosidad at pinilit ko siya na ikwento sa amin ang kaniyang mga nasaksihan. Nung una ay nagdadalawang isip siya na ikwento sa amin pero ako pa rin ang nanalo sa huli. “May tatlo pong tao ang hinimatay kanina riyan sa labas ng sabay sabay,” panimula niya at humigop naman siya ng lakas para ipagpatuloy ang kwento. Nagkatinginan naman kami ni Juna nang marinig namin ang salitang hinimatay. “Dalawang lalaki at isang babae, pare pareho ang nakitang sintomas. Ang pagdudugo ng ilong. Yung misteryosong sakit na ibinabalita po sa TV nung mga nakaraang araw,” hininaan niyang masiyado ang kaniyang boses para masigurado na walang iba ang makakadinig sa kaniya para hindi magkagulo ang mga tao rito sa loob. Nagkatinginan naman kami ni Juna at natuwa dahil tama ang aming naging desisyon. Pinabalik namin si Will sa kaniyang pwesto at nagpatuloy naman kaming dalawa sa aming pagkain. Nang maubos na namin ang mga pagkain ay muli kong tinawag si Will para iabot sa kaniya ang aming bayad para sa aming mga inorder. Matapos kaming makapagbayad ay dumeretso na kami sa labas at muling sumakay sa sasakyan. “Alam mo na ba kung saan tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya, tinutukoy ko ang hotel na aming tutuluyan ngayong gabi. Tumango naman siya sa aking bilang pagsasabi na meron na. “Alam mo yung International Resorts Mayanil?” tanong niya sa akin. “Oo naman,” sagot ko sa kaniya. “Doon tayo pupunta,” wika niya at naningkit naman ang aking mga mata sa kaniya at napatawa lamang siya. Hindi ko alam kung pumunta lang dito si Alexa dahil mura ang pagkain. Doon ay nasisigurado kong napakamahal ng mga bayarin at ginawa niya ng tour vacation ang ginagawa namin ngayon. Pero dahil malapit ito sa pinangyarihan ng mga kaso ng bagong sakit na ito ay hindi na ako tumanggi sa kaniya. “Sige doon na tayo,” saad ko sa kaniya at lumawak naman ang kaniyang ngiti. Napailing na lang ako sa kaniyang asal at naglakad na ako papunta sa sasakyan. Napaisip naman ako kung bakit tatlo magkakasabay ang mga hinimatay kanina. Paano ito kumakalat? Nakakahawa ba ito sa mga tao? Kailangan kong masagot ang mga tanong na iyan. Para ligtas kami ay magsosoot na kami ng face mask simula bukas para masiguradong hindi kami mahahawaan ng sakit. Pinihit naman niya ang susi ng sasakyan at pinaandar ito sa direksyon ng sikat na hotel. Hindi kagaya kanina ay hindi na gaano kaabala ang trapiko ngayon kaya mabilis naman kaming nakarating doon. Gaya ng inaasahan ko ay napaka abala ng mga tao rito. Pumunta naman kami sa lobby para mag inquire ng room. Matapos mabayaran ang tatlong araw na aming panunuluyan ay kinuha ko naman ang susi ng aming kwarto at may isang staff na nag guide sa amin papunta roon. Gumamit pa kami ng elevator dahil nasa 4th floor ang aming kwarto. Si Alexa naman ay palinga linga namamangha sa ganda ng lugar na ito. Para sa akin naman ay hindi na bagong bagay ang lugar na ito dahil noong bata pa lang ako ay nakakapunta na ako rito sa pamamagitan ng aming family vacations. Nang makarating na kami sa aming kwarto ay kaagad naman akong nagpunta sa may comfort room para maligo. Inayos namin ang aming mga kagamitan na aming dala. Nang makapagbihis naman na ako ay napagdesisyunan kong pumunta sa isang bar. Sumama naman sa akin si Alexa dahil gusto niya raw matikman ang mga timpla rito ng bartender. Ikinwento niya sa akin kung gaano niya kapangarap ang pumunta rito kasama ang kaniyang pamilya. Narating naman namin ang bar ng hotel na ito at sinigurado ng bantay na nsa legal age na kami. Pumunta kami sa bar counter para umorder ng aming drinks. Nirekomenda ko naman kay Alexa ang Mojito dahil masarap sila gumawa nun dito kaya pareho kami ng inorder. “AHHHHHHH!” naagaw naman ng aking pansin pati na rin kay Alexa ang sigaw ng babaeng iyon. Kaagad naman namin itong nilingon at nakita ang kasama ng babaeng iyon na nakahandusay na sa sahig. Nagkatinginan kami at mukhang sa gabing ito ay wala kaming magiging pahinga. To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD