Emma’s Point of View Nagkatinginan kami ni Alexa nang makita namin ang nakahandusay na lalaki habang ang babae naman ay takot na takot sa kaniyang nakikita. Kaagad naman akong tumayo sa aking kinauupuan at iniwan ang aking inumin na hindi pa nagagalaw para puntahan ang pinangyarihan para malaman kung ano ang nangyari sa kaniya. Kitang kita ko ang takot sa mga mata ng babae kaya medyo nakaramdam na rin ako ng awa. Sa kanilang itsura ay mukhang magkasintahan ang dalawang ito. “Doctor ako,” kalmadong pagkakasabi ko sa kaniya nang makalapit ako. “Tumawag kayo ng ambulansya!” sigaw ko para ipaalam sa kanila ang gagawin. Si Alexa naman ay hinarangan ang mga nakikiusyoso sa pangyayari para hindi pa makaabala. Nang malapitan ko ito ay nakaramdam ako ng panibagong hakbang papalapit sa aming goal

