{47} One Step Ahead

1803 Words
Emma’s Point of View Masiyadong abala ang mgag tao sa loob ng hospital ngayon. Napagdesisyunan ko na pumunta sa public hospital sa Mayanil para hindi masiyadong hassle sa pag cover up sa aking identity. Hindi maalis alis sa aking isipan ang mga aksidenteng nakita ko kagabi, at dahil doon ay hindi ako makatulog ng ayos dahil pakiramdam ko ay kahit anong oras ay dadalawin ako ng napakasamang panaginip. Pinagmasdan ko ang mga nurse at doctor na abalang abala sa mga pasyenteng nakaadmit dito. Sila siguro ay kasama sa mga hinimatay o naaksident kagabi. Kanina ring umaga ay sunod sunod ang balita tungkol sa mga pangyayari at sinasabihan ang mga tao na mag ingat sa kanilang pagmamaneho at maging aware sa kanilang paligid. Sinabi rin ng mga eksperto na simulan ng magsuot ng face mask para maiwasan ang pagkahawa sa hindi kilalang sakit na kumakalat ngayon. Pinagaaralan na sa mga genome center ang mga sample na ito, which is masama para sa amin dahil kapag hindi namin nagawan ng lunas kaagad ang bagay na ito ay pwede itong gamitin nila mama laban sa amin at kung ano pa ang kanilang gawin sa aking mga kaibigan. Halos lahat naman ng mga tao rito ay nakasuot ng facemask. Tinawagan ko si Juna kagabi kung may connection siya sa hospital na ito para maidisguise ako bilang doctor na nagtatrabaho rito at kagaya ng aking inaasahan ay meron siyang kakilala rito na tutulong sa akin. Ang kaniyang pangalan naman ay Wilbur, isang doctor na matagal ng nagtatrabaho rito at para mapadali ang aking pag iimbestiga ay kailangan ko rin mag disguise bilang isang doctor na nagtatrabaho rito ay kapag hindi ko ito ginawa ay mahihirapan lamang ako, at mairirisk ko pa ang exploitation ng aking identity. Napag alaman ko rin na merong mga tao rito sila mom and dad sa Mayanil. Naglakad naman ako sa hallway nilalampasan ang mga abalang nurse at physicians sa pagpunta sa kanilang mga pasyente. Ako naman ay pinapapapunta ni Dr. Wilbur sa isang kwarto kung saan malala ang kalagayan ng isang pasyente at kailangan ko raw makita ito. Kaya naglakad ako ng mabilis para makarating kaagad doon at hindi ko na sila paghintayin pa dahil nakakahiya naman kung hihintayin niya ang hindi kilalang doctor. Kagaya ng ibang tao ay hindi niya alam ang aking tunay na pagkakakilanlan at ang alam niya lamang ay ang dummy identity na naisip ko lang in a whim. Matapos ko malampas ang ilang kwarto at ilang akyat sa hagdanan dahil palaging puno ang elevator at ang mga pasyente ang priority nito ngayon, narating ko rin ang room 303. Kumatok ako rito at nang marinig ko na pinapapasok na ako ni Dr. Wilbur ay pinihit ko ang door knob para pumasok doon. Sinalubong naman ako ng isang pasyente na may nakakabit naman dito na oxygen sa kaniyang mukha. Malubha ang kaniyang karamdaman na dinaranas ngayon at kaming tatlo lang ang tao sa loob ng kwarto ngayon. Tiningnan naman ako ni Dr. Wilbur at nakita ko sa kaniyang mga mata ang lungkot. Kaming mga doctor ay itinuturing ang mga pasyente na parang pamilya at kahit sino man ay hindi matutuwa kapag nasa ganiyang kalagayan ang kanilang kamag anak. At least kami. May masama rin namang doctor. Kagaya ng aking kapatid na gumagamot lamang kapalit ang pera. “Nariyan ka na pala Dr. Ongos,” pansin sa akin ni Dr. Wilbur at wala naman sigla sa kaniyang boses. Nakisimpatya naman ako sa kaniya dahil nalulungkot din ang aking puso makita lamang ang kaniyang kalagayan at ang itsura niya nahihirapan. “Pasensya na kung nahuli ako Dr. Wilbur hindi ko inaasahan na ganito pala magiging kaabala ang hospital ngayong araw,” wika ko  at pagpapaumanhin ko na rin dahil lumampas ako sa pinagusapan naming oras. “Don’t mind it, naiintindihan ko naman iyon,” ganti niya sa aking pagpapaumanhin. “Siya nga pala, ang alam ko ay narito ka para pag aralan ang sakit na kumakalat ngayon ayon sa aking contact,” pagpapaalala niya sa aking dahilan kung bakit narito ako ngayon. Nakikita ko na hindi niya pwedeng banggitin ang pangalan ni Juna sa publiko. Sa pagkakabanggit niya lang sa mga salitang iyon ay naalala ko naman na kailangan ko maging alerto sa lahat ng oras kahit sa loob ng kwartong ito. “Tama po kayo, at mukhang nahihirapan talaga siya,” malungkot na pansin ko sa pasyente na nasa loob ng kwartong ito ngayon. Pareho naming nilingon ang kaniyang kinahihigaan. Halos namamayat na siya at nakikita ko naman doon ang mga bakas ng tuyong dugo na siyang senyales na pinagdaanan niya ang mga sintomas. Sa ngayon ang alam pa lang namin ay ang pagkahimatay at ang pagdurugo ng ilong. “Wala na siyang pamilya,” wika niya at lalo naman akong nalungkot nang marinig ko ang mga salitang iyon. Sino ang dadamay sa kaniya ngayong nahihirapan na siya. Kung sakali man na bawian siya na buhay. Sino ang luluha para sa kaniya. Nakakalungkot lang na isipin. “Mabuti na lang ay nakita siya ng mga ambulansya na walang malay na nakabulagta sa tabing kalsada at dinala na siya rito,” dagdag na paliwanag pa naman niya. “Nakakalungkot lang na wala na kaming magagawa para mailigtas pa ang kaniyang buhay o kaya mapatagal pa ito,” dagdag pa niya na lalo ko namang ikinalungkot. Iniabot niya naman sa akin ang mga x-ray copies na kanilang kinuha mula sa x-ray test niya. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang mga larawang ipinapakita rito. Kagaya ng mga nakita ko nung una naming maencounter ang sakit na ito, halos maubos na ang kaniyang mga organ. May kung anuman ang kumakain sa kaniyang lamang loob. Nakakatakot. Natatakot ako. “Bakit hindi niyo pa sinusunog ang mga katawan na namatay na? Paano kung kumalat ang sakit na iyan?” wika ko sa kaniya. “Kalma lang po kayo miss,” saad ni Dr. Wilbur. “Kagaya nga po ng sinabi sa akin ay narito kayo pag-aralan ang sakit na ito kaya hindi namin ginagalaw ang kaniyang katawan,” pagpapaalala niya sa akin at kumalma naman ako. “So you are saying that you will risk the health of all the people inside this hospital now?” kalmadong tanong ko sa kaniya at nakita ko naman ang pagkapahiya niya bilang isang doctor. “Ayon sa early finding mula sa ibang hospital na nagkaroon ng mga pasyente katulad nito noon ay ipinapakita sa mga tests na hindi po nakakahawa ang sakit na ito thru human contact,” kalmadong depensa niya naman sa kaniyang sarili. “Kami namang mga doktor dito, ay iquaquarantine kaagad ang lugar kapag alam naming makakaapekto ito sa kalusugan ng karamihan,” dagdag na depensa pa naman niya sa kaniyang sarili. Mukhang nasaktan ko talaga ang kaniyang pride bilang isang doktor. Nakakuha naman ako ng napaka useful na impormasyon mula sa kaniya at kaagad ko naman itong ipapaalam kay Alex na abala sa paghanap ng lunas sa kumakalat na sakit na ito. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil ngayon ay hindi na namin kailangan sunugin ang mga bangkay na aming naeencounter. “We speculate that this illness ay nakuha sa hindi pa naming alam na dahilan at ang source nito ay dapat kaagad malaman para matigil na agad ang nagaganap na kaguluhan na ito and if this case continues to spread, the worst that could happen is an apocalypse and the experts told the public to wear protective equipments to play it safe,” paliwanag niya. Nakakatakot naman mag isip ng doktor na ito pero totoo naman na mangyari ito. Ayoko naman sabihin sa kaniya ang spekulasyon namin ngayon ni Juna na ang source ng sakit na ito ay ang MMED. Masiyadong risky at kapag naisapabalita kaagad ang tungkol dito ngayong hindi pa namin naayos ang relasyon ko kela mom and dad ay siguradong lagot na lagot na kami ngayon. “Tinetest na ba nila kung ano ang mga nakain niya o kaya mga inintake na medicine or any injections?” tanong ko sa kaniya. “Sa ngayon po ay hinihintay na lang namin ang mga lab results at ang mga resulta na lalabas sa genome centers,” sagot niya sa aking tanong at tumango ako sa kaniya. “Ano ang mga sintomas na kaniyang dinanas?” dagdag na tanong ko pa sa kaniya. “Bukod sa pagkahimatay at pagdurugo ng ilong na alam na ng lahat ngayon  ay kagaya ng inyong nakita sa x-ray results ay ang quick organ degrading and in some cases pati ang quick bone degrading ay nakikita,” panimulang paliwanag niya naman. “Dahil nga sa rason na ito ay nakikita ang mabilis na pamamayat ng mga apektado at ang kawalan ng gana sa pagkain, p*******t ng mga parte ng katawan, mataas na lagnat, at hirap sa paggalaw,” dagdag paliwanag niya na epekto ng mga unang sinabi niya kanina. “Kasama na rito ang pag-ubo niya ng dugo at pamumutla, at kapag tumatagal ay nahihirapan na rin sila huminga at ang panghihina,” saad niya pa. Napakalala talaga ng sakit na ito at nakakatakot na isipin na ganito ang kanilang dinaranas ngayon. Kailangan namin talaga na matapos kaagad ang lunas para hindi na dumami ang mga taong naghihirap dahil rito, at sa pagkakaalam ko ay marami rami rin ang citizen dito sa Kahalandon ang nakatanggap ng injections ng MMED. Marami rin sila. Kung ganito ang magiging sitwasyon ay hindi na kami matatakot sa pagkalat ng sakit na ito at makakapokus na lamang kami sa pagsalba ng kanilang buhay. Sa ngayon ay enough na ang impormasyon na aking nalaman sa kaniya at hindi ito kagaya ng aking inaasahan na magtatagal ang gagawin kong ito. Pabor naman sa akin dahil mapoprotektahan nito ang aking pagkakakilanlan at makakabalik na rin kaagad ako kay Alexa na masinsing nagbabantay sa may hotel dahil nakita niya raw ang CRISIS doon at nais niyang pigilin kung anuman ang binabalak nilang gawin. “Maraming salamat sa mga impormasyon na iyong ibinigay sa akin ngayon Dr. Wilbur,” pasalamat ko sa kaniya sa mga ibinigay na detalye na aking kailangan. “Walang anuman at ikinagagalak ko ring makatulong sa inyo,” ganti niya sa akin. “Kung iyong mararapatin ako ay mauuna na,” paalam ko sa kaniya, malumanay naman siyang tumango at tinalikuran ko siya. Dineretso ko ang pintuan para lumabas na sa kwartong ito. Hinugot ko naman ang aking smart phone sa bulsa ng aking pantalon. Wala pa namang miss call si Alexa kaya mapapakalma ko ang aking sarili ngayon. Ibinalik ko ito sa bulsa ng aking pantalon at dumeretso na ako palabas sa hospital. Nang makalabas ako sa hospital ay dineretso ko ang sasakyan na aking ginamit sa parking lot kung saan ko ito ipinark. This is good! We are one step ahead. To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD