Emma’s Point of View Bumaba ako sa sasakyan nang masigurado kong naka park na ito ng ayos. Dumeretso naman ako sa entrance ng hotel na designated dito sa kanilang parking area para mapuntahan ko na rin si Alexa na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatawag sa akin. Siguro ay wala pang binabalak ang mga taga CRISIS, o kaya ay namamalik mata lang kagabi si Alexa sa sobrang kaantukan. Naiintidihan ko naman iyon dahil may kalaliman na rin ang gabi at idagdag mo pa ang ininom niyang cocktail, baka ay mababa ang kanilyang alcohol tolerance kaya posible rin na lasing siya nung mga panahong iyon. Dumeretso ako sa elevator para mabilis kong marating ang palapag ng aming kwarto. Napakamot ako sa aking baba dahil masiyado akong napapaisip sa mga sinabi sa akin kanina ni Dr. Wilbur. Nakakatuwa na mal

