{75} Pagdating

1906 Words
Alex’s Point of View “Saan tayo magsisimula?” tanong sa akin ni Juna. Nakarating kami rito ng maaga kaysa sa inaasahan. Sa totoo lang ay wala kaming plano at kagaya ni Juna ay wala rin akong kaide-ideya kung saan kami magsisimula. Hindi naman kami pwede na magtanong tanong sa open field na ito sa kabila ng kumakalat na balita. Para lang kaming mga kuneho na kusang nagpahuli sa mga predators. Hindi naman ako ganun katanga para isuggest yun sa kaniya; napahawak ako sa aking baba para mag isip kung ano ang aming gagawin. “Juna,” tawag ko sa kaniya at nilingon niya naman ako. “Maghiwalay tayo para mas mabilis tayong makakalap ng impormasyon,” sinabi ko sa kaniya ang aking mga naisip. Tiningnan niya ako at itinaas ko na lamang ang aking mga balikat para sabihin sa kaniya na wala akong ideya. Bigla niya na lang ako tinalikuran bago pa ako makapagsalita at ipinagsawalang bahala ko na lang ito para makapagsimula na rin ako sa aking paghahanap. Naglakad ako sa kabilang direksyon kung saan nagtungo si Juna at nag isip ako kung saan ba ang lugar na puno ng chismoso’t chismosa. Siguro ay makakakuha ako ng mas maraming impormasyon doon dahil daig pa ng kanilang mga tainga ang mga satellites sa pagsagap ng balita. At least magiging kapaki pakinabang din iyan sa buhay ng isang tao. Saan kaya sila naglulungga? Ano ang kanilang paboritong tambayan? Saan sila nagkukumpol? AH! Ma try nga sa malapit sa mga kabahayan, halos mga nanay din ang mga madalas na chismosa at ginagawa pa iyong portrayal ng mga pelikula at TV series. Kailangan ko pagkatiwalaan itong basic knowledge na ito. Naging usap usapan na rin naman ang tungkol sa pagkakita kay Emma, ano pa ang magiging sama kung makikinig na rin ako sa kanila? Kaagad akong nagbago ng direksyon dahil patungo sa palengke ang daan na aking tinatahak at naghanap ng mga kabahayan sa barrio na ito. Nang makakita ako ng iskwaters’s lot kung tawagin dahil sa dikit dikit na mga kabahayan na makikita rito ay kaagad ko itong diniretso para mapuntahan ito. I guess sa tindahan muna ako magsisimula kung saan maraming tambay. Kaagad kong inilibot ang aking paningin para mahanap ko kung saan ako makakakita ng tindahan at nang makita ko ito ay kaagad akong kumilos ulit para puntahan ito. May kababaan ang bubong at may dalawang upuang mahaba sa magkabilang gilid. Ang tindahan ay nahaharangan ng grills para maiwasan ang pagnanakaw at may isang mini gate kung saan inaabot ang bayad na kasalukuyang nakakandado. May dalawang lalaki naman na nakaupo na mapayapang tinatapos ang binili nilang potato chips at soft drinks. Nag nakaw tingin ako sa kanila at hindi naman nila ito pinansin. “Tao po!” tawag ko sa tindahan para maagaw ko ang atensyon ng bantay. “Pabili po!” tawag ko ulit nang wala pang sumasagot sa aking mga tawag. Ilang minuto pa ay wala pa rin ang bantay kaya napag desisyunan kong umupo muna para maibsan naman ang ngalay na aking nararamdaman. Baka may ginagawa lang ang bantay na importante. “Hintay ka lang kuya, darating din yan may pagkabingi lang ang bantay,” biglang wika ng isang lalaki. “Baka nga,” bulong ko at naagaw niya naman ang atensyon na kasalukuyang ibinalik niya naman ang kaniyang atensyon sa kaniyang smart phone habang kinakain ang kaniyang potato chips. “Pwede ba kitang matanong?” tanong ko sa kaniya. Actually bakit ko pa nga ba itinanong ito sa kaniya kung nagtatanong na ako. How silly of me. “Ano po iyon?” tanong niya sa akin pabalik at hindi napansin ang pagkakamali ko. Umakto ako na para bang wala lang iyon kahit sa kaloob looban ko ay napakabig deal nito. Napaka paranoid ko rin minsan. “Narinig ko na narito raw yung terorista na ipinalabas sa TV,” mahinang saad ko sa kaniya dahil ayaw ko na marinig ng ibang tao ang aming pag uusapan. “Ay yun po?” malakas na pagkakasabi niya at medyo nadismaya naman ako roon. “Opo, nakita siya rito nung nakaraan at ako nga po ang isa sa mga humabol sa kaniya nung sumigaw yung babae,” masiglang pagkakakwento niya. “Saan niyo siya nakita at saan siya naglaho?” tanong ko ulit sa kaniya. “Doon po sa eskinitang iyon siya nakita nung mag nanay,” turo niya na sumagot naman sa aking tanong. Nilingon ko ito at napagtanto ko na napakalapit lang ng eskinitang iyon sa aming kinaroroonan ngayon, edi tamang lugar pala itong pinuntahan ko. Sumigla naman ang aking mukha at nabuhay naman ang pag asa sa aking puso. “Kaso po tumakbo siya hanggang sa may palengke kung saan maraming tao at doon siya namin nawala,” wika niya pa at humigop siya sa softdrinks na kaniyang hawak hawak sa kabilang kamay at ako naman ay napakamot sa aking leeg iniisip kung saan nga ba tumakbo ang babaeng ito. “Bakit niyo po ba naitanong?” tanong niya sa akin na siya namang ikinagulat ko. Kinabahan ako ng kaunti at napakamot ako sa aking leeg para makapag isip ng agarang palusot. Since bata bata pa naman ang isipan nito ay mabilis ko lang siya na maloloko. “Actually napapunta ako rito dahil isa akong reporter at mukhang tamang tao ang aking nakausap,” papuri ko sa kaniya dahil ang mararamdaman niya mula sa papuri na ito ay matatakluban ang kaniyang suspetya sa akin. Perfect Diversion indeed. “Saang channel po?” sobrang siglang tanong niya sa akin. “Actually free lang reporter ako kung saan ibinibigay ko sa TV ang nakalap kong impormasyon para kumita,” paliwanag ko sa kaniya at bumagsak naman ang kaniyang impormasyon. Masiyado kasing halata kung sasabihin ko sa kaniya na lalabas ako sa TV at pwede akong mahalata dahil sa kaniya. “At least nakatulong ka naman sa impormasyon and that alone is something to be proud of,” awkward na pagkakawika ko at nawalan na siya ng interes sa akin which is a good thing. Tumayo ako sa pagkakaupo at mukhang hindi ko na kailangan ang tindera sa pagkakataong ito dahil may nakausap akong mas credible ang impormasyon kesa sa kaniya. Dumeretso ako sa palengke kung saan dapat ako magtutungo kanina. Well at least this is much a safer path than taking it straight where the chase ended. Naging maingat naman ang aking mga kilos ng makakita ako ng mga pulis sa may mga kabahayan. Hindi ko alam kung ano ang kanilang ginagawa o ang purpose nan. Para mas safe ay kailangan kong mag ingat sa kanila dahil mahirap na. This will not be as easy as I thought it would be. Hindi nagtagal ay kaagad ko rin narating ang palengke kung saan napaka abala ng mga tao rito. Hindi na rin ako magtataka kung bakit nawala nila rito si Emma. Napakatalino niya rin sa mga delikadong sitwasyon and I am proud of her. Hindi katulad sa mga typical na palengke na aking nakikita o napupuntahan, ang palengkeng ito ay para kang nasa isang supermarket sa loob ng mall, dahil sa nakatiles at sobrang linis ng paligid. Napakaayos din ng pwesto ng mga nagtitinda rito. Hindi ko alam saan magsisimula dahil sa dami ng tao at napaka abala pa nila sa pagkakataong ito. Maigi na bumili na lang ako ng aming maluluto mamaya para hindi na rin sayang ang pag istorbo ko sa mga nagtitinda rito. Inilibot ko ulit ang aking mga mata at sinubokan ko na iassess ang mga nangyari nung araw na iyon. Sinubukan ko na mag isip na parang si Emma. Ano kaya ang kaniyang gagawin? Siyempre mag blend in sa dami ba naman ng tao rito. Saan siya pupunta? Saan ang lugar na most likely na malulusotan niya ang mga humahabol sa kaniya? At base sa nakausap ko kanina ay may mga humabol sa kaniya nung sumigaw ang babae nung makita niya si Emma at ang aking basic knowledge sa mga kumukuyog sa mga magnanakaw ay mga kalalakihan lamang. So kung ako ang isa sa mga humahabol kay Emma saan siya pupunta na hindi ko maiisip na puntahan at magtago siya? Ano ang lugar na iyon? Which I least expect it? Kaagad na natigil ang aking mga mata sa isang lugar kung saan ang lugar na iyon. Least expected at bawal puntahan ng mga lalaki. Comfort room ng mga babae. That was genius! Hide in a plain spot. Well this is most likely it dahil sa lugar na ito ay wala na siyang pwede pagtaguan bukod dito. Kaagad ako lumapit sa lugar na iyon at may mga kalapit na tindahan ng baboy naman dito. Well this works a lot for me. “Excuse me,” tawag ko sa atensyon ng tindera na abala sa pagkausap sa iba niyang customers. Kaagad siyang tumingin sa akin at sa hindi ko malaman na dahilan ay napatigil siya sa kaniyang kilos. Napataas ang aking kilay. Nanginginig ang kaniyang labi at nagsitinginan naman ang mga katabi ko. Hinugot ko ang aking smart phone at kaagad kong tiningnan ang aking itsura kung ano ba ang mal- OH s**t! Kaagad kong itinulak ang aking mga katabi ng makita ko wala na ang alteration sa aking mukha at kita na ang aking normal na mukha. Nagsigawan naman sila at tinakpan ko ang aking mukha, ang mga nakakasalubong ko ay itinutulak ko patabi mahina para masiguro ko na rin na maiwasan ko ang makasakit kahit sinuman sa kanila. Madulas ang sahig dahil sa mga tubig na nanggagaling sa mga nagtitinda ng isda pero kailangan ko gawin ang aking buong makakaya para hindi ako madulas o mawalan ng balanse. Sa kabilang direksyon ng pinanggalingan ko kanina ako tumakbo dahil may mga pulis doon at liliit lang ang tsansa ko para makatakas. Lumingon ako para makita kung sino ang mga humahabol sa akin. Oh god, what the hell is wrong with this place pati yung mga nakasalubong ko ay hinahabol na rin ako. Sumisigaw sila ng buo nilang makakaya na pigilan ako pero mas mabilis ako sa reaksyon nila. Oh! The way out! Kaagad akong tumakbo papunta run. “Huli ka!” nakangiting wika ng isang lalaki ng mahawakan niya ang aking braso at hindi na ako nag atubili na suntukin siya sa mukha. Sorry I don’t have any choice. Nabitawan niya ako at itinulak ko siya palayo papunta sa mga humahabol sa akin. Napatigil sila para saluhin an lalaki. This would do to stall me some little time. Kaagad akong nakalabas sa crowded na palengke, at kaagad akong nagtago sa isang eskinita. Hinila ko sa aking bulsa kung bakit nawala ang alteration sa aking mukha. Paulit ulit na ang blink ang pulang ilaw dito. Damn it! Bakit nakalimiutan kong icharge ang stick na ito. Parang tumigil ang aking mundo ng may biglang humawak sa aking bibig at hinila ako papunta sa madilim na parte ng eskinita. Sinubukan kong manlaban. “Kalma kalma kalma!,” paulit ulit niyang saad at nilalabanan niya ang aking panlalaban habang patuloy pa rin niya ako hinihila. “Hindi ako kalaban,” wika niya at binitawan niya ako at kaagad ko naman siyang hianrap habang pinupunasan ko ang aking labi dahil sa kaniyang kamay na napakaasim. “Anak?!” sigaw niya at nanlaki naman ang aking mata. WHAT? Sinubukan kong kilalanin kung sino man ang taong ito na hindi ko inaasahan ang pagdating. To be continued... -Into the Apocalypse-  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD