Alex’s Point of View Pagkatapos naming kumain sa karinderya ay nagpatuloy kami sa aming biyahe papunta sa pinakamalapit na bayan dito kung saan makakapagtanong tanong kami tungkol sa nangyari rito nung nakaraan. Habang kumakain kami ay narinig ko ang dalawang tricycle driver na masiglang nagkekwentuhan habang sila ay kumakain. Magkatabi ang aming mga mesa kaya malinaw kong naririnig ang bawat salita na lumalabas sa kanilang mga bunganga. -Flashback- “Sir ito na po ang inyong order niyo,” biglang salita ng babae kaya napatigil naman kami ni Juna sa aming usapan. Ngumiti ako sa kaniya at inalis ko sa mesa ang mga nakapatong kong mga kamay para magbigay ng espasyo sa mga pagkaing ihahain. Ngumiti naman ako sa kaniya at binigyan ko siya ng tip para sa maayos na serbisyo. Nakita ko sa kaniya

