{3} Nagbabadyang Panganib

1882 Words
Alex’s Point of View Maaga akong nagising dahil sa aking alarm na kanina pang umaga nangungulit. Ala-singko  pa lang ng umaga ay tumutunog na ito, ngunit lagi kong pinipindot ang 10-minute snooze option hanggang sa umabot na ang ala-sais ng umaga. May appointment kami ngayon ni Emma ng alas-otso sa Gen. Trinidad Private Hospital. Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan kung ano na ang petsa ngayon dahil hindi ko na rin masundan ito. January 25, 2021 Patong-patong ba naman ang mga ginagawa ko nitong mga nakaraang buwan. I am really happy that this happened in my life and I officially beat cancer.  Ma, gagaling ka na rin. Tumayo ako at dumeretso sa banyo para maligo, tinanggal ko ang aking mga saplot at dumeretso sa shower. Pinihit ko ito at bumuhos ang malamig na tubig sa aking katawan na siya namang nagbigay ng ginaw sa akin. Matapos ay nagsipilyo ako at nagbihis after. Nagsuot ako ng isang puting polo at fitted slacks pants, para hindi naman ako magmukhang estudyante dito sa aking suot. Kinuha ko ang aking phone at tiningnan ang oras. 6:54 am Maaga pa pala, napagdesisyunan ko tingnan ang mga research notes ko tungkol sa MMED, at ang schedule sa international release ng gamot. Lahat ng tao sa bawat kasulok-sulokan ng planetang ito ay matatanggap ang gamot dahil ang gas type ang napagkasunduan namin ng pangulo na ipakakalat para masigurado ko na hindi ito magiging dahilan ng hidwaan sa mga bansa. Baka ako pa ang maging dahilan ng World War 3, kaya sinigurado ko na lahat ay makatatanggap nito. Since this bio-engineered microorganism has evolved more since nung last documentation namin. Naging prokaryotic na ito, kaya hindi na problema ang production ng gamot dahil ang mga prokaryotic organism ay kaya mag clone ng kanilang sarili, except for this guy. BUT, in these past months it continues to evolve for instance it developed a thick shell-like wax as its protective layer and it can survive being airborne for a year. Hindi lang iyan, naging multi-drug resistant din ang mga MMED cells sa katawan ng mga past patients ko and this may help to last longer or maybe, forever na ito sa katawan ng tao to keep the cancer cells in check. I hypothesized that every MMED cells will be drug resistant once na nakakapit na ito sa mga tao. Kamangha-mangha ang evolution nito kaya I am very proud of myself discovering this concept in life. Dumeretso na ako sa kotse ng matapos na ako mag-ayos at thirty minutes na lang bago mag-alas otso. Pinaandar ko ito at tinahak ang daan papunta sa bahay nila Emma para sunduin siya, knowing her sigurado na sesermonan nanaman ako nun na parang nanay ko kapag nalate ako. Nagpatugtog ako ng mga musika para hindi ako antukin sa daan at maaksidente. Makalipas ang sampung minuto ng pagmamaneho ay narating ko rin ang harap ng bahay ni Emma at tinext ko siya para ipaalam na narito na ako. Mabuti na lang at hindi matraffic ngayong araw kaya nakarating ako ng maaga. Kinuha ko ang isang tinapay sa aking tabi na aking binili kanina sa daan at binuksan ito para kainin, kinuha ko naman ang baso ng mainit na kape sa aking harapan na siya ring binili ko at humigop dito. Sumasabay ako sa endayo ng musika habang ako ay kumakain ng aking almusal para hindi ako mainip sa paghihintay kay Emma. Sigurado akong matatagalan nanaman yun, mga babae nga naman.  “Alex,” tawag sa akin ni Emma. Nilingon ko ito at kumaway naman sa akin ito. That took longer than I thought. “Tagal ha,” reklamo ko sa kaniya. “Ang sabi ko kasi alas-otso, hindi 7:30,” pagrarason niya sa akin. ... Ha? Kapag maaga ako, ako pa rin ang mali? I really don’t get girls. “Sakay na,” utos ko rito. “Hindi mo man lang ako pagbubuksan ng pintuan?” reklamo niya. Demanding pa talaga. “Andito na ako, it will be a waste of energy,” sa pagkakataong ito ako naman ang nagrason sa kaniya. Napasimangot ito at kung may ano pang binubulong habang padabog na sumakay sa kotse. “Kahit kailan talaga, hindi mo ba alam ang maging gentleman?” pang-uuyam niya sa akin na ikinangisi ko naman. “Nah,” tanging nasambit ko at inilagay ko na sa aking bibig ang huling piraso ng tinapay na aking kinain at ininom ang huling higop ng kape. Pinaandar ko ang kotse at muling tinahak ang lugar na aming pupuntahan. “Ano ba ang nangyari at biglaan naman yata ang ating appointment sa kanila?” tanong ko sa kaniya habang abala siya sa kaniyang logbook. “Tumawag sa akin ang aking assistant na doktor kagabi at ipinaalam na may miseryosong kaso ng pagkamatay ang isa sa kanilang pasyente,” paliwanag niya sa akin at tumango na lamang ako.  Isa si Emma sa mga kilalang doktor sa larangan ng medisina sa Kahalangdon at hindi na ako magtataka pa kung marami ang nangangailangan ng kaniyang galing dito.  Ang hindi ko lang alam ay kung bakit pa ako  kasama. “Bakit pala kailangan kasama ako?” hindi ko na napigilan ang aking pagtataka at tinanong ko na ito sa kaniya. “Sabi niya kasi sa akin na kailangan ay naroon ka rin daw, baka sakaling may maitulong ka,” sagot niya sa aking tanong. “Ganun ba? Mukhang importante talaga ang pupuntahan natin,” masama ang kutob ko. Kahit kailan ay hindi pa ako napatawag sa mga ganitong pangyayari. “MmmmHmm,” sang-ayon niya sa akin kasabay ang isang tango. Itinutok ko ang aking atensyon sa kalsada habang tutok na tutok si Emma sa kaniyang binabasa. “Ano ba iyang binabasa mo?” muli akong nagtanong. “Yung mga findings sa katawan ng pasyente,” sagot niya. “Ano raw sabi?” “Malalaman mo mamaya,” pagbibitin nito sa akin. “Ang weird talaga ng kaso na ito at hindi rin ako makapaniwala rito sa aking nababasa at mapapatunayan lang natin na totoo ito once na makita na natin ang actual na katawan,” pahabol niya. Hindi na ako umimik at tahimin na lang na nagpatuloy sa aking pagmamaneho- Bigla akong napatigil ng may isang kotse sa aming harapan ang nawalan ng kontrol at papunta ito sa aming direksyon. “MABABANGGA TAYO!” sigaw ko. Agad kong pinaharurot ang sasakyan paatras at sa kasamaang palad ay may kotse rin na paparating sa aming likuran. Nilingon ko ang buong paligid umaasa na may malilikuan ako. Sa awa ng Diyos ay nakakita ako ng isang kanto at agad kong iniliko ang aking sasakyan papunta rito. Bumangga ang kotse sa isang puno at agad namang bumaba si Emma para tingnan kung ano ang nangyari sa driver. Laking pasasalamat ko naman ng wala ng iba pang nadamay sa pangyayari tanging ang isang matibay na puno lamang. “Tumawag ka sa 911,” sigaw nito sa akin at agad ko namang kinuha ang aking cellphone at dinial ang 911. Nagring ito at agad naman itong sinagot ng isang babae. “911, what’s the emergency?” bungad nito sa akin. “There’s an accident that happened here in Brgy. Anklo in front of a flower shop,” agad kong sinabi ang mga nangyari. “What happened sir? So we can send a personnel in the area right now,” mukhang hindi ko nasabi ng maayos ang mga pangyayari. “There’s a car accident here, thankfully ay walang iba pang nadamay at I think na yung nasa kotse lang ang nasaktan,” kalma kong inilahad sa kaniya ang inaasahang sagot. “We’ll send an ambulance there ASAP,” naputol ang kabilang linya at inayos ko ang pagkakapark sa sasakyan at bumaba para puntahan si Emma.  Nang makarating ako sa kotseng bumangga ay nakita ko ang mga tao na ibinababa ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa kaniyang late forty’s na. Wala itong malay at nagdudugo ang ilong nito at kaagad naman itong pinuntahan ni Emma para tingnan. “Doktor po ako,” narinig kong pagkakasabi niya at tumabi naman kaagad ang mga tao. Tiningnan niya ang pulso nito at pinakiramdaman ang t***k ng kaniyang puso. Agad naman akong tumakbo papunta sa kaniya para makatulong sa mga procedures na kaniyang ginagawa. “Doktor po ako,” pinaulit-ulit ko ang katagang iyan habang pinagsisiksikan ko ang aking sarili sa mga taong nakikiusyoso sa mga pangyayari at hindi nila ako namukhaan dahil sa abala sila sa pagalam ng nangyari. Nang malampasan ko na ang kapulongan ay agad kong dineretso si Emma na patuloy sa pag-iling habang ginagawa ang CPR sa lalaki. “What happened?” I’m prepared for the worst. “His heart is not beating,” nagpapanik ito at patuloy pa rin sa pag CPR sa kawawang lalaki. “Tumawag ka na ba sa 911?” habol na tanong nito. “Oo, ang sabi nila ay agad daw silang magpapadala ng ambulansya dito,” nakahinga naman ng maluwag si Emma. This is the second time that I witnessed a car accident at parang nagiging common na ito dahil nakikita ko sa balita ng mga nakaraang araw ang ilang road accidents dito sa aming area. Tiningnan ko ang biktima at nanlaki naman ang aking mata sa aking nakita, biglang pumasok sa aking utak ang sinabi noon ng enforcer sa akin. Nagdurugo ang ilong nito ng sobra. “Emma, yung pagdugo ba ng ilong niya ay dahil sa impact nung pagkakabangga?” tanong ko sa kaniya. “I am not sure, why but let’s found out once na nadala na siya sa hospital,” sabi niya habang abala pa rin ito sa pag CPR sa lalaki. Sang-ayon naman ako sa kaniya dahil interesado rin ako malaman ang dahilan ng pagdurugo ng ilong dahil sa balita ay nabanggit din ito sa iba pang naaksidente na driver. Hindi lang ito isang simple na coincidence. Nakarinig naman kami ng wang-wang at agad naman nagsitabihan ang mga tao. Agad na bumaba ang mga medical staff dala-dala ang isang stretcher tsaka pumunta ito sa amin. Nagulat naman sila ng makita ako. “This is an emergency,” singit ni Emma at pinaalala sa kanila ang dahilan kung bakit sila narito. “Kung maari pwede mo ba siyang dalhin sa Gen. Trinidad Private Hospital? Don’t worry sagot ko kayo at siya,” utos ko sa kanila. “Masusunod po,” sagot niya sa akin bilang pagsunod sa aking inutos. Sa paraang ito ay makakatipid kami sa oras at enerhiya na gagamitin tsaka masyado na akong binusog ng kuryosidad sa mga pangyayari, at nasasabik na akong malaman ang mga dahilan na nasa likod nito. “Diba siya yung miracle doctor?” rinig kong sambit ng isa sa mga tao sa kapulongan sa aking likod. Agad ko namang binilisan ang aking lakad para maiwasan ang komosyon na mangyayari. Hinarap ito ni Emma. “Sorry guys, but this is an emergency! Dr. Alex is not here to please the crowd,” sigaw nito sa kapulongan at sigurado akong hindi ito nagustuhan ng masa kaya ikinaway ko nalang ang aking kamay sa kanila at binigyan ng isang ngiti. Bigla naman silang nagpalakpakan at naghiyawan at hindi ko naintindihan kung bakit nila ginawa iyon, pero sigurado ako na nagustuhan ko ang pakiramdam na ito. “You’’ve became generous,” puri sa akin nito. “Dati ay tinatakbuhan mo lang ang mga tao rito.” “Syempre ako pa, dapat gayahin mo ako. Mabait na tao,” taas noo kong pagkakasabi sa kaniya. “At yumabang na rin,” pahabol nito at tinawanan ko lang siya. Nakarating kami sa kotse at sumakay dito, sa pagkakataong ito ay pinagbuksan ko na siya ng pinto na kaniya namang ikinatuwa for some reason. Sumakay na rin ako at pinaandar ang makina ng kotse. Huminga ako ng malalim bago patakbuhin ito para ihanda ang aking sarili sa nagbabadyang panganib.                                                                                -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD