{4} Unsure Thoughts

1980 Words
Alex’s Point of View Nakarating kami sa hospital at agad naman kaming bumaba ni Emma sa kotse para pumasok sa loob nito. Dumeretso si Emma papunta sa kaniyang assistant at ako naman ay tumigil para magtanong sa lobby. “Asan po yung lalaki na naaksidente ngayon?” tumingala sa akin ang isang babae. Gaya ng inaasahan ko ay nanlaki ang mga mata nito at hindi makapaniwala sa taong nasa kaniyang harapan. Ako lang to, kalma. “E- e sa Emergency Room po,” nauutal niyang pagkakasabi sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at nagpaalam na para puntahan ang emergency room na kaniyang sinasabi. Bigla akong napatigil sa aking paglakad dahil hindi ko pala alam kung nasaan ang emergency room. Muli kong nilingon ang nurse sa lobby at tinanong siya. “Saan nga po pala ang Emergency Room?” tanong ko. “Doon po,” sagot niya sa akin. Napahiya ako run, grabe! Agad-agad akong naglakad paalis sa lobby at tinahak ang daan na kaniyang tinuro papunta sa Emergency Room. Nang marating ko ito ay nakabukas ang kulay pula na ilaw at ibig sabihin nito ay hindi pwede pumasok o manggulo, dahil may nangyayaring operasyon o pasyente na nasa state of emergency talaga. Yung lalaki yata na naaksidente, hindi ko inaasahan na ganito kalala ang kaniyang inabot. Naramdaman ko naman na nagvibrate ang aking cellphone sa bulsa. Kinuha ko ito at binuksan para mabasa ang mensahe na aking nakuha. “From: Emmatot Pumunta ka rito sa Operating Room, and don’t forget to wear PPE.” Siguro ay makapaghihintay muna ito si manong. Naglakad ako papunta sa operating room at mukhang importante ang ipapakita sa akin ni Emma. Nang marating ko ito ay wala akong ideya kung saan kukuha ng PPE. Muli kong kinuha ang aking cellphone at tinext siya na narito na ako sa operating room pero wala akong ideya san kukuha ng PPE. Agad namang nag vibrate ang cellphone. Bilis mag reply. “From: Emmatot Wala pa kami riyan sa operating room. Pumasok ka sa opisina na katabi niyan, andito kami.” Kahit kailan talaga. Agad kong inilibot ang aking paningin para mahanap ang sinasabi niya opisina. Isang kwarto ang nakaagaw sa aking pansin dahil may name plate ito sa ibabaw ng pinto Dr. Junnaliza Gertrude Huminga ako ng malalim dahil ito lang ang opisina na nakita ko. Kumatok ako sa pintuan, umaasang si Emma ang mag bukas sa akin ng pintuan. “Saglit lang!” isang hindi na pamilyar na boses ang aking narinig, sapat ng dahilan para pagpawisan ako. Naririnig ko ang mga yabag papalapit sa akin at patindi na ng patindi ang aking kaba. Mapapahiya na naman ako. I had enough. Napahiya na ako kanina. Magpapaka man of my own actions ba ako o tatakbo? This is a crucial decision. Wala na akong ibang magagawa kundi... TUMAKBO! Bago pa man ako makatakbo ay napagbuksan ako ng pintuan ng isang hindi pamilyar na mukha gumuho ang aking mundo. “San ka pupunta?” tanong nito sa akin. Nilingon ko siya hopin’ na madadala ng isang ngiti ko lang. “Oh my! It’s your one and only Dr. Alex. Ano kaya ang kailangan sa akin ng isang miracle doctor,” don’t exxagerate things please, lalo lang ako napapahiya. “he-he-he, wrong room I guess,” inaasahan ko na ang kausap ko ngayon ay ang pangalan na nakalagay sa template kanina. “Come in, come in mukhang wala ka namang ginagawa at may panahon kang magkatok-katok sa mga maling pintuan,” aya niya sa akin. Pakiramdam ko ay nagpipigil lang siya ng tawa dahil sa aking katangahan. Ano ka ba naman Alex! Pangalawa mo na ito! Dahil nga sa sobrang napahiya na ako ay  tinanggap ko ang kaniyang alok at pumasok sa kaniyang opisina. Kasalanan mo ito Emma, may araw ka rin sa akin. Nakarinig ako ng mahinang hagikhik sa aking likuran at agad naman akong lumingon. Nakita ko si Emma na nagpipigil na sumabog ang tawa. Nalaglag ang aking panga sa aking nakita. “You should have seen your face!” pang-aasar niya sa akin. Kasunod naman nito ang pagsabog ng tawa niya at nakitawa na rin ang doktor sa aking likuran. Lalong namula ang aking mukha sa kahihiyan. “ He-he-he, wrong room I guess,” umakto ito gaya ng ginawa ko kanina at ngumiti na ginawa ko rin kanina. Kahit mali ang sequence ng mga pangyayari ay napahiya pa rin ako. GOODNESS! Was this all planned from the very beginning? May araw ka talaga sa akin. “You didn’t tell me that he is a funny man,” komento ni Dr. Junnaliza. Nakaramdam na naman akong pagkapahiya. Maalala ko lang ang mga nangyayari kanina. ABSOLUTE CRINGE. “You got that right,” tugon naman ni Emma habang patuloy pa rin sa pagtawa. Dumeretso na lang ako sa isang upuan nilampasan si Dr. Junnaliza na natatawa pa rin. I thought she was just an assistant. I never expected this to happen. Pumwesto na rin ang doktor sa kaniyang lamesa. Gather your composure Alex. Pumwesto rin si Emma na sinisiko-siko pa ang aking tagiliran. Binigyan ko siya ng tingin na nagsasabing “tama na please”. Umimik ito at tinuro si Dr. Junnaliza. “Enough with the comedy, honestly Emma just plot that prank on you once she texted you to come here. We’re best friends that’s why I couldn’t help to tag along,” paliwanag niya at medyo nabunutan naman ako ng tinik at nakahinga ako ng maluwag. Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na may matalik pang kaibigan si Emma at wala ng iba pang itinuturing na kaibigan bukod sa akin. All I know that she has an assistant that is always with her. “Magkababata kami in short,” singit ni Emma. “Bakit assistant tawag mo sa kaniya?” tanong ko. “Nung bata pa kasi kami, ay bossy na talaga to si Emma at ako lang ang matibay na nakatiis sa ugali niyang yan,” mapang-asar na tumingin ito kay Emma. “Kaya assistant ang tawag niya sa akin dahil ako lang ang bata noon na tinatawag siyang boss kaya napagdesisyunan namin na ganun na lang ang aming tawagan bilang tanda ng aming pagkakaibigan,” pagpapatuloy niya. “Unfortunately, nung college ay sa abroad ako nag-aral para talagang maging rightful ako bilang assistant ni Ma’am Amelia,” pagtatapos niya. Simula pa lang ay inakala kong ipinanganak na loner ang babaeng ito. “This is a surprise,” komento ko sa mga sinabi niya. “The reason I called you two here is because that we found out a mysterious case of death,” tumingin siya kay Emma. “I’m pretty sure that you received the information that I sent you last night,” pagsisigurado nito kay Emma at tumango naman si Emma at kinuha ang kaniyang logbook na kaniyang binabasa kanina. “It says here that the victim has organs missing when you open the corpse up. This includes one lung, one kidney, the liver, and the heart. Also the other organs were half eaten, right?” pagpapaikli niya sa mga nakasulat sa kaniyang logbook. Oo, interesado nga ang kaso na ito at nakakatakot sa parehong pagkakataon, dahil kung tila bang may pandemyang paparating sa bansang ito. “Unfortunately when we checked the body this morning, the intestines were also gone. We were alerted by this and speculated that this is some kind of parasite that the world has never seen before,” kinilabutan ako sa ako sa aking mga narinig, dahil hindi pwede na makawala ang parasite na iyan sa hospital na ito. Napatayo si Emma at pinagpapawisan ito masyado. “Did you quarantine the body?” kinakabahang tanong nito. “Y-yes... only this morning,” nauutal na tugon nito. “What if the parasite finds a new host? This is a disaster,” napapraning si Emma samantalang ako rito ay nakaupo lamang pinagmamasdan ang dalawang babae na magpanic. Kahit ako ay hindi alam ang sasabihin sa kanila at naguguluhan ako sa mga nangyayari. Parasite? Disaster? GOODNESS! “We’re pretty sure that the parasite didn’t jump out of the host,” pagpapanatag nito kay Emma. “Burn the body immediately,” utos nito kay Dr. Junnaliza. “What about the family?” nag aalalang tanong nito kay Emma. “I’ll deal with them. We can’t afford this thing get out,” bahid ang takot sa kaniyang mukha. “Take a look with this Alex,” inabot sa akin ni Emma ang logbook. Binuksan ko ito at nakita ang mga larawan na kaniyang tinitingnan kanina. Halos masuka ako sa aking nakita dahil sa mga parang kinagatan ng isang hayop ang mga lamang loob ng pasyente. “Siguro kaya naman ng MMED to deal with this thing?” hindi sigurado kong komento sa kaniya. “Are you out of your mind Alex? This is a living creature we’re dealing with, the MMED is only designed to eat harmful cells and dying cells in our body,” napatigil naman ako sa kaniyang mga sinabi. Could it be that... No! This can’t be right. Mali ang iniisip ko, hindi ito totoo. “Then, give me a sample and I’ll make the MMED adapt. Hindi malayong mangyari ito dahil mabilis na nageevolve ang aking nilikha,” sabat ko sa kaniya. “No, we will burn the corpse right away. We can’t afford to have an another victim right now,” madiing pagkakasabi sa akin ni Emma. “But-“ “No buts, alam mo bang kaya nitong guluhin ang buong bansa kapag nagkaroon pa ito ng ibang biktima?” pinutol niya ang aking sasabihin at nagbigay ng rason sa kaniyang mga aksyon. “Paano yung pamilya ng pasyente?” muli ko siyang tinanong. “Sinabi ko na kanina ah, I said that I’ll deal with them,” naiiritang sagot niya sa akin. “Atleast tell them the truth,” nagmakaawa ako sa kaniya. “No! Hindi dapat ito  lumabas sa publiko. Ako na ang bahala sa kanila,” nagmatigas pa rin siya sa akin at naglakad palabas sa opisina at naiwan kaming dalawa ni Dr. Junnaliza sa opisina. “Sa totoo lang kahit ako ay natatakot sa mga nangyayari,” biglang nagsalita ang natahimik na doktor. “Naaawa ako sa pamilya ng pasyente,” wika ko. “Kahit naman ako ay naawa sa kanila, but Emma is right we must look at the bigger picture here. Kung lalabas sa publiko ang mga impormasyon na ito ay siguradong magkakaroon ng state of emergency ang buong bansa,” paliwanag niya sa akin. “May MMED na bakit pa sila magkakagulo?” rason ko. Kahit ako ay hindi sigurado sa aking sinasabi dahil ako ang unang nag aalangan sa aking nilikha. “We can’t be so sure Alex, mas magandang sigurado tayo,” sagot niya sa akin. Napahilamos ako sa aking mukha dahil hindi ko rin alam ang aking gagawin kung sakaling makawala ito sa buong bansa. Natalo na nga nami ang cancer at meron nanamang lumabas na panibagong sakit sa mundo. Well I’ll research and make MMED adapt faster pero paano? Kung sa simula pa lang ay wala na akong sample nung parasite. Isinandal ko ang aking likod sa aking inuupuan at tumingin sa kisame. Panibagong problema nanaman. May isa pa akong problema, ang misteryo sa likod ng mga car accidents na nangyayari. Kelangan ko na malaman para mabigyan na ako ng peace of mind at malaman ang aking gagawin sa mga nangyayari ngayon. I know that I am the creator of something great and also called as Miracle doctor, but I can’t help it but to think of unsure thoughts. -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD