{5} Takot Sa Ating Puso

1938 Words
Alex’s Point of View Nag-aabang ako sa emergency room ngayon, at nakabukas pa rin ang kulay pulang ilaw; hindi pa rin tapos ang nangyayari a loob. Pansin kong nagkakagulo ang loob ng hospital at masyado nang nagiging busy ang mga tao rito. Pinagmasdan ko ang dedikasyon ng mga tao rito. Ang hirap pala magtrabaho sa isang hospital, dahil nasa mga kamay nila ang kaligtasan at buhay ng pasyente. Tahimik akong naghintay at patuloy ko na lang pinagmasdan ang mga kamangha-manghang mga medical staff dito. Nakakainip na rin ang maghintay rito, pero itong aking utak ay hindi makukuntento hanggang hindi ko nalalaman ang misteryo sa likod ng mga pangyayari. Sigurado akong nasa kaniya na ang sagot sa mga katanungan ko. Tsaka, nangako ako sa aking sarili na sasagutin ko ang kaniyang gastusin sa hospital. Nagbasa basa ako ng mga balita sa aking cellphone at nagpatuloy lang sa pag scroll down hanggang sa naagaw ng isang headline ang aking atensyon. ‘Mga Rallyista ay nagkatipon sa harap ng Palasyo’ Pinindot ko ito at binasa ang artikulo. Napag alaman ko na ang dahilan ng kanilang pagkakatipon ay dahil sa isang senador na di umano ay nasa likod ng mga pagpatay sa magsasaka sa Buena Eciha. Kilala rin ang senador na ito sa pagmamay ari ng mga subdibisyon at pagpapatayo ng mga bahay sa mga lugar na kung saan dapat ay gawing sakahan. Sikat din siya sa mga memes about sa lupa at umano’y may mga magsasaka na hindi pumayag ipagbili ang lupa nila para patayuan ng shopping mall. Kaya ayun matapos ang ilan pang negosasyon ay pinapatay na lang ng mga tao ng senador daw ang mga magsasaka. Sigurado naman daw ang mga rallyista na hindi coincidence ang mga pangyayari dahil napasakamay ng senador ang titulo ng lupa. Grabe! Ang bansang Kahalangdon ay minsan na ring nakilala bilang “Rice Bowl of Osya” at ngayon ay nagkukulang na nga sa stock ng bigas ang buong bansa ay patuloy pa rin nilang sinisira ang mga sakahan. Gaano ba kaimportante ang mga mall at subdivision na yan, kung sapat na ang meron tayo ngayon. Hindi lang iyan, patuloy na naghihirap ang mga magsasaka dito sa ating bansa dahil sa pagbaba ng presyo ng bigas. Nalulugi na ang mga magsasaka dito sa bansa... Idagdag pa ang mga kapitalista na pinagsasamantalahan ang kanilang mga magsasaka na binabayaran na mas mababa pa sa minimum wage. This is absurd! Kaya ang henerasyon ng mga kabataan ngayon ay nakatutok na lamang ang kanilang mga mata sa propesyon na makakatulong sa kanila na yumaman. Dadating ang panahon na walang matitirang magsasaka sa bansang ito at patuloy ang pag aangkat ng bigas galing sa ibang bansa. Hindi masama ang pag-unlad kung hindi ito makakasira sa kalikasan. Naputol ang aking mga iniisip ng biglang lumabas ang doktor sa emergency room at namatay naman ang pulang ilaw sa ibabaw ng pinto. Agad akong tumayo at pinuntahan ang doktor. “Dok, ano pong nangyari sa pasyente?” agad-agad akong nagtanong sa kaniya. “Oh Dr. Alex, the Miracle doctor!” mahinang sigaw nito ng nakita niya ang aking mukha. I should wear a disguise next time. “I’m a fan,” habol pa nito. Binigyan ko na lang siya ng ngiti at nakipagkamay sa kaniya. “About the patient?” nag aalangan kong muli siyang tinanong. “Oh! Sorry,” agad naman siyang natauhan at humingi ng despensa. “What patient? There are multiple patients here,” tanong niya. “Yung galing sa car accident,” sagot ko sa kaniya. “All of them are from a car accident and there is one in a critical condition kaya isinara namin ang ER kanina,” napanganga ako sa kaniyang sinabi. Multiple car accidents in one day? Huminga ako ng malalim. “Yung nagdudugo ang ilong, as in non-stop,” muli kong pagkakasabi at napataas naman ang kilay nito. Nabuhayan naman ako ng loob na baka nakuha na niya ang tinutukoy ko. “Unfortunately...” bumagsak ang aking balikat. “All of them has the same nose bleeding condition,” at muli nanaman akong napanganga sa aking narinig. WHAT?! Are you kidding me? Pinili kong alalahanin ang kaniyang itsura at idinikta ko ito sa doktor na kausap ko ngayon. “Oh Mr. Suarez, I thought he was one of your relatives but judging on how you describe him right now... I am not sure about that,” umakto ito na nakuha niya na ang tinutukoy ko. “Your judgement is right, so where is he? Did you contact his family?” agad-agad kong tanong sa kaniya. “He’s there, remaining unconcious and yes, his family is on their way here” sagot niya. “I’m Dr. John by the way,” pagpapakilala niya sa kaniyang sarili. “Nice meeting you, Doc John,” agad akong umalis matapos kaming magkamay muli. Kumuha ako ng papel at isang ballpen sa isang malapit na lamesa at isinulat ang aking cellphone number tsaka isang mensahe. “Iabot mo ito sa kaniyang pamilya kapag dumating na ang kaniyang pamilya ha,” bilin ko sa nurse na nakapwesto sa lamesa. “Siguraduhin mo na maiaabot mo yan dahil buhay ng pamilya ang nakasalalay riyan,” pananakot ko rito at mukhang natakot naman ito kaya kampante ako na maiaabot niya ang mensahe. Naglakad ako palabas ng hospital para dumeretso sa aking kotse pero nakasalubong ko si Emma at Dr. Junnaliza. “Alex come with us,” kinuha niya ang aking braso at hinila ako kung san man sila pupunta. Tiningnan ko sila pareho pero wala man ni isa lang sa kanila ang nilingon ako para magpaliwanag. What is happening here? Pinanatili kong nakasara ang aking bibig at hindi na nagtanong sa kanila. Muli kaming nakarating sa harap ng opisina ni Dr. Junnaliza at pumasok dito. “Anong nangyayari?” at ngayong nakarating na kami ay siguro ayos lang na magtanong na ako. “Nasunog na ba ang bangkay?” nagtanong ulit ako ng hindi nila sinagot ang aking tanong. “Yes, papunta na sa morgue ang bangkay. Although the family retaliated when they heard that we will burn the body,” sinasabi ko na nga ba. “Huwag muna tayong lalabas. Hintayin na muna nating pakalmahin ng kapulisan ang sitwasyon,” nasagot niya rin ang tanong ko kanina. “Ano ba ang sinabi mo sa pamilya?” tanong ko sa kaniya. “I told them that the patient has an infectious disease that can cause trouble, pero hindi sila kumbinsido sa aking mga sinabi, at nagbigay pa ng mga argumento kung bakit daw siya magkakaroon ng ganong uri ng karamdaman,” mahabang paglalahad niya sa akin. “You lied?” hindi makapaniwala kong tugon. “No! Alex, I told them the truth just the half of it,” palusot nito. “Well, they deserved the whole of it,” banat ko sa kaniya pabalik. “Ilang beses pa ba natin tong pag-aawayan?” inis na tugon nito. “Stop that,” awat sa amin ni Dr. Junnaliza. “What is done, is done... okay?” nilingon-lingon niya kami pareho. “Tama lang ang ginawa namin kasi hindi guaranteed ang safety ng sikreto sa kanila, maari itong mag leak sa public, at Alex gaya nga ng sinabi ko sa’yo kanina... maigi ng sigirado tayo sa mga mangyayari at baka pagsisihan natin ito,” umupo ako sa kaniyang sofa at kinalma ang sarili. “Sorry...” agad akong humingi sa kaniya ng paumanhin. Hindi niya ako pinansin at mukhang mahaba-habang suyuan nanaman ito, dahil dito kaya napagkakamalan kaming dalawa na mag kasintahan palagi. “I didn’t mean to argue with you,” wika ko sa kaniya. Lumingon ka please. Lumingon ka please. Lumingon ka please. Hindi siya lumingon. “Ilalabas kita minsan kapag wala na tayong ginagawa pareho,” inilabas ko na ang alas ko para patawarin niya na ako. “Sige, okay lang,” nagsalita ito. Sa wakas! Ngayon ay makakampante na ako na hindi na siya magdadamdam sa akin pero nabahala ako sa laman ng wallet ko dahil kailangan ko siya dalhin sa mamahaling restaurant. Hindi naman ganun kalaki ang napupunta sa bulsa ko kaya hindi naman ako ganun kayaman pero itong si Emma ay galing sa isang mayamang pamilya kaya hindi ko dapat basta-bastahin ang mga lugar na pupuntahan namin.  Kundi, lagot ako sa papa niya. Muli kong kinuha ang aking cellphone para magbasa basa ng mga balita sa isang website na sigurado akong walang impluwensiya ng gobyerno. Ngunit sa masa ay nalabelan na ito na isang fake news website at lahat ng balita nila ay hindi mapagkakatiwalaan. Puro paninira lang daw sa gobyerno kuno ang kanilang ginagawa. Ganun naman palagi, kapag masyadong mainit at hindi kayang hawakan ng gobyerno ay bubuhosan nila ng malamig na pakikitungo ng masa. Pero hindi kaming mga mulat sa katotohanan at hindi nagbubulag-bulagan sa kanilang mga aksyon. Kahit kitang-kita na ang pagkakamali ay mas pinipili pa rin nila na hindi ito pag-ukulan ng pansin dahil naniniwala sila na mabuti itong pulitiko sa pamamagitan ng pagkilos ng kakaiba hindi tulad ng nakaraang pulitiko at ang mga kaunting mabuting gawa, pero mas marami naman ang kasamaan na nakatago sa likod nito. Nagpatuloy ako sa pag-scroll down at nakakita nanaman ako ng isang headline na kumuha ng interes ko. ‘Estudyante, Pinatay ng Limang Kapulisan’ Ang balita naman na ito ay tungkol sa isang estudyante na hindi umano ay isang drug addict daw. Ang pangalan ng bata ay Kian at nanlaban daw ito sa mga kapulisan kaya nabaril ito sa may dibdib. Ngunit, ang mga ebidensiya na nakalap ay taliwas sa mga sinabi ng pulis. Ayon sa isang CCTV footage ay hinarang ng limang kapulisan ang bata at dinala ito sa isang eskinita. Pinagbubugbog ito at kitang kita naman sa CCTV footage ang pagmamakaawa ng bata. Nang hindi na ito gumagalaw ay nakita rin sa footage na tinaniman nila ito ng droga at nilagyan ng baril sa kamay. Naglagay ng karatula na “p****r ako, wag gagayahin” tsaka umalis. Narinig din ang mga kataga na sinabi ng bata sa mga kapulisan. ‘Huwag po, may exam pa ako bukas’. Ayon naman sa pamilya ng labing-pitong gulang na biktima ay kailanman ay hindi gumamit ng ipinagbabawal na gamot si Kian. Masipag na estudyante ito at mabuting anak kaya kailanman ay hindi ito magkakaroon ng panahon sa ganiyang bagay. Sa mga huling talata naman ng artikulo ay sinasabi rito na hinuli ang mga kapulisan at agad namang nakalaya dahil sa kulang daw ang ebidensya sa kanila. Kaya marami ang nagprotesta dito. “Hustisya para kay Kian”. Ito na nga ang problema sa pagbibigay ng permiso ng pangulo sa mga kapulisan na patayin ang mga nanlaban na drug p****r o user. Ang kaniyang pagbibigay ng dagdag na prebilehiyo sa mga kapulisan para abusuhin ng iba na madidilim ang puso. Hindi sa nilalahat ko pero ganito na nga ang nangyayari laganap na ang EJK sa kaniyang War on Drugs, maraming inosente ang napapatay para makuha ang quota at tataniman pa ito ng droga at isa pa ay ang pagluluksa ng maraming pamilya. Para bang nanunumbalik nanaman ang panahon nung martial law, iyan ang sabi sa akin ng aking propesor. Isa siya sa mga kabataan noon na lumaban kay presidente Gardon sa kaniyang pamamalakad dahil marami nanaman ang nawawalang journalist at namamatay. Kung sa aking mga salita ay masasabi ko nga na semi martial law ang nangyayari ngayon. Hindi lang pagtatanim ng droga ang ginagawa ng ibang kapulisan ngayon kundi ang pagtanim ng takot sa ating puso. -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD