{6} New Disease

2087 Words
Emma’s Point of View “Everything is clear now,” anunsyo ni Alex. Inutusan ko siya na tingnan ang mga nangyayari sa labas. “You sure?” paninigurado ko sa kaniya. “Yes, dinala na sila ng kapulisan para doon na lang mag file ng kaso,” paliwanag ni Alex. “Saglit, tawagan ko lang ang aking abogado at siya ang pahahawakin ko ng kaso,” lahad ko at tumayo ako para pumunta sa isang sulok na walang makakarinig. “Please excuse me,” pahabol kong pasintabi. “I’ll check on something while you’re at it,” nagpaalam naman si  Alex at binigyan ko lang ito ng senyas na bumalik dito kaagad. Nagring ang aking cellphone at hindi niya sinagot ang kabilang linya, kaya muli ko siyang tinawagan. Sa pagkakataong ito ay hindi na nagring ang kabilang linya na siya namang kinainis ko. How dare you? Ayaw ko man gamitin ang kaniyang private number ay dinial ko pa rin ito at ginagawa ko lang ito kapag binababaan niya ako, dahil ipagmamayabang na naman niya sa iba na may koneksyon siya sa akin at pamilya ko. Dinial ko ang kaniyang private number at nang mag ring ang kabilang linya ay kaniya naman agad itong sinagot. “Well hello there mademoiselle,” maarte niyang bungad sa akin sa kabilang linya. “Bakit hindi mo sinasagot ang aking mga tawag ko kanina?” inis kong tanong sa kaniya. “Tayo na ba?” ikinaasar ko naman ang kaniyang tugon sa akin. “Kliyente mo ako, hindi kaibigan! Tandaan mo iyan,” pagpapaalala ko sa kaniya. “My apologies mademoiselle,” maarte na naman niyang pagpapaumanhin. “What case do you need me to handle?” tanong nito. “Pumunta ka sa presinto na malapit dito sa Gen. Trinidad Private Hospital at alegruhin mo kaagad ang mga reklamo nila sa akin,” utos ko sa kaniya. “Sasagutin mo na b-,” hindi ko na siya pinagpatuloy dahil maiinis lang ako sa kaniyang maarteng pangungulit. To the max level na ang kaniyang kayabangan, kung hindi lang siya anak ng isang senador ay matagal na akong nagpalit ng abogado. Magagalit si dad kapag ginawa ko pati iyon. It’s all about connection daw. B*llsh*t! Bumalik naman ako sa sofa at nakita si Juna na abala sa mga papeles sa kaniyang lamesa. “Ano yang tinitingnan mo?” hindi ko napigilan na magtanong. “Oh, this is a patient that is recently diagnosed with cancer and I am fixing his paper to be injected with MMED-P1102,” ikinagulat ko naman ito. Akala ko marami na ang naturukan nito. “During the distribution of MMED as you and the president agreed upon ay only 30% of the Kahaladons are given. Siyempre mas na prioritize dun ang mga taong diagnosed ng cancer at hindi kasama run ang mga bagong nadiagnose ng cancer pero libre ito at ang babayaran lang nila ay check-up at ang ibang papeles,” wika nito. “Yeah, naalala ko na. Thank you,” pagpapasalamay ko sa kaniya. Once na masatisfied na itong si Alex sa kaniyang research ay ipapalaganap na sa buong mundo ang MMED at with just less than a year everybody will be immune to cancer. Although may mga health critics ang against dito dahil nga sa mga unhealthy practices without fearing cancer at marami raw ang maeencourage na gawin ito. “About dun sa  pasyente kanina Juna, wag mo mababanggit kay Alex ang tungkol doon. Spekulasyon ko pa lang iyon,” pagpapaalala ko sa kaniya at binigyan naman ako nito ng isang tango. Alex’s Point of View Matapos kong magpaalam kay Emma ay dumeretso ako sa Emergency Room nagbabakasakali na maabutan ko pa ang pamilya ni Mr. Suarez. Sana gising na siya para matanong ko na sa kaniya ang mga nais kong itanong. Ilang liko pa ang aking ginawa bago marating ang Emergency Room. Pinuntahan ko ang lamesa na pinagiwanan ko kanina ng mensahe para tanungin ito. “Naiabot mo na ba yung pinapaabot ko sa’yo?” tanong ko sa kaniya. “Opo,” magalang niyang tugon. “Nariyan pa ba sila sa loob?” muli akong nagtanong. “Opo,” magalang niya uling tugon. Papasok na sana ako sa emergency room pero naalala ko kung pwede bang pumasok. Muli ko itong nilingon at tinanong. “Pwede pumasok?” binigyan niya ako ng isang tango. Dumeretso ako papasok at tinanong ang nurse na aking nakasalubong as usual nagulat ito. “Asan po si Mr. Suarez?” tanong ko sa kaniya. “Nasa pangalawa pong kama sa kaliwa,” tinuro niya sa akin kung aling kama. Pinuntahan ko ito at naabutan ko ang isang babae na umiiyak. Asawa niya siguro. “Excuse me po,” pasintabi ko. Nilingon niya ako at nagpahid ito ng luha. “Dr. Alex! Upo po kayo,” inabot niya sa akin ang upuan na kaniyang inuupuan at ibinalik ko naman ito sa kaniya dahil ayoko na tinatrato na parang isang importanteng tao. Dahil magkakalebel lang ang lahat ng tao. “Maraming salamat po talaga,” napahikbi itong muli  at tinapik tapik ko ang kaniyang balikat. “Kamusta naman po siya,” pangangamusta ko sa kaniyang asawa. “I-coconfine daw po siya at hindi pa pwedeng irelease,” nalungkot ako sa kaniyang mga sinabi. “Huwag po kayong mag alala at ako na po ang sasagot sa gastusin sa hospital,” pagpapanatag ko sa kaniya at lalo naman itong napahikbi. “Wala po akong hihingin na kapalit, basta po kapag gumising na siya ay tawagan niyo po ang numero na nasa papel. Yung inabot po nung nurse sa inyo kanina,” inilabas niya ang papel at nakita ko ang aking numero dun. “Magpakatatag po kayo ha,” pagpapalakas ko sa kaniyang loob at umalis na ako. Baka magalit nanaman sa akin si Elle. Gusto ko na rin makauwi. Nagtungo ako papunta sa Opisina ni Dr. Junnaliza. Naabutan ko naman si Emma na hayahay na nakaupo sa sofa habang naglalaro sa kaniyang cellphone at si Dr. Junnaliza naman ay abala sa mga dokumento na nasa kaniyang lamesa. Naagaw ng pagbukas ng aking pinto ang atensyon nilang dalawa. “Uwi na tayo?” tanong niya sa akin. “Yep, tara na,” aya ko sa kaniya. Kinuha nito ang kaniyang logbook sa lamesa. “Bye Juna,” nagpaalam ito sa doktor na abala sa kaniyang pagbabasa at itinabi ang kaniyang mga dokumento para mamaalam sa amin. Tumayo ito sa kaniyang lamesa para yakapin si Emma at makipag beso beso. “Ingatan mo ‘to Alex, kapag may nangyari riyan isa ako sa mga makakalaban mo,” banta nito sa akin at binigyan ko na lang siya ng isang matamlay na tango. Mas matapang pa sa akin ang babaeng yan, paano ko yan mapoprotektahan. Lumabas kami sa opisina ni Dr. Junnaliza at tinahak ang palabas sa hospital. Hindi mapakali kakalingon naman itong si Emma, akala niya ay kahit anong oras ay may mang aambush sa kaniya. “Nasa presinto na sila,” pagpapanatag ko sa kaniya at nagulat naman ito. Napangisi ako sa nangyari at kinurot naman niya ako sa tagiliran. “Wala naman akong ginawang masama ah,” reklamo ko sa kaniya at sinamaan niya ako ng tingin. “Malay mo ay merong isa sa pamilya nila ang bigla na lang ako saksakin para gumanti sa nangyari,” takot na tugon nito sa akin. “I’m here don’t worry,” muli kong pagpapanatag sa kaniya. “Wow ha, totoo ba yan?” pang uuyam niya sa akin. Masakit man aminin ay napahiya ako run. Dapat pala ay hindi ko nalang sinabi iyon. Narating namin ang kotse ng ligtas at nang walang nang aambush sa amin. Agad namang pumasok sa kotse si Emma at napailing naman ako na natatawa sa kaniyang mga kinikilos. Ang lakas lakas maghamon ng away siya naman pala ang unang matatakot sa huli. Sumunod na rin ako sa kaniya sa pagpasok sa kotse at sinuot ang aking seatbelt. Matapos kong icheck ang lahat kung maayos na ay pinaandar ko na ang kotse at bigla namang hinawakan ni Emma ang aking braso. “Nagugutom ako,” reklamo niya sa akin. My wallet is shaking. “Diba sabi mo ilalabas mo ako, pwedeng ngayon na?” pagpapaalala niya sa mga sinabi ko kanina at sinimulan ko namang pagsisihan ang  mga salitang iyon. I didn’t expect that it’s this sooner. “Saan mo gusto?” tanong ko sa kaniya at ang pinakadelikadong tanong na naitanong ko sa aking buhay. “Dun sa karinderya na kinakainan mo tuwing college tayo,” muntik na akong mapahinto sa kaniyang mga sinabi. “Hey! Ayusin mo naman pagdadrive, by the way gusto ko kasing matikman yung kanilang luto,” sambit niyang muli. Emma totoo ba ito? “Nung college kasi tayo palagi akong may dala na lunch galing sa mga chef na hinire ni dad sa bahay,” hiyang-hiya naman yung karinderya sa mga chef mo. “Kaya hindi ako makakain sa karinderya nun at tanging pagsabay lang sa iyo ang tangi kong nagagawa. Kahit gustuhin ko man umorder, I don’t wanna waste food as much as wasting my time,” pahabol niya pa. Did I just discovered an another side of Emma? Woah, hindi ko alam na ganito pala siya at ang mga iniisip niya. Dati akala ko ay jinajudge niya ako as a lowly being dahil nasasarapan ako sa mga lutong karinderya. Naiingit lang pala siya, how cute. “Well, I am happy to hear that Emma,” masayang masaya na tugon ko sa kaniya. Wallet you’re safe. Ipinagpatuloy ko ang pagdadrive at tumugtog naman ang kanta ni Jason Braz na ang title ay Lucky. Makalipas ang ilang minuto ay nalampasan ko na ang bahay nila Emma. Binago ko ang aking daan para tahakin ang daan papunta sa aming paaralan nung kolehiyo. Dumaan kami sa mapupunong lugar at may mga ilang kabahayan din na ang mga tao ay abala sa kani-kanilang buhay. Dumeretso ako sa karinderya ni Aling Karen at humanap naman ako ng pwedeng pag parikingan ng kotse. Bumaba ako at dumeretso sa karinderya. Pahabol namang sumunod sa likod ko si Emma, naghintay pa atang pagbuksan ko ng pinto. “Kahit kailan talaga hindi man lang nagpaka gentleman,” bulong nito sa aking likuran.  Narating namin ang karinderya at napansin kong napakaraming tao dito ngunit may mga bakanteng lamesa naman. Nakaramdam nanaman ako ng hiya kay Emma dahil hindi ito ang environment na kaniyang kinalakihan. “This brings back memories, right?” tanong niya sa akin at nakita ko naman ang isang napakagandang ngiti sa kaniyang mukha. Ako lang ata ang concious sa lugar at nag ooverthink sa mga bagay-bagay. I gotta act natural. “Yes, those younger days of ours,” pagsang-ayon ko sa kaniyang mga sinabi. “Tara?” aya ko sa kaniya papasok. Agad niya namang kinuha ang kamay na inilahad ko sa kaniya at bumitaw ako ng makapasok na siya sa karinderya. Nanguna ako sa daan at tinahak si Aling Karen habang pinapaypayan ang ibang ulam sa mga nagliliparang langaw sa paligid. Open space ang lugar na ito kaya hindi na rin maiiwasan iyon. “Oh Alex, bumalik ka nanaman diba sabi ko sa iyo dapat sa restawran ka na kumakain dahil sikat ka na,” biro ni Aling Karen sa akin. “At sino yan girlfriend mo?” napansin niya si Emma sa aking tabi. “Ay hindi po, si Emma ito kaibigan ko yung palagi po naming kasama noon ng propesor,” pagpapaalala ko sa kaniya. “Ahhhh naalala ko na. Oh siya pumili na kayo ng ulam dito, miss pasensya ka na sa mga luto ko pero masarap iyan,” pagpapanatag niya kay Emma. “Wag po kayo magpaumanhin, mukhang masasarap nga po ang ulam niyo rito,” magalang na ganti naman ni Emma. Umorder kami at kumuha naman ng limang rice si Emma na siya namang nagpabilib sa akin at dalawang ulam samantalang ako ay isang adobo lamang tsaka dalawang extra rice. Talagang nakumbinsi mo ako na dito mo talaga gusto kumain. Habang kumakain ako ay masaya ko siyang pinagmamasdan na masayang kumakain sa mga inorder niya kahit marami ito. Napansin ko naman na kanina pa tumitibok ng mabilis ang aking puso at hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman na tila ba ay may naglalaro sa aking tiyan. I can’t help it but to wonder. Is this a new disease?  -Into the Apocalypse-    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD