-December 30, 2020- Someone’s Point of View “Dr. Alex, our miracle doctor is here,” nagsalita ang host ng pumasok si Dr. Alex sa field of view ng camera. Buong bansa ay nakatutok ngayon sa interview ni Dr. Alex dahil dalawang araw mula ngayon ay matatanggap na ng mga taong nadiagnose ng cancer sa buong Kahalangdon ang kaniyang miracle medicine. Kasama na run ang aking lola na nadiagnose ng breast cancer. Laking pasasalamat ng aking tatay sa kaniya dahil nawalan na kami ng pag-asa na mailigtas si lola pero ayan bigla siyang lumabas. Nung una ay inakala namin na kakailanganin pa namin ng malaking halaga ng salapi para makuha ang gamot na iyan, ngunit ito lang kami may kaya lamang na pamilya at hindi kaya tumbasan ang magiging halaga ng gamot. Nagkamali kami, dahil inanunsyo sa balita nung

