Emma’s Point of View “Juna, ano balita?” tanong ko sa aking kaibigan sa kabilang linya. “Heto, lumabas na ang lab results nung sinabi mo sa aking pasyente. Unfortunately, namatay na siya nung nakaraang buwan at kalilibing lang sa kaniya nung nakaraang linggo,” balita niya sa akin. “Damn it,” bulong ko. “Anong sabi ng mga kamag-anak? Natanong mo ba?” tanong ko sa kabilang linya. “Well, walang sinabi sa akin ang mga kapamilya niya except sa statement nung anak...” pagbibitin niya sa akin. “What statement?” punong-puno na ako ng kuryosidad. “Hindi niyo naman kami paniniwalaan kahit sabihin pa namin sa iyo,” pagkakasabi niya at tila ginagaya ang pagkakasabi nung kawawang bata. “What do you mean?” naguguluhang tanong ko. “What does she mean, you say?” pagtatama niya sa akin. “Oo na, oo

