Emma’s POV “Emma we’re here,” tawag sa akin ni Juna. “Are you ready?” pahabol niyang tanong sa akin. “Yes,” tipid kong sagot. Sinigurado ko na maayos ang pagkakalagay ko sa aking cap at wig na suot-suot. Nauna naman na bumaba sa kotse si Juna at nilingon-lingon ang paligid tila ay may inaabangan siyang tao. Pinagmasdan ko ang paligid at iniayos ang aking upo tsaka ko inabot ang aking bag na naglalaman ng mga importante kong kagamitan. Ipinasok ko naman uli ang mga dokument at logbook sa loob ng bag. Pinigilan naman ako ni Juna na bumaba ng mapansin niyang binubuksan ko ang pinto ng kotse, sa pamamagitan ng pagkatok sa bintana para makuha ang aking atensyon at sinenyasan ako na tumigil sa pagbaba. Hindi ko naman itinuloy ang aking ginagawa at matiyaga akong naghintay sa kaniyang cue para

