{1} We Found the Cure

3541 Words
Alex’s Point of View Nagising ako sa isang tawag sa aking telepono, bumangon naman ako at kinuha ito para sagutin kung sinuman ang tumatawag doon. Kinuha ko ito sa aking mesa at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Emma. Sinagot ko ito at kumonekta na ito sa ibang linya. “Hoy, anong oras na! Narito na ang pangulo ikaw nalang ang hinihintay,” agad na sermon niya sa akin sa kabilang linya. “Hayaan mong makapagpahinga ang bayani ng buong mundo HAHAHAHA, napuyat ata kagabi sa ating Victory Party,” narinig ko ang presidente na pinapakalma si Emma at tumawa pa ito. Tiningnan ko naman ang aking relos at nagulat ako nang makita ko kung anong oras na. 9:30 am SH*T! Alas diyes ang simula ng seremonya at ipapakilala na ako sa buong mundo. Basically, this is a big day for me and my project! Halos buong mundo ay sasaksihan ang paggawad sa akin ng GHO o Global Health Organization ng isang parangal dahil sa aking proyekto. Bumangon na ako sa aking kama at dumeretso sa banyo para maligo. Ako nga pala si Alexander Vico Medina isang pharmaceutical scientist tsaka cell biologist at trabaho ko ang humanap ng gamot sa mga sakit na wala pang kilalang kagamutan o gumawa ng mas epektibong gamot. Pero nang makapagtapos ako sa UP Diliman nung taong 2018 ay kaagad na akong pumasok sa paggawa ng medisina at isa akong independent researcher, ngunit sa tulong ni Emma, isang malapit na kaibigan ay naitaguyod ko ang aking unang proyekto ang MMED o Miracle Medicine. Naisipan kong gumawa ng medisina na kayang gamutin ang cancer, sa madaling salita isang bakuna laban dito at ang aking sariling nanay ang naging inspirasyon nito. Bago ako makapagtapos ng kolehiyo ay nadiagnose siya ng Lung Cancer at ngayon ay umabot na ito ng stage 4 na lalong nagbigay sa akin ng dahilan para tapusin ang proyektong ito. Nung una ay pinagtatawanan lamang ng mga research facility ang aking ideya at sinasabi na isa akong delusyonal na tao dahil hindi posible ang aking proposal sa kanila. Dahil sa mahal at walang kasiguraduhan ang chemotherapy ay naisip ko na kung patayin nalang ang cancer cells with the use of bacterium instead of using harmful chemicals that can be lethal to the human body. If I can’t find that bacteria then I’ll make one, with the use of Protists which is a single-celled microorganism that predates bacteria. Turning this thing to have a bacterium capabilities is a challenge and I’ll make this happen. With the use of this bacterium that I shall design to eat away cancer cells inside our body, I can prove to the whole word that this idea is a more efficient and safe than chemotherapy. If this project can be a success, that is when humanity can completely beat cancer. Pero tinawanan lang nila ako at niyurakan nila ang dignidad ko bilang isang alagad ng siyensiya. Ngunit nariyan si Emma handang tumulong sa akin, at sinuportahan pa niya mismo ang aking proyekto sa pamamagitan ng pag pondo rito. Kinumbinsi niya ang kaniyang mga magulang para pondohan ang aking proyekto para magbigay karangalan sa kanilang pamilya. Simula pa lang nang magkakilala kami ni Emma sa kolehiyo ay alam ko nang sa karangalan umiikot ang kaniyang pamilya though I feel bad on Emma lying to her parents. Pakiramdam ko tuloy isa na akong bad influence sa buhay niya, hays. Sabi pa nga niya sa akin na hindi naman siya nagsinungaling dahil tiwala naman siya na matatapos ko ang proyektong ito. At muli nanamang nadagdagan ang aking mga dahilan para bigyan ko ng isang seryosong dedikasyon ang proyektong ito. Dalawang taon ang lumipas na walang progresong nangyayari sa MMED at nang dumating ang mga pagkakataong nawalan na ako ng pag-asa, at iniisip na isang kalokohan na lamang ang proyektong ito ay naririyan siya pinapatatag at pinapaalala kung bakit ako lumalaban. Napakalaki ang ginampanan ni Emma sa proyektong ito at ngayong naging matagumpay ang aming proyekto, isa siya sa mga pag-aalayan ko ng aking tagumpay. Kung nabansagan akong Miracle Doctor siya naman ang aking Miracle Nurse kahit korni o cheesy pakinggan ay wala akong pakialam dahil siya ang dahilan kaya narito ako ngayon sa sitwasyong kinatatayuan ko. Mahuhuli sa seremonya dahil sa aking kapabayaan. Good job Alex! If you mess this up then you’ll throw away those 2 years of hardship! Agad ko namang tinapos ang aking paliligo at dumeretso sa aking damitan. Kinuha ko na lamang ang pantalon at isang polo na naabot ng aking kamay. Wala na akong panahon pa para umarte sa aking isusuot ngayon. Walang tinginan sa salamin ay isinuot ko ang mga damit na nakuha ko at ginamit ko na lamang ang aking kamay para ayusin ang aking buhok. Naglagay ako ng kaunting polbo sa mukha at nagwisik wisik nang pabango sa aking katawan. Kinuha ko ang aking smart phone at hinanap ang contact ni Emma. Pinindot ko ang “send a message” button. “To: Emmatot Otw Sent” Naipadala ko na ang hindi kapani-kapaniwalang mensahe kay Emma at dumeretso na ako sa aking sasakyan para pumunta sa Grand Stand dahil doon magaganap ang seremonya kasi malapit daw sa Lariz Park. Ika nga ni Pangulong Duetes ay malapit na raw akong maging isang pambansang bayani ng Kahalangdon. Syempre tinanggi ko ang kaniyang naiisip na ideya dahil kung gugustuhin man niya ay pwede niya itong ipasa sa senado. Magiging panibagong usapan nanaman ito at problema sa bansa dahil sa isang walang kwentang “titulo”. Imbes na iukol ang panahon para maresolba ang pagkakabaon natin sa utang sa bansang Taishin ay masasayang lang dito, kaya salamat na lang at hindi ko iyan kailangan. Tsaka hindi matutumbasan ng aking nagawa ang pagsasakripisyo ni Lariz para sa ating bansa at kung ikukumpara mo ito sa aking mga nagawa bilang isang mamamayan ng Kahalangdon ay wala pa ako sa kanyang talampakan. Bansa o ang iyong sariling buhay, dahil ako ay mas pipiliin ko pa ang aking sariling buhay kesa sa aking bansa. Siyete! TRAFFIC! “Sir! Ano pong nangyari?” tanong ko sa napadaang traffic enforcer. “May nagkabanggaan po sir,” tugon nito sa aking tanong. “Bakit ano pong nangyari,” tanong ko sa kaniya. “May sasakyan pong biglang huminto kanina at nabanggaan ng kasunod niya,” paliwanag nito. “Pero nung tiningnan namin ang dahilan kung bakit nangyari iyon ay nagulat kami. Yung driver ng sasakyang biglang huminto ay hinimatay at nagdudugo ang ilong at ang spekulasyon naman namin na dahil sa pagkakabangga ang kaniyang pagdurugo,” kwento niya sa akin. Kawawa naman si- Alex! For the love of god, huwag ka na munang maawa for once in your life. This is a very important day for you! Buti na lang talaga at malapit sa Quirino ang hotel na aking natuluyan kagabi. Nag-isip ako ng paraan kung paano ako makakalusot sa komosyon na ito. Matapos ang ilang minuto  ng pag-iisip ay tinawag kong muli ang enforcer para masabihan ito. Kahit labag sa prinsipyo ko ang kaparaanang ito ay gagawin ko. “Sir pwede po bang paraanin niyo ako may importanteng event kasi akong pupuntahan,” pakiusap ko rito habang iniiwasan ko na mabanggit kung sino ako. “Pasensya na po sir pero hindi po puwede, hindi rin po patas sa mga motorista na kanina pa naghihintay," paliwanag nito. Kuya don’t hit my weakspot! I don’t really have a choice. “Kuya ako po si Alexander Vico Medina ang taong nakagawa sa MMED-P1102 at kailangan na kailangan ko talaga na makalampas dito dahil male-late na ako hehe,” napakamot ako sa aking ulo dahil baka akalain ni kuyang enforcer na nagyayabang ako. Pinakita ko ang aking I.D bilang pruweba. Nanlaki naman ang mga mata ni kuya at kinuha ang kaniyang radyo. “Delta, do you copy? Over,” nagsalita ito sa radyo at nag-abang ng kasagutan. “Alpha, ano yun? Over,” sumagot naman ang kabilang linya. “Clear a path we have a VIP here, over and out,” ibinalik muli nito ang kaniyang radyo sa bewang. Agad niyang ibinalik ang kaniyang atensyon sa akin. “Pasensya na po kayo sir, hindi niyo naman po kaagad sinabi e,” patawa-tawa nitong sabi. Mga ilang minuto lang ay nagkaroon ako na ng daan para sa akin at hinarang nilang muli nang makalampas na ako. Narinig ko naman ang mga reklamo ng mga naiwang motorista sa mga enforcer. Kaya ayoko talaga na gawin ang paraan na ito pero wala na akong pagpipilian pa. Sorry for causing you all so much trouble. Nakasalubong ko ang isang humaharurot na ambulansya papunta sa pinangyarihan ng aksidente. Bigla namang nag vibrate ang aking smart phone. “Emmatot Calling...” sinagot ko ito. “HOY ANONG ORAS NA WALA KA PA!” nabingi naman ako sa ginawang pag-sigaw ni Emma. Sigurado akong maraming staff na ang nagpapakalma rito. Parang toro rin kasi kung magalit ang babaeng ito. “Kalma lang Emma, may nagkabanggaan dito,” sinabi ko ang totoong nangyari. “Kakalampas ko lang,” dagdag ko. “AYAN! SABI KO NAMAN SA’YO DIBA NA WAG KANG MAGPUPUYAT KAGABI! TINGNAN MO ANG NANGYARI NGAYON. LATE KA!” hindi pa rin ito tumitigil sa pag-sigaw at naririnig ko naman ang mga taong nagpapakalma rito.  Gusto kong matawa pero dapat ko itong pigilan at baka sumabog na ang ulo nito sa sobrang init. “Malapit na ako chill,” pagpapakalma ko rin dito habang iniiwasang matawa. “CHILLL!? HOW CAN I CHILL WHEN AN IRRESPONSIBLE MAN IS RUNNING LATE BECAUSE OF HIS CARELESSNESS?” can you stop shouting? Gusto ko iyan sabihin sa kaniya pero hindi ko magawa. Tumingin muli ako sa orasan at ang aking nakita ay lalong nagpabilis sa t***k ng aking puso. 10:03 am “Frick, late na ako,” bulong ko. “HAHAHA ALEX! NAPATAWA MO AKO RUN TALAGANG NAGULAT KA PA HAHAHA,” parang nababaliw na si Emma sa kabilang linya. Kaya ayoko talagang gagalitin ang mga babae, nakakatakot. “Sorry, will you calm down please,” pakiusap ko rito. “Baka maaksidente ako sa pagdadrive dahil sa panic,” paliwanag ko. Binabaan niya ako ng telepono. Buti naman. Pinaharurot ko ang aking sasakyan at mga ilang “near death experience” pa ang aking hinarap at sa wakas ay nakarating din ako sa Quirino Grand Stand. Nagmadali ako sa pagtakbo at nakita kong nasa entablado na ang pangulo naghahatid ng isang talumpati sa madla. Kumaway ako rito para malaman niyang nakarating na ako at sinulyapan niya lang ako at dumeretso na ako sa likod ng entablado. “Buti buhay ka pa,” salubong sa akin ni Emma at pinunasan ang aking pawis. Nalilito rin ako sa ugali nito, I can tell that she cares but she is very sarcastic at the same time. Well yan din naman ang dahilan kaya naging magkaibigan tayo. “Ready? Patapos na ang presidente,” tanong niya muli sa akin. “Yes,” tumango naman ako. “We’ll continue this talk after a short break,” narinig kong pagtatapos ng presidente sa kaniyang talumpati. Bumaba na ito sa entablado at pumunta sa amin. “Alex my man! How’s your morning?” masigla niya akong kinamusta. Ito ang kauna-unahang pulitiko na tinanggap ko upang suportahan ang aking proyekto at dahil din sa proyektong ito ay naipanalo niya ang pagkapangulo. Well, it’s a win-win situation for my project and him. Pero hindi lang siya ang nakakaalam nito dahil ipinakalat ni Emma ang documentation namin kay Ginoong Vince Abejero. Sinigurado niyang blurred ang mukha nito para maiwasan ang privacy invasion sa kaniyang buhay. Nagalit ako kay Emma dahil napakaimportante ng mga impormasyon na iyon, paano kung may mga secret agent sa CIA na ipadala sa aming laboratoryo at dakipin kami tsaka isabotahe para makuha sa amin ang MMED-P1102. Pero sa kabutihang palad naman ay walang ganitong pangyayari na naganap at ang inaasahan ko pa naman ay magkakagulo ang buong mundo dahil dito. Kaya masaya ako na payapa pa rin ang mundo at napatawad ko naman kaagad si Emma. Pero buhay ko naman ang nagulo dahil araw-araw ay napakaraming tao ang nasa tapat ng aking pamamahay. Kaya napilitan akong magtago at maghanap ng pansamantalang matutuluyan hanggang sa isang araw ay ipinakilala ako ni Emma kay Mr. Harry Duetes at inalok niya sa akin ang kaniyang suporta para sa aking proyekto. Nung mga panahong ito ay isa pa lamang siyang senador at malapit ang koneksyon niya sa pamilyang Cruz. Sinabi naman sa akin ni Emma na iminungkahi ng kaniyang pamilya ang suporta ni Mr. Duetes. Nung una ay wala akong tiwala sa mga intensyon ng lalaking iyon dahil sigurado akong gagamitin niya ito para sa kaniyang kampanya sa pagkapangulo, pero ipinahiwatig niya sa akin ang magagawa ng aking proyekto kapag tinanggap ko ang kaniyang alok. Ipinangako niya sa akin na ipamamahagi niya ang MMED sa buong bansa ng libre at lahat nang nangangailangan nito ay makakaasa na makakatanggap ng suporta mula sa gobyerno. Kaya tinanggap ko naman agad ang kaniyang alok ng magkalinawan kami sa mga kondisyon ng bawat partido. “Ito ilang beses na kamuntikan mabangga,” biro ko at tumawa naman ito ng pagkalakas-lakas. Kahit kailan talaga. “You’ll never die Alex, you are a god yourself,” pagpupuri nito sa aking nagawa. “Oh my, Mr. Pressident don’t exaggerate things, I’m just a normal human being like you hahaha,” ganti ko sa kaniyang biro at sa totoo lang ay hindi ko nagustuhan ang pangbabastos niya sa Diyos. Pumunta kami sa VIP area at pinanood ang mga sumasayaw sa entablado. Minsan ay napapapasabay ako sa indak ng tugtog dahil napakaganda ng tunog nito. Napapahanga naman ako sa mga sumasayaw at todo hataw talaga sila tsaka sabay-sabay pa. May mga ibinabato sa ere at mga tumatambiling tambling pa. May mga nagtwerk na siyang pinandirian ko dahil sa kalaswaan ng galaw na iyon. Pagkatapos nito ay sumunod naman ang mga kakanta, pumasok ang isang babae at bigla namang tumugtog ang minus one ng “I’m not the only one” ni Sam Smith. Nagsimula siya nang malumanay at napanganga ako nung bumirit na ito. Napakataas ng kaniyang boses, sana ako rin. Sumunod naman ang isang lalaki at mukhang rapper ito. Nakumpirma ko ang aking suspetya ng biglang tumugtog ang minus one ng “Billionaire” ni Travis Mccoy at Bruno Mars at dahil sa paborito ko ang kantang ito at napapasabay naman ako chorus. “Alex let’s head back,” tawag sa akin ni Emma at nakita ko namang papunta na rin ang pangulo sa likod ng entablado. Bigla namang bumalik ang kaba sa aking dibdib at inihanda ko ang aking sarili para harapin ang buong mundo. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako pagtapak ko palang sa entablado dahil hindi ako sanay sa ganitong karaming tao na magbabantay sa aking kilos. This is it Alex! It’s show time! Naglakad ako patungo sa harap ng entablado. “Miracle!” “Doctor!” “Miracle!” “Doctor!” Paulit-ulit na sigaw ng madla habang nagpapalitan sila sa bawat salita ng Miracle Doctor. Pakiramdam ko ay sinasamba ako ng mga taong ito pero hindi ko ito hahayaang makapasok sa aking ulo. Must, Stay, Humble! “Good Morning Everyone!” masiglang bati ko sa kanila. Naglabas naman ng mga nakakabinging sigaw ang madla. “First of all, I want to give my utmost gratitude to the people who supported my project until the end,” buong puso kong pagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumuporta sa akin lalong lalo na kay Elle. Nagpatuloy ako sa pagsasalita at ikinwento ko ang aming paglalakbay sa proyektong ito at ang mga malulungkot kong karanasan. Ikinuwento ko rin kung gaano kalaki ang naging ambag ni Emma sa tagumpay na aming nakamit ngayon. Nilingon ko ito at nakita ko namang naiiyak na si Emma at napangiti naman ako. Pinagmasdan ko ang madla at may iba ring nagpapahid ng kanilang mga mata. Pinagpatuloy ko pa ang pagkekwento ko sa aking mga karanasan hanggang sa makarating na ako sa pagkakataon kung saan ay sinubukan namin na i-test ang MMED sa tao. Nabanggit ko rin ang kaba na nararamdaman ko ng mga pagkakataong iyon at ang saya na aking naramdaman nang makita ko ang pasyente na masayang masaya. Napansin ko naman na nagkakagulo ang mga tao sa gitna at napatigil naman ako sa aking pagsasalita kaya naglingunan ang mga tao. “Sir, naaksyunan na po ang komosyon,” may lalaking bumulong sa aking likuran. Nakita ko naman ang mga medical staff na may dala-dalang stretcher. Ano kaya ang nangyari? “SALAMAT DOK! SALAMAT SA LAHAT,” biglang sumigaw ang isang pamilyar na boses sa kalayuan. Hinanap ko ito at nakita ko naman si Vince na kumakaway. “No, Salamat sa iyo kung hindi dahil sa iyong katapangan ay hindi namin makukumpleto ang proyektong ito,” pagpapasalamat ko sa kaniya. “You are my hero,” puri ko rito at hindi ko naman inaasahan ang palakpakan ng madla. “You already captured the hearts of many,” bulong sa akin ng presidente at napakamot naman ako sa ulo. “Folks I am happy to inform you that because of that man’s braveness, WE FOUND THE CURE!” sigaw ko sa dulo at nagsigawan din ang madla na para bang nasa isa kaming concert. “No more cancer,” habol ko pa. “NO MORE CANCER!” sigaw din ng madla. “And I am glad to say that this vaccine will be distributed for free in the whole country and then the whole world,” anunsyo ko. “DOCTOR ALEX!” “MIRACLE DOCTOR!” “OUR SAVIOUR!” sigawan uli ng madla at doon na nagtapos ang aking parte at nagpatuloy na ako sa paggawad ng medalya. Pagkatapos nito ay nagpaalam na ako sa pangulo at sabay kaming pumunta ni Emma sa aking sasakyan. “Hatid na kita?” alok ko rito. “Sure,” agad niya namang tinanggap ang aking alok. Pumasok na kamimg dalawa sa aking sasakyan at siniguradong suot na namin ang aming mga seat belt. Pinaandar ko ang sasakyan at wala man lang sa aming dalawa ang nagtangka na basagin ang katahimikan. Kung sineswerte ka nga naman, nai-stuck nanaman ako sa traffic. “I just want you to know that I am very proud of you,” ramdam ko ang saya sa kaniyang mga boses. “Thanks for everything Emma and I really mean it,” ganti ko. “Without you I don’t know what  will happen to me, baka nga hanggang delusyon na lang ang proyektong ito,” dagdag ko pa. Napangiti ito at napahawak sa kaniyang dibdib. “A-Alex naman ih,” reklamo nito habang pinapaypay ang mga mata. Naiiyak yata at ayaw masira ang kaniyang make-up. “Emma hayaan mo nang masira yang make-up mo, ako lang naman ang mang-aasar,” biro ko rito at pinalo naman nito ang aking braso. “Hey! Gusto mo bang mamatay tayo, I’m driving here,” reklamo ko sa pagpalo niya sa aking braso. “Asarin mo pa ako at talagang mababangga tayo.” “Ang akin lang naman kasi, I prefer your beauty without that make up,” compliment ko sa kaniya at muli niya akong pinalo sa braso. “Emma I’m driving!” sigaw ko nang mawala ako sa aking direksyon dahil sa lakas ng kaniyang hampas. “Huwag ka na lang magsalita,” nahihiyang sabi nito. Nakakalito talaga ang mga kababaihan kapag inaasar mo hahampasin ka at pag pinuri mo naman hahampasin ka pa rin. Ano ba talaga?! Ipinagpatuloy ko na lang ang aking katahimikan sa loob ng sasakyan at bigla namang tumunog ang kaniyang smartphone at sinagot ang tumatawag. “Hello? Ano yun?” tanong niya sa taong nasa kabilang linya. “Sige, ako nalang ang magbabayad ng hospital fees nila,” tugon niya sa taong nasa kabilang linya at ibinaba niya na ang kaniyang telepono. “Ano yun?” hindi ko naiwasang magtanong. “Yung mga hinimatay kanina hanggang ngayon wala pa ring malay,” sagot niya sa aking katanungan. “As usual pinabayaan ng gobyerno ang gastusin nila sa hospital, kaya nagmabuting loob na ako,” dagdag pa niya. Nanaig uli ang katahimikan sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa kaniyang pamamahay.  “Thanks for the ride Alex,” pagpapasalamat ni Emma sa akin bago siya bumaba ng sasakyan. “Bukas pala may party dito sa bahay, punta ka ha,” imbita niya sa akin. “Okay, pupunta ako.” “Bawal ma-late magagalit sina mama,” pananakot nito. “Ohhh! I’m scared,” sarkastiko kong pagkakasabi at tumawa naman ito. Sinara na niya ang pinto ng sasakyan at pinanood ko siya na pumasok sa kanilang bahay. Nang makapasok siya ay pinaandar ko na muli ang sasakyan at pumunta sa paborito kong karinderya. Ilang minuto lang ang layo nito sa bahay nila Emma at malapit lang din ito sa aking paaralan nung ako ay nasa kolehiyo pa. Maraming mga ala-ala ang hawak-hawak ng lugar na ito. Dito kami madalas kumain ng aking propesor na siyang tumayong pangalawa kong ama dahil nasa murang edad pa lamang ako ay iniwan na kami ng aming sariling ama. Ang nanay ko na lamang ang mag-isang nagtaguyod sa aming magkakapatid kaya pinagigihan ko talaga ang aking pag-aaral para makakuha ng scholarship at si propesor Nestor naman ang nagbigay sa akin nang pagkakalinga ng isang ama. “Aling Karen isang adobo nga po at dalawang kanin, tsaka na rin po pahingi ng sabaw hehe,” order ko sa nagbabantay. Masasabi kong close na kami nito ni Aling Karen dahil suki niya ako nung ako ay nasa kolehiyo pa. “Oy, Alex dapat sa magagarang restawran ka na kumakain, kilala ka na sa buong mundo,” biro naman ni Aling Karen. “Karangalan lang po ang aking nakuha, at hindi po mababago nun ang pagkatao ko,” galing sa puso ko ang mga salitang iyan. “Tsaka ang sarap-sarap ng mga inihahanda niyo ritong pagkain, kayo naman masyado niyong dina-down yung luto niyo dahil sa isang kawawang lalaki sa harapan niyo,” pahabol kong biro. “Ikaw talaga Alex hindi pa rin nagbabago yang pambobola mo,” natatawang komento nito. Binigay na nito ang aking mga inorder at dumeretso naman ako sa bakanteng lamesa sa may labas. Ninamnam ko ang sariwang hangin habang iniinom ang mainit na sabaw. Nakakita naman ako na napadaang pamilya sa kabilang kalsada. Magkakahawak sila ng kani-kanilang kamay at masayang naglalakad. Nakaramdam naman ako ng inggit sa pamilyang iyon at inisip na ako ang nasa posisyon ng bata na nasa gitna. Siguro hindi na magkakasakit si inay at masaya kaming namumuhay ngayon. Tinapos ko ang aking pagkain at inabot ang bayad sa naglilinis ng lamesa. Nagpaalam naman ako kay Aling Karen at dumeretso na ako sa aking sasakyan. Malalim na ang gabi kaya walang masyadong tao sa paligid, nagmuni-muni muna ako sa tabing kalsada habang patuloy na ninanamnam ang sariwang hangin. PLEASE, HUWAG MO NA MUNA TAPUSIN ANG ARAW NA ITO, sigaw ko sa aking isip. Pakiramdam ko ang daya-daya ko dahil puro saya na lamang ang aking nararamdaman sa mga nakalipas na araw na ito at nakakatakot din dahil sigurado ako na may kapalit ang saya na ito. Kapag may umaga syempre may gabi din na darating sa iyong buhay at kung minsan ay sobrang dilim pa ng mga gabing dumadaan sa ating buhay at wala tayong magawa kundi maghintay sa darating na umaga. Matapos ang aking pagiisip-isip ay napagdesisyunan ko nang umuwi at lumalalim na rin ang gabi.                                                                             -Into the Apocalypse-    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD