{0} MMED-P1102

3120 Words
March 29, 2020 Saturday 09:01 am Video Log #1 [00:00:01]   -Rolling-   “Miracle Medicine attempt 1102, for the first time we will run the medicine on our very prime human subject,” bulong ng isang babae na siyang may hawak ng camera. “Disclaimer... This patient volunteered to be a pioneer of this experiment’s human trial history,” dagdag pa nito at may ipinakita itong papel sa harap ng camera.   ‘Name: Vince Abejero                    Age: 23                                 Gender: Male   -          This patient is diagnosed with “Brain Tumour”; his doctor told him that he has only 1 year to live. He desperately came to us asking for our help when he heard our conversation about the Miracle Medicine.   Note: His family knew all about our experiment being incomplete and not ready for human experimentations yet. His death would be accepted by the family and to ensure this we formed a contract between both parties. ‘   “Sir, this is the last time I’m telling you that this prototype is not yet ready for human trials,” nag-aalangang sinabi ng doktor sa pasyente. “If this attempt fails, my conscience won’t let me sleep,” dagdag pa nito na may bahid ng takot.   “Wag kang mag-alala bro, either way mamatay rin naman ako, at least I tried to save myself diba?” tumawa ito at napailing naman ang doktor.   “If you still insist on taking that medicine then I have no choice,” wika ng doktor. “This test will help us a lot to boost our progress to save humanity,” dagdag pa nito.   “Ikinagagalak kong naka-ambag ako sa gamot na magbabago sa mundo.”   “Don’t say it like that, as if you are surely going to die,” at napatawang muli ang lalaki at hindi pa rin ito nagustuhan ng doktor.   Pumasok ang pasyente sa isang enclosed glass chamber kung saan gagawin ang eksperimento at pumunta naman ang doktor sa isang control panel. May mga pinindot ito rito at dahan-dahan namang nagsara ang mga pintuan sa chamber.   “Ready sir?” tanong nito sa pasyente.   “Always has been,” tugon nito sa doktor. Nang makuha ng doktor ang sagot ng pasyente ay nagaalinlangan niyang pinindot ang isang pulang button. Naglabas naman ng isang uri ng gas ang bawat sulok ng glass chamber at napuno naman ng usok ang loob nito. Matapos ang ilang minuto ay pinindot naman ng doktor ang isang kulay asul na button at nawala naman ang usok sa pagkakataong ito. Binuksan ng doktor ang pintuan at lumabas ang pasyente sa loob.   “How are you feeling?” tanong ng doktor sa pasyente.   “Dati lang, wala namang pinagbago.”   “Don’t fret sir; this is a good result as far the MMED is concerned. From now on you’ll stay in this lab so we can monitor your health status,” paliwanag nito. “For now get some rest and after a week we will check up on your health again,” pagtatapos niya sa eksperimento. Nawala ang doktor at ang pasyente sa field of vision ng camera. Kinuha ito ng babae kanina at iniharap niya ito sa kaniyang sarili. Ipinakita rito ang isang magandang babaeng nakasalamin at mayroon itong blonde na buhok.   “This is Dr. Amelia Cruz assistant of Dr. Alexander Vico Medina, signing out!” kinindatan nito ang camera at saka ito pinutol.   End of Log   .........................................................................................................................................................   April 4, 2020 Saturday 10:22 pm Video Log #2 [00:01:24]   -Rolling-   Nagsimula ang video sa isang hallway kung saan naglalakad ang isang doktor sa harapan nito. Nagpatuloy ito sa paglalakad ng ilang minuto hanggang sa marating nila ang isang kwarto. Humarap ito sa may hawak ng camera at nagulat nang makita ang ginagawa nito.   “What are you doing Emma?”   “Chill Alex, I am documenting our experiment, para kung maging success ang attempt na ito ay may pruweba tayo sa buong mundo and mabibigyan ka na ng credits sa mga pagpapagal mo,” paliwanag ng babae sa lalaking doktor. “And don’t you want that?” tanong pa nito.   “Alam mo namang, mahiyain ako sa harap ng camera,” nahihiyang tugon ng doktor.   “Oh come on! Man up! Since nalaman mo na ang ginagawa ko, why don’t you explain to our future audience what is MMED all about,” pakiusap ni Emma kay Alex.   “Okay, okay,” napakamot naman sa uli si Alex at huminga ito ng malalim. “Hello there everyone, I’m MMED...” nautal ito.   “Ulit! Take Two,” bulong ni Emma sa likod ng camera.   “Sorry,” huminga uli ito ng malalim. “Hello there everyone I am Dr. Alexander Vico Medina, 23 years old, and a pharmaceutical scientist. About two years ago I started this project with my lovely assistant, Dr. Amelia Cruz with a goal of curing the incurable diseases in this planet and after a year since I started the project; I was informed that about 9.5 million people in earth died from cancer. So, I was motivated to develop this cure that can change and save many lives and also this research is also dedicated to my Mom who was recently diagnosed with Stage 4 Lung Cancer,” napahinto ito at nagpahid ito ng mga nalilingid na luha kaniyang mata.   “Are you okay?” tanong ni Emma sa likod ng camera.   “Yes, I’m fine,” tugon nito. “Where was I?” tanong ni Alex kay Emma.   “Kakatapos mo lang yata sa introduction mo,” sagot nito.   “As I was saying, I’m Dr. Alex in short and I found a potential cure for every incurable diseases in this planet,” naglabas ito ng isang glass tube na naglalaman ng isang uri ng likido. “This is MMED-P1102 or known as Miracle Medicine- Protist 1102, a bio-engineered bacterium also known as protists. Past researches told that protist are a potential cure for viral diseases such as SARS-COV, because they experimented and the result was great news to humanity. This microorganism was known to eat the virus and has potential to evolve to include virus in their diet. Fun fact, there is also predation happening in the micro world and this protist is the best example of our micro predator. MMED is designed to eat away harmful cells inside of our body. For now the medicine take form as a gas to enter the body of a living organism to perform its job.  I’ve been experimenting this on abundant livestock like pigs to test its capabilities as a cure. But sadly we failed each attempt but this is our 1102nd attempt to test its capabilities and this time I’m afraid to say that we tested this on a human subject,” napatigil ito at hinarap ang pinto tsaka ito binuksan. Pumasok sila sa loob ng kwarto at naabutan nila ang natutulog na pasyente.   “This is Mr. Abejero folks, our very first human test subject,” pagpapakilala nito sa pasyente.   “Alex, kausapin mo na lang siya ako na ang bahala sa pag-video rito.”   “Sir, sir, sir,” nakatatlong beses si Alex na pukawin ang natutulog na pasyente bago ito magising.   “Oh Dok! Magandang gabi sa’yo,” masiglang bati nito sa doktor.   “Good Evening too, we dropped by to check up on you and it’s been a week since the experiment. Is there any improvement?” tanong ni Alex sa pasyente.   “Yes Dok! Pakiramdam ko ay unti-unti nang nanunumbalik ang aking lakas,” masaya niyang ibinahagi sa doktor ang kaniyang mga nararamdaman.   “Emma, can you fetch the lab results?” pakiusap ni Alex kay Emma.   “Sure, sure... be right back!” inilapag ni Emma ang camera sa mesa at narinig naman itong lumabas sa pinto, pero kita pa rin ang dalawang kalalakihan mula rito.   “Dok, sana gumaling na ako. Gusto ko nang makabawi sa aking pamilya sa pag-aalaga nila sa akin sa lahat ng taong lumipas simula nung magkasakit ako at sa pagkakataong ito magagamit ko na rin ang aking natapos para mapasaya naman ang aking mga magulang,” may pananabik at takot sa boses nito.   “I can’t assure you sir, but I am doing my best to accomplish this project to help people like you, and I really hope that this time around this test run will be a success,” ani ni Alex. Napansin naman ni Alex na nagpapahid ng kaniyang mga mata ang pasyente. “You can cry sir, let go of those feelings that’s been drowning you all this time,” pagpapanatag nito sa kaniya at tuluyan namang naiyak ang pasyente. “Don’t let your sadness weigh you down,” habol pa nito.   [00:34:51]   Lumipas ang labing limang minuto nang may narinig muli sa camera ang pagbukas ng pinto sa likuran nito. Pumasok sa field-of-vision ng camera si Emma hawak-hawak ang mga dokumento na pinapakuha sa kaniya ni Alex. Iniabot niya ito sa lalaking doktor at kapansin-pansin naman ang saya sa mga kinikilos ng babae, nakutuban naman ito ng lalaki at agad-agad na binasa ang nilalaman ng mga dokumento. Nanlaki ang mga mata niya at napangiti, binaling nito ang atensyon sa pasyente na kakatapos pa lang umiyak.   “Sir I am not sure if this is a good news or not but your recovery rate has been increased by 80% and the X-ray here shows the improvement of your brain,” masaya niyang ibinalita ito sa pasyente. Napalitan ng sigla ang kaninang malungkot na mukha ng pasyente. “I am glad to say that this attempt has a higher chance of succeeding,” isinara ni Alex ang folder na naglalaman ng mga dokumento at tumayo ito. Kinuha naman ni Emma ang camera at maayos itong itinutok sa dalawang lalaki.   “Talaga dok?!” gulat na gulat ang pasyente sa mga sinabi ng doktor.   “Yes, this files here don’t lie unless,” huminto ito. “They are tampered,” pananakot nito.   “HAHAHA! Nice try dok, natakot ako run,” biro naman ng pasyente.   “Hindi ka talaga magaling sa mga ganitong bagay Alex,” gatong naman ni Emma.   “Yea, pagtulungan niyo pa ako,” asar na tugon ni Alex sa mga pang-aasar ng dalawa.   Matapos ang masasayang pag-uusap ng tatlo ay napagdesisyunan na ni Alex na tapusin na ang kanilang usapan.   “Let’s call it a day!” sabi ni Alex sa pasyente bilang hudyat na tinatapos na niya ang pag-uusap.   “Maraming maraming salamat dok! Totoong napakagandang balita nito para sa akin,” masayang tugon nito kay Alex.   “Well then, goodbye sir and I am praying for your complete recovery,” pamamaalam ni Alex sa kaniyang pasyente.   “Paalam din sa inyo Dok, mag-iingat kayo sa pag-uwi lalo ka na miss,” pamamaalam din ng pasyente sa kanila.   “Ingatan mo raw ako,” biro ni Emma sa likod ng camera.   “Yeah right.”   “Bye!” paalam ni Emma at ipinakita sa camera ang kaniyang kamay na iwinawagayway para mamaalam. Nakalabas na ang dalawa sa kwarto at hinarap ni Alex ang camera na may isang malawak na ngiti sa mukha nito.   “Folks, I’m happy to inform you that this moment here is a milestone of our progress on MMED, and that man you saw back there is recovering from an impossible state of his illness. Sa totoo lang ay nataningan na ang kaniyang buhay and yet with the help of MMED that man is going to be a cancer survivor,” masayang pagbabahagi ni Alex sa harap ng camera. “I hope,” pahabol pa nito at napalitan ng lungkot ang saya niya kanina.   “Why?” tanong ni Emma.   “What if temporary lang ‘to and maging fatal pala sa kaniya yung effects ng MMED or worse,” negatibong tugon ni Alex.   “Huwag ka ngang nega riyan,” sermon ni Emma kay Alex. “Halika nga rito,” lumapit siya kay Alex, “Ililibre kita ng paborito mong treats,” nakita naman sa camera na napangiti si Alex sa mga sinabi ni Emma.   “You should be turning that off by now,” pagtutukoy ni Alex sa camera.   “Oops, my bad hehe,” muling iniharap ni Emma sa kaniya ang camera at muling nakita ang maganda nitong mukha at saka tumabi ito kay Alex. “You witnessed some positive results today guys and yet nakagawa nanaman ako ng magandang desisyon na i-document ang test run ng MMED sa tao,” ngumiti lang si Alex sa camera. “And yes I decided that we celebrate this great news and goodbye!” pinutol nito agad ang video.   End of Log   ..................................................................................................................................................................   April 5, 2020 Sunday 07:09 am Video Log #3 [00:00:01] -Rolling-   Nakatutok ang camera kay Emma na siyang nakaupo sa harap ng kaniyang work desk.   “Hello there guys, I am here to inform you that we will do a major review about sa MMED to identify the reasons kung bakit naging effective agad sa tao ang bio-engineered na gamot sa tao kahit unang attempt pa lang. This is a huge discovery for us and if this is a success balak kong ipost sa social media ang documentation na ito para malaman ng buong  mundo ang tungkol dito. Honestly hindi ko puwede itiwala sa higher-ups ang mga impormasyong ito, dahil baka nakawin lang nila ang gamot at gamitin ito sa kasakiman and to give credits to our future hero, Dr. Alex.  Next month pa siguro ang next update about sa MMED pero kung may madiskubre kaming crucial information, I’ll be sure to update agad. Dr. Emma signing out,” pinutol niya na ang video.   End of Log   ..................................................................................................................................................................    April 20, 2020 Monday 07:04 am Video Log #4 [00:00:01] -Rolling-   Nakatutok ang camera kay Emma na siyang nakaupo sa harap ng kaniyang work desk.   “Hey there I am sharing with you guys an amazing discovery that we found yesterday. So I believe that I informed you about MMED being bio-engineered bacterium from Protists. So we found out that this bacterium evolved from being eukaryotic organism to a prokaryotic organism. Ano ang ibig sabihin nito? Basically this means that MMED can clone itself. What is so good about this? This means that MMED can spread worldwide in months or years kung ipapakalat namin ngayon sa ere ang sample. PERO, hindi namin gagawin yun we are not sure kung ano pa kasi ang nagagawa nito at ano ang mga bad effects nito sa tao para malunasan agad namin and update about sa patient, he’s doing good as of now. Honestly, this is very surprising for us kasi patuloy pa rin ang paggaling niya. Weeks from now kung magtuloy-tuloy ito ay magiging cancer free na siya. I really think that MMED is ready to be known worldwide. Fun Fact, our hero is also a dedicated cell biologist and he devoted himself studying microbiology to make this happen. Signing out!” pinutol na ni Emma ang video.   End of Log   ...................................................................................................................................................   May 7, 2020 Thursday 08:29 pm Video Log #5 [00:00:01]   -Rolling-   “Here we are witnessing the miracle of MMED, as of now May 7, 2020 at 8:30 pm I hereby declare that Mr. Vince Abejero is a cancer free patient!” agad namang itinutok ni Emma ang camera sa nag-iiyakang pamilya. Kita rin dito ang pakikiiyak ni Alex kasama ang pamilya.   “It’s truly a miracle! Maraming salamat dokto-doktor! Utang ko sa’yo ang aking buhay at habang buhay ko itong utang na loob sa’yo!” niyakap ng kaniyang pasyente si Alex at yumakap naman ito pabalik at nag-iyakan sila pareho.   “Psst, Alex you are not supposed to cry!” pabulong na sigaw ni Emma kay Alex.   “Oh, I can’t help it! Seeing his family crying because of happiness touched me. I can relate to their story!” tugon nito habang naiyak pa rin.   Itinutok na lamang ni Emma ang camera sa kaniyang sarili.   “Sorry about ealier, I really can’t blame him for sharing his affection towards the family; he’s a fragile guy to be honest. You are witnessing right now that the patient who has a severe malignant brain tumour has completely recovered. How is this possible you ask? All thanks to Dr. Alex for successfully creating MMED-P1102, and with this we can save many lives! And this time all I have to do is share this documentation all around the world!”   Iniharap niyang muli ang camera sa nag-iiyakang pamilya at sa pagkakataong ito ay nagpupunas na ng kaniyang mga luha si Alex. Biglang naputol ang video.   End of Log   ..................................................................................................................................................................           May 8, 2020 Friday 12:00 pm Video Log #6 [00:01:00]   -Rolling-   Nakaharap sina Alex at Emma sa camera.   “Sorry about yesterday!” agad namang pagpapaumanhin ni Alex. “I just can’t control my emotions!” pagpapaliwanag nito.   “Let’s move on!” putol ni Emma.   “Oh yes, our first human trial with MMED-P1102 is a success! This is truly unexpected and this documentation will be the key for this project’s future development. Since this is the first time we have done human trials. I think this is not ready for a worldwide release yet,” paliwanag nito.   “I agree with him! There are still many questions left unanswered in this test-run,” pagsang-ayon ni Emma kay Alex.   “That’s all for now?” tanong ni Alex kay Emma.   “If you don’t have anything to add then that’s all for today,” tugon nito.   “Goodbye!” tinapos na ni Alex ang video.   End of Log   ..................................................................................................................................................................   Emma’s Point of View   -August 23, 2020-   “Hays, natapos din!” sigaw ko nang matapos ko na rin ma-render ang mga video na ito. Halos dalawang oras din ang tinagal nito. Napangiti naman ako nang maisip kong muli ang mga ala-alang ito tatlong buwan na ang nakakalipas at ngayon na ang tamang oras para ipaalam ko sa buong mundo ang tungkol dito.   Sa ngayon ay may tatlo uli kaming pasyente na napagaling gamit ang MMED, at hindi pa rin kumbinsido si Alex na handa na ito sa malawakang pagpapakalat nito. Ika niya pa nga sa akin, paano kung may mga sakit na hindi kayang pagalingin ang MMED-P1102? Paano kung may mga taong allergic dito at ano ang gagawin niya kapag mas lamang ang mga taong allergic dito?   Pati ako ay nadadamay sa kanegahan niya!   Buti nalang talaga at palagi akong nasa tabi niya dahil ako ang tumatayong pundasyon niya pagdating sa mga ganitong bagay. Kung wala ako sa tabi niya, siguro ay wala man lang siyang natapos kahit isa sa proyektong ito dahil sa overflowing negative vibes sa aura niya.   Naglog-in ako sa aking Facenote account at nang makapasok na ako rito ay pinindot ko ang “upload a photo/video” button. Hinanap ko ang finished product ko kanina at kinlick ito para ma-upload sa website.   “This file is too big/large, it’ll take some time to upload.”   “Okay”   “Cancel”   Pinindot ko ang okay at nagsimula nang mag-upload ang documentation sa Facenote. Dalawang oras na lang hihintayin ng buong mundo at malalaman na nila ang pangalan ni Alex at ang kaniyang milagrosong proyekto. Sa totoo lang ay pinagtawanan lamang ako ng mga nakakataas sa DOH dahil may kuneksyon ang aking pamilya sa kanila. Tinawag pa nga nila akong “delusional” dahil sa aking mga sinabi. Hindi ako pinayagan ni Alex na iparating sa kanila ang mga video dahil nawalan siya ng tiwala sa mga ito dahil na rin sa aking mga nakwento tungkol sa mga pangungurakot nila. Kaya wala na akong nagawa kundi ang mapahiya sa harap ng aking pamilya and as usual disappointed sila sa akin kapag may nagagawa akong hindi kaaya-aya sa kanilang paningin.   Nakaramdam ako ng antok dahil sa maghapon na naman akong nakatutok sa aking laptop. Tiningnan ko ang mga pagkain na hindi ko ginalaw dahil sa aking pagka abala sa aking mga ginagawa. Kinuha ko ang isang plato at sinimulan itong kainin habang nanonood ng mga balita sa Facenote. Nang matapos ko na itong makain ay napagdesisyunan ko munang umidlip ng saglit.   .               .               .                Nagising ako sa sunod-sunod na pagtunog sa aking laptop at tiningnan kung ano ang sanhi nito.   Nanlaki ang aking mga mata sa aking mga nakita   Kinamot ko ang aking mga mata.   “Uploaded 1 hour ago.”   “60 million people reacted to this post.”   “49 million people shared this post.”   Totoo ba ito?      Hindi ko naman inakala na ganito kabilis kumalat ang balita!   Binasa ko ang mga comments.   “Ryan Smith: JESUS HAS ARRIVED!”   “Sam Reynolds: He is the Miracle Doctor.”   “Anonymous user: Is this a sign of an apocalypse coming forth to earth?”   Kinilabutan naman ako sa huling komento na aking nabasa.                                                                                   -Into the Apocalypse-    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD