Pagkarating namin sa Monreal Mansion, kaagad kaming bumaba ng van, manghang mangha kami ni Shane. Napanganga at napatulala nalang kami, sa sobrang laki nito. Halos kasing laki ng isang mall ang kanilang Mansion, ang ganda ng buong paligid. Puno ng makukulay na bulaklak ang kanilang hardin. "Wow! ang laki naman Sebastian, tapos ikaw lang ang nakatira!" hindi makapaniwalang wika ni Shane "Grabe, iba talaga kapag bilyonaryo." biro ko kay Sebastian. Tuwang tuwa ako sa nakikita ko, para akong nakarating sa isang paraiso. "Mahilig ka pala sa mga bulaklak, punong puno ang paligid eh!" tanong ko sa kanya. "Oh, since I was a child, I've been taking care of those flowers." wika ni Sebastian. "Ow, Nice!" sagot ko. "Let's go inside now." pag-imbita sa amin ni Sebastian. "Anyways, Aries, please tell

