Tanghali na ng magising kami ni Shane. Dahil nga siguro sa pagod at puyat na pinagdaanan namin kagabi sa bar, idagdag pa ang gulong aming kinasangkutan. Dahil dito ay hindi na kami nakapasok sa araw na iyon. Minabuti na lamang naming magpahinga sa bahay. "Ally, kinakabahan pa rin ako. Baka balikan nila tayo!" pag aalala ni Shane. "Wag kanang mag alala Shane, ligtas na tayo." pagkukumbinsi ko sa kanya. "Hindi besh eh, pakiramdam ko nga mga sindikato yon eh." "Napansin ko kasing may mga tatak sila sa mga katawan, parang tanda yon ng grupo nila." pag-aalinlangang kwento ni Shane. "Anong tatak ba yon?" pagtatanong ko. "Sa nakita ko, ulo ng ahas na may korona, at may nakasulat pa. Hindi ko lang naintindihan, basta letter V ang naalala kong unang letra nun" "Besh baka miyembro ng sindikato y

