Kabanata 27 Essa’s POV Search Halos mapudpod na ang aking mga paa sa pabalik-balik na paglalakad habang iniisip kung paano ko ba lalapitan si Luis ngayon para bawiin an gaming usapan. Saka kanina nag-walk out naman siya. Ano ba kasing kalokohan ito. Pwede naman niya akong gawing alila. Huwag lang maging pekeng nobya. ‘Di ba? Oo, ganoon na nga lang siguro. Pupuntahan ko na siya at iyon ang sasabihin ko sa kanya. Buong lakas akong humugot ng hangin. Kumatok ako ng tatlong beses sa kanyang silid. Lahat naman ng pintuan ng mansiyon ay magkapareha, maliban nga lang sa mga abubot na nilalagay sa kanilang pintuan. Kay Sir Lorenzo naman, may nakasabit sa labas na ‘Knock three times, wait.’ Kaya nga iyon ang ginawa ko kanina, sumunod

