Kabanata 26 Essa’s POV Usapan Understandable naman ang rason ko sa sarili ‘di ba? Wala ako sa katinuan kanina habang sinasabi ko ang mga katagang iyon kay Luis. Saka bakit ko ba pinoproblema iyon? Pwede ko naman siyang kausapin siguro mamaya patungkol sa offer niyang tinaggap ko na hindi man lang talaga pinag-iisipan. Mahabang pagbuntonghininga na lang talaga ang aking nagawa. Nasa silid ako ngayon at nakahiga. Nahihiya na akong lumabas, kasi nga alam din pala ni Ate Leah kanina ang pangyayari, kanina ko lang nalaman talaga na nandoon pala siya. Nawala sa isip ko. “Essa, galingan mo ang pagpapanggap, para tumigil na talaga iyong Marella na iyon sa kahahabol kay Luis.” Naalala ko ang kaninang naiusal ni Ate sa akin. Oo nga pala, dahil din

