Kabanata 25 Luis POV Choices Ligtas naman kaming nakarating na dalawa ni Essa, nang sumulpot bigla sa likod namin si Marella. “Hi, My loves. I miss you.” Kapit na kapit ito sa braso ko, hindi ko alam kung bakit kaagad kong tinignan ang reaksiyon ni Essa. Pero katulad kanina, wala siya sa kanyang sarili. Naiintindihan ko naman siya, saka alam kong nag-aaalala siya sa taong kumupkop sa kanya noon. “Mauna na ako, Luis.” Inabot ko ang kanyang kamay. “No, ihahatid na kita sa room mo. Excuse me, Marella. Sasamahan ko lang si Essa.” “Huh? So, Essa pala ang name niya. Well…tama nga ang naririnig kong tsismis na maganda, at maladayuhan ang ganda nitong babaeng ‘to. Pero siyempre, hindi niya makakabog ang kaga

