Kabanata 23 Essa’s POV Regalo Kinaumagahan, maaga akong nagising, kasi nga baka wala na akong masakyang taxi o dyip sa labas ng bahay, saka napag-usapan na namin ni Luis na huwag na niya akong ihahatid sundo pa. Mukha namang walang problema sa kanya iyon. “Nay, tinapay na lang po ang kakainin ko, naparami po kasi ang kain ko kagabi.” “Talaga bang okay lang sa ‘yong tinapay lang? Mas mabuti pa magbaon ka na lang.” “Huwag na po, Nay. Saka nagmamadali rin ako, baka mahuli ako sa klase. Nauna na ba si Ate Leah?” ‘Di ko kasi napansin si Ate. “Ah, oo. May sumundo sa kanya, iyong matalik niyang kaibigang babae.” “Ahh, ganoon po pala. Sige, Nay. Aalis na po ako.” Winaga

