Kabanata 22 Luis POV Kalokohan Tuwid ang mga balikat ko habang naglalakad papunta sa room ng fourth year. This is my last year of being a junior high school, at isa pa, mukhang dito na rin ako pag-aaralin ni dad sa Calisto Academy ng Senior High. Sana nga. “Hoy! P’re, ano na naman bang iniisip mo riyan? Oo nga pala, sinamahan mo ba si Essa sa room niya? Baka iniwanan mo na naman iyon.” “Kaya na niya ‘yon, may isip na ‘yon.” Sa pagbitiw ko ng mga salitang iyon, hindi ko malaman kung saan galing ang biglang dumapong mabigat, at malakas na puwersa na dumapo sa balikat ko. “Anong may isip na? Bata pa rin si Essa! Kaya balikan mo siya roon, Luisito Esguerra!” sinasabi ko na nga ba, si Leah pala. Kapag talaga nandito kami sa paaralan, hindi niya ako itinuturing na amo. Kasi nga raw pare-p

