Kabanata 19 Essa’s POV Seatmate Sobrang tahimik ko talaga simula nang naupo ako rito sa aking upuan. Lalo na at ang katabi ko ay hindi man lang nagsasalita. Panay lang ang sulat at basa niya sa mga notes niya. Hindi pa naman ako sanay na hindi dumaldal. Sa bahay nga nakikipag-usap pa talaga ako kay Ate Leah, kahit kay nanay rin. Tapos noon naman sa gilid ng kalye, kung wala naman sina Layka at Aling Tanya, nakikipag-usap ako sa mga nagtitinda ng sorbetes at kung ano-ano pa. Kaya nga minsan noon ay nalilibre ako ng mga tinda nila. Dahil daw natutuwa sila sa pagiging madaldal ko. Saka ang daming hindi naniniwala na sa kalye lang ako nakatira. “Ngayon naman, kakaibang getting to know each other ang gagawin natin.

