Kabanata 20 Essa’s POV Basketball “Ang bilis ng panahon ‘no?” “Kaya nga, eh. Parang kailan lang ay nagkakilanlan pa tayo. Tapos ngayon, tayo na ang palaging magkasama. Mas lalo pa talaga kitang nakasunod, Essa. Ang totoo mo kasi sa sarili. Mabuti na lang talaga at dito ako nag-enroll.” Nasa canteen kasi kami ngayon at nag-uusap ng mga bagay-bagay. Hindi namin kasama ngayon si Nile. Kasi may basketball practice siya. “May itatanong sana ako sa iyo, Essa. At sana hindi mo mamasamain.” “Ano ‘yon?” Nasa kanya na ngayon ang balintataw ko. “Isang linggo na tayong magkasama, pero kahit niisang beses. Hindi ko man lang kayo nakikitang magkasama ni Luis. Kasi ‘di ba? Nabanggit ni Nile noon n

