Episode 2- LAZARUZ COMPANY

1011 Words
Tumingin si Orpheus sa kaniyang ina at nagsenyas itong tanggapin. "Thank you!" "Walang anuman po, sir. Sige po." At umalis na siya. Dali-dali siyang bumalik sa kinaroroonan ni Ginang Josephine at may nakita siyang upuan. "Umupo kayo dito, madam, para hindi ka mapagod." "Salamat, iha." "Walang anuman po!" "Ano pala ang pangalan mo, iha?" "Yvette Zy, ang pangalan ko. Ang aking ina naman ay si Rosalie Pacheco." "Bakit iba ang apelyido mo?" "Anak kasi ako sa pagkadalaga ni Nanay." "I see. Ilang taon ka na ba, Yvette?" "Twenty-seven na ako, madam. Tapos may tatlong pa akong kapatid. Sumunod sa akin ay fifteen years old, iyong isa naman ay ten years old. Ang sunod niya ay eight. Ulila na rin sila sa ama, ang Nanay ko naman ay may sakit sa puso. Kaya ako na po ang tumayong breadwinner sa aming pamilya." "Ang bait mo namang anak, nakapagtapos ka ba ng kolehiyo?" "Hindi po, madam. Hanggang high school graduate lang ako. Kinapos kasi kami mula noong nagkasakit ang ama-amahan ko." "May boyfriend ka na ba?" "Ay! Wala pa po! Hindi pa sumagi sa aking isip, madam. Pamilya muna ang uunahin ko bago ang aking sarili." "Alam mo? Gusto kita. Bukod sa mabait ka ay masipag pa." "Salamat, madam. Hmmm... alis na po kami. Dadaan pa kasi kami sa palengke." "Okay, ingat kayo." "Salamat ng marami, madam." Masayang nagtungo sa palengke ang mag-ina at naisipan ni Yvette na bumili ng lechong manok para sa kaniyang mga kapatid. "Huwag na siguro, nak. Itipid na lang natin iyan." "Nay, minsan lang naman ito para naman makakain sila ng masasarap. At itong ginansiya natin ngayon, ibibili natin ng gamot mo." "Yvette, paano ka?" "Anong paano ako, Nay? Okay lang ako, ang mahalaga ay kayo. Aysus! Nay... huwag na po kayong umiyak. Nakakasama iyan sa iyo." "Salamat, anak, ha. Ang suwerte ko talaga sa iyo." "Mas suwerte ako, Nay. Kasi, kayo ang nagiging ina ko." SAMANTALA pabalik na si Orpheus sa company dahil sa kanilang meeting. "Ayan na --- ayan na si boss!" kinikilig na saad ni Ginelyn Gin at lumapit ito sa isa niyang kaibigan. "s**t! Ang pogi talaga ni boss. Haist! Sana maging akin ka!" turan ni Mai Ann at napapikit pa ito. "Mga s**t kayo! Akin lang si boss!" sigaw ni Jessica at napalingon sa kanila si Orpheus. "Naku! Dead kayo ngayon mga ONGAS!"kantiyaw ni Fralyn Rose, at tahimik itong humagikhik sapagkat gumapang pabalik sa kanilang puwesto ang dalawa niyang kaibigan. "Thurdes?" tawag ni Orpheus sa supervisor. "Yes, sir?" At patakbo itong lumapit. "May mga natapos na ba sa bagong collection?" "Yes, sir." "Good! I-ready mo ang mga iyan para sa meeting bukas at two o'clock in the afternoon." "Yes, sir!" "Thank you!" Hanggang sa nakapasok na siya sa kaniyang opisina at sa kaniyang pag-upo ay biglang sumagi sa kaniyang imahinasyon ang mukha ng dalaga. Nakangiti ito at napailing-iling. "Excuse me, sir!" pukaw ng kaniyang sekretarya. "Yes?" "Do you need medicine?" "No, I'm fine!" "I thought masakit ang ulo mo," she said. "Why you say that?" pagtataka niyang tanong. "Humawak ka kasi sa iyong ulo." "I see. I'm fine!" KINABUKASAN, oras na nang meryenda ay hinatid ni Yvette ang order sa LAZARUZ COMPANY at ayaw pa itong papasukin ng guwardiya. "Guard, ihahatid ko lang ito sa inyong boss. Order niya kasi ito." "Imposible iyang sinasabi mo." "Kung ayaw mong maniwala sa akin. Pwes — tawagan mo ang boss mo! Sabihin mo na nandito ang nagtitinda ng kakanin." "Sige! Pero diyan ka lang." "Opo! Yabang nito!" bulong niya. Tinawagan nga ng guwardiya at ang sekretarya ang nakasagot. "Wait, itanong ko muna kay, sir." "What is that?" tanong ni Orpheus, dahil narinig niya ang sekretarya. "Sir, may babae daw sa labas, may order ka daw." "Yes, sabihan mo ang guwardiya na samahan dito ang babae." "Okay, sir." "Halika Mis. At hahatid kita." "See?! Salamat!" nakataas ang kilay ni Yvette sa inis nito. First-time ni Yvette na makapasok sa ganoong klaseng lugar at namangha siya sa gumagawa ng mga damit at kung anu-ano pa. "Sino iyan?!" tanong ni Jessica, nang makita niya si Yvette. "I don't know..." her friend replies. SINUNDAN ni Jessica nang tanaw si Yvette, habang papasok ito sa opisina ng kanilang boss. "Wow! Ha! Buti pa si Ateng tindera, nakapasok sa opisina ni boss. Samantalang tayo ay hanggang pinto lang!" kunot-noo na sabi ni Ginelyn. "Baka kasi... espesyal ni boss," sabat ni Mae Ann. "Halleer! Sa ayos niyang iyon---espesyal? No way! I don't believe!" turan ni Jessica at nakataas ang kilay nito. "Hoy! Kayong apat! Puro kayo tsismisan, i-re-report ko na kayo!" banta ng supervisor sa kanila. "Hindi kumibo ang apat at bumalik sa kani-kanilang trabaho. "Excuse me, sir. Nandito na po ang bisita ninyo." "G-gandang umaga, sir. Dala ko na po ang order ninyo." "Take a seat!" Itinuro ni Orpheus ang upuan sa harap ng kaniyang lamesa. "Salamat po, sir." "Mhai!" "Yes, sir?" Dalhin mo ito sa labas, ibigay mo sa lahat ng mga empleyado. Kumuha ka rin nang para sa iyo." "Libre 'to, sir?" "Yeah!" "Naku! Salamat, sir. It's my favorite!" she smiled. Bago pa man lumabas ang sekretarya ay kumuha muna ang binata ng dalawa at agad kumain. Tumayo naman si Yvette at kumuha ng tubig at inabot kay Orpheus. "Tubig, sir," aniya at nakangiti ito. Para kay Yvette ay walang malisya ang kaniyang ginagawa, at alam iyon ng binata. Ngunit ang bawat ginagawa ng dalaga ay nagpapalambot ng puso ni Orpheus. Lalo na kapag ngumingiti ito. "Thank you!" "Walang anuman, sir." "Any way, ano pala ang pangalan mo?" "Yvette Apple Zy," tugon nito at inilahad ang kaniyang palad. "I'm Orpheus," turan niya at tinanggap ang kamay ng dalaga. "Alam ko na po, sir. Sinabi ng Mommy mo." "I see. Ito pala ang bayad para bukas." Kumuha siya sa drawer ng pera at inabot sa kaniya. "Salamat po, sir." "Welcome! After dito, may pupuntahan ka pa ba?" "Yes, sir. Pupuntahan ko si Nanay sa 'HCC'. Pagkatapos diretso na kami sa palengke. Kailangan pa kasi naming mamili ng mga ingredients para bukas." "My Mom told me about your Mother, How is she?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD