bc

KISSING THE VAMPIRE CEO ( Tagalog )

book_age18+
3.2K
FOLLOW
13.2K
READ
billionaire
revenge
fated
powerful
beast
tragedy
bxg
office/work place
affair
seductive
like
intro-logo
Blurb

BIGLANG  nagbago ang mundo ni Orpheus nang makabalik ito ng Pilipinas. Tamang-tama ang pagdating niya sa kanilang bahay nang barilin ang kaniyang mga magulang sa hindi kilalang mga lalaki. Sapagkat naka-bonet ang mga ito.

"NOOOO!" sigaw niya mula sa bunganga ng kanilang pinto.

"Barilin n'yo!" utos ng isang lalaki.

"Please 'wag! Maawa po kayo sa akin, ako lang ang inaasahan ng aking pamilya."

"No! Dito lang ako, isama mo na ako sa mundo mo."

chap-preview
Free preview
Episode 1 - 'HOMELESS CHILD CHARITY'
"GOOD MORNING, SIR!" bati ng kaniyang sekretarya na si Mhai Sultones. Dali-dali nitong kinuha ang bitbit ng kaniyang boss with matching smile. "Goodmorning!" tugon ni Orpheus na hindi man lang tumingin sa dalaga. "Guwapo talaga ni boss, kailan kaya niya ako mapapansin?" boses ng isang empleyada na si Mae Ann. "In your dreams!" bulong ni Fralyn Rose sa kaniyang tainga. "Sana all tayong matikman ni boss," sabat naman ng isa pang empleyada na si Ginelyn Gin na tila ini-imagine ang lalaki. "Haaay... naku! Magtrabaho na kayo! Ang lalaking pinapangarap ninyo ay akin lang! Akin lang! Tandaan n'yo iyan!" mataray na turan ni Jessica Smith ang pinakamataray sa apat na magkaibigan. "Ano! Magdaldalan na lang ba kayo? Back to work! Mga 'ONGAS!'" saway ng kanilang supervisor na si Thrudes Subere Naghiwa-hiwalay ang apat at nagkanya-kanyang upo sa kanilang puwesto. They work as a 'Seamstress' sa LAZARUZ COMPANY, ang kanilang mga produkto ay mga damit, jeans, underwear at iba pa. Kilala ang kanilang kompanya sa buong bansa at sa ibang bansa. NOON, ang kompanyang ito ay solo na pag-aari ng LAZARUZ. Ngunit mula noong nagkasakit ang ama ni Orpheus ay binubuo na ito ng limang malalaking tao. Subalit ang ama pa rin niya ang presidente ng kompanya. Sapagkat sila ang may pinakamalaking share, nasa 75% ito. "Mhai, please check my schedule today," utos ni Orpheus at abala ito sa kaniyang laptop. "Only meeting for the board member sir, at two o'clock in the afternoon." "Meeting about what?" "For new collection, sir." "Okay, thanks!" Tumayo ang binata at itiniklop ang kaniyang laptop. Dali-dali namang kinuha ng sekretarya ang case ng laptop at siya na ang naglagay. "Thank you!" Kinuha ni Orpheus ang case at lumabas ito ng opisina. "Grabeng taong 'to, daig pa ang bato. Kahit simpleng smile lang ay hindi magawa!" pagmamaktol nito at inayos ang lamesa ng amo. ( Phone ... ringing. ) "Yes, son?" sagot ni Josephine sa kabilang linya. "Ma, nasa bahay ka pa ba?" "Oo, bakit?" "I'm not busy today, kaya sasamahan kita sa charity." "Good! Okay, anak. Hihintayin kita. 'HOMELESS CHILD CHARITY', isa ito sa pag-aari ng Lazaruz at ang kaniyang ina ang namamahala nito. Inaampon nila ang mga street children. Pinapakain, binibihisan ng magagarang na damit at tinuruan at pinapaaral. Kapag hindi busy sa kompanya ang binata ay doon siya nagpupunta. Masaya siya kapag nakikita niya ang mga bata lalo na't nakikipaglaro ang mga ito sa kaniya. Sakto na sa kanilang pagdating ay siya naman ang pagpasok ng dalawang babae. Ang isa ay matanda at ang isa ay dalaga. Pareho itong may bitbit na malalaking basket. Sa pagbaba ng ina ni Orpheus ay nahulog ang kaniyang phone at nakita iyon ng dalaga. Patagbo niya itong nilapitan at pinulot. "Mawalang galang po, madam!" sambit niya at lumingon naman ang kaniyang tinawag. At ganoon rin ang kasama nitong lalaki. "Yes, iha?" "Uhmm, phone n'yo po, nahulog." Sabay abot nito. "Oh, thank you so much!" "Walang anuman po," aniya at may kasamang ngiti. Sa ngiting iyon ay biglang nagpapalakas sa t***k ng puso ni Orpheus at titig na titig siya sa dalaga. "Uhmm... wait!" anang ginang at binuksan niya ang kaniyang bag at may dinukot na pera. "For youm" "Naku! Huwag na po, madam. Salamat na lang po." "Sige na, iha. Malaking tulong na ito sa iyo." "Hindi ko po iyan matatanggap, madam. Ang ginawa ko po ay simpleng kawang-gawa lang. Sige po!" "Wait!" "Bakit po?" "Ano iyang dala ninyo?" "Uhmm…ito? Mga kakanin po at donuts, paninda po namin." "Sino iyang kasama mo?" "Nanay ko po, madam." "Sige, bibilhin ko na ang lahat." "Talaga po?! Naku! Maraming-maraming salamat, madam. Malaking tulong na po ito sa amin. Halika, Nay. Bibilhin daw ni madam ang paninda natin." Namimilog ang mga mata ni Yvette, dahil sa sobrang saya. "Araw-araw ba kayong gumagawa nito?" "Opo, madam. Ito kasi ang pinagkakitaan namin araw-araw." "That's good! Kaya n'yo bang gumawa ng five hundred pieces. per a day?" tanong ni Orpheus. "Kayang-kaya naman, sir. Kaya lang---kaya lang kulang po kami sa puhunan," nahihiya niyang pagtatapat. "Magkano ba ang isa nito, iha?" "Limang peso po,madam. Iyang donuts two hundred pieces. Ganoon rin ang kakanin." "Here. Dalawang libo para dito. Itong limang libo para sa order bukas. Ang two hundred piece ay dito ninyo i-deliver at ang three hundred pieces ay doon sa LAZARUZ COMPANY." Hindi nakakibo si Yvette at biglang pumatak ang kaniyang luha dahil sa sobrang saya. At halos hindi siya makapaniwala sa grasyang natanggap nila sa araw na iyon. "Salamat po, sir. Madam..." turan ng kaniyang Nanay. Ito na ang tumanggap sa bayad at sabay siko niya sa anak. "Ay! Sorry po! Pasensya na kayo, sobrang saya ko lang po. Maraming-maraming salamat po, madam, sir." "Welcome!" Ngumiti si Ginang Josephine at natutuwa ito sa kabaitan ni Yvette. "I like her!" anang ina ni Orpheus, at pinagmasdan pa rin ang pobreng dalaga habang nauna ito sa kanila. Upang ibigay sa mga bata ang mga pagkain. Samantalang tahimik lang ang binata at nakatingin rin ito kay Yvette. "Kuya Orphe... Kuya Orphe..." masayang tawag ng mga bata, nang makita siya. Napalingon si Yvette at sinundan ng tingin ang mga batang tumatakbo papunta sa lalaki. Inosenteng napangiti ito sa kaniyang nakita. "Hmm... hindi lang pala siya guwapo, mabait pa!" bulong ni Yvette sa sarili. "Iha," sambit sa kaniya. "Ay! Madam, gusto n'yo pong tikman ang kakanin namin? Masarap ito, madam." "Sure!" Inabutan ni Yvette ang Ginang, at maingat siya sa kaniyang kilos. "Ang anak ko, ayaw mo bang patikimin?" "Anak n'yo po siya, madam?" "Yes, my only child. Orpheus ang kaniyang pangalan." "Ah, kaya pala tinawag siya ng mga bata na Orphe. Kumakain ba siya nito, madam?" "Subukan mo, go ahead hatiran mo..." nakangiting utos ni Ginang Josephine. "A-e… sige po." Kinabahan na lumapit si Yvette sa lalaki, huminga siya ng malalim bago nagsalita. "E-excuse me, sir!" aniya sa mahinang boses, ngunit nakangiti pa rin. "Yes?" "S-sabi pala ng Mama mo, baka gusto mong tikman ang kakanin." Nakayuko na inabot ni Yvette ang pagkain sapagkat iniiwasan niyang magtama ang kanilang mga mata. Dahil ayaw niyang iisipin ng lalaki na nagpapansin siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
760.4K
bc

His Precious Property

read
614.6K
bc

He's Cold Hearted

read
160.5K
bc

POSSESIVE MINE

read
970.3K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.0K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.5K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook